Caia’s POV Humalukipkip ako. "Pero sa pagkakatanda ko sa eksaktong sinabi mo kanina ay… magluluto tayo?" pagpapaalala ko. "Oh that? What I mean is... dito lang din ako habang nagluluto ka. Manunuod ako. Pupunahin ko 'yung mga mali mo if ever. And moral support, you know." "What the f*ck?" hindi makapaniwala kong tanong. "Why?" "Naloka ako sa moral support mo, ang laking tulong no’n sa gagawin nating pagluluto." Kumunot ang noo nito. "What's wrong with that? Isa pa, baka nakakalimutan mong inipit mo ang kamay ko. So basically, hindi ko muna talaga dapat ito gamitin. Actually, medyo masakit pa nga, e," alam kong nagdadahilan lang na sabi nito. Tumaas nang bahagya ang kilay ko. Sa pagkakatanda ko sa nakita ko ay maayos naman na nagagamit nito kanina sa pagse-cellphone ‘yung daliri na

