Caia’s POV Napangisi ito sa isinagot ko. "But, before that, I think we need to properly introduce ourselves since we didn't get the chance to do that. Ang ingay kasing masyado noong kapatid ko noong nakaraan." Sobra at palagi naman. Bahagya akong natawa at ako na ang naunang naglahad ng kamay. "Caia Ortaleza," pagpapakilala ko. Kaagad na tinanggap naman nito iyon. "Theodore Lagdameo. Theo na lang for short. And it’s nice to meet you, Caia." Pagkatapos magpakilala ay nagsimula na kaming mag-ikot-ikot na dalawa, hindi man ito kasing daldal ni Lara ay hindi naman ako nainip dahil ito ang madalas na nagtatanong at nagbibigay ng paksa na maaari naming pag-usapan upang hindi lumawig ang katahimikan sa pagitan namin. "Pasensiya ka na nga pala sa kapatid ko, ha? Mukhang ikaw ang napagdidisk

