Caia’s POV Wala akong nakuhang tugon mula kay Azul patungkol sa mga bagay na hinihiling ko noong nagkasakit ako, hanggang sa tumahimik na lang ako at nakatulog noong lumaon. Pero pagkagising ko ay hindi ko na ito namulatan pa, ang nakagisnan ko ay tanging kasambahay na lamang ang nagbabantay at umaalalay sa akin sa buong durasyon noong araw na iyon. Hindi ko ito nakita buong maghapon at napag-alaman ko na lamang kay Manong Rolly noong kumustahin nito ang pakiramdam ko na pumasok daw pala ang lalaki sa opisina. Naguluhan tuloy ako, kahit na pinipilit ko pa kasi itong pumasok upang hindi na ito maabala pa dahil sa akin ay tanda kong todo ang pagtanggi nito at ang sabi kasi nito ay mamamahinga rin ito. Pero bakit ito biglang umalis? Tine-text ko naman ito at tinatawagan pero hindi man lan

