CHAPTER 1: The day our path crossed

1579 Words
Mila's POV SIX YEARS AGO (Year 2015) "Ma, pa, nandito na po ak--" Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko pagkabukas ko ng pinto. Gulat na napatingin ako kay papa. Nagliliyab ang mga Mata niya sa galit habang nakatingin sa akin. ''P--pa...'' Naluluha ang mga mata na napahawak ako sa pisngi. ''B--bakit...'' Saka ko lang napansin ang mga kapatid ko nakaupo sa sofa. Magkatabi si ate at kuya, si bunso naman nasa pinaka-gilid, walang-imik. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa labi ko. I guess I became a scapegoat again. ''Ano bang sinabi ko sayo? Diba sabi ko alagaan mo yang kapatid mo,'' malakas na sigaw ni Papa sa akin sabay turo kay bunso. ''Bakit ka umalis at iniwan 'yan sa parke? Paano kung nawala yan? Nasagasaan? May pera ka ba panggastos,'' dugtong pa niya. Hindi ako makapagsalita. Sinulyapan ko sina ate, sabay na nagsi-iwas sila ng tingin. Si Mama naman tahimik lang habang nakahawak sa pamaypay. Ang mga salitang gusto kong sabihin ay parang bumalik sa lalamunan ko. Because I know, in this kind of situation, kahit anong sasabihin ko wala pa ring maniniwala sa akin. ''Lage ka na lang lakwatsa, sumasama sa mga kaibigan mong mga pariwara. May maitutulong ba 'yang mga 'yan sayo, huh? Wala ka talagang isip! Hindi ko alam kung saan ka nagmana, napakatigas ng ulo mo! Walang-silbi! Kahit anong--'' ''Tapos na po ba kayo? Kung oo, magpapahinga na po ako,'' walang-emosyon kong saad. Lalong namula ang mukha ni Papa sa galit. Rinig ko pa ang pagtagis ng ngipin niya habang nakatingin sa akin. ''Talaga namang!--'' Bago pa niya ako masampal ulit ay mabilis na akong tumalikod at diri-diritsong naglakad papunta sa itaas. Narinig ko pa ang sigaw niya pero hindi ko na ito pinansin. Pagpasok ko sa kwarto ay padabog kong sinarado ang pinto. Saka lang nagsipatakan ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Ang sarap sumigaw, punong-puno na ako pero walang boses ang kayang lumabas sa bibig ko. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Ang sikip-sikip sa pakiramdam, para akong nahihirapan sa paghinga. Mula pagkabata, wala akong ibang ginawa kundi gawin ang lahat ng iniutos nila sa akin. Lahat ng gawaing-bahay, homeworks ng mga kapatid ko, projects, lahat-lahat. Lage rin akong nasa top ten ng klase, ginagawa ko lahat para mapansin nila. Akala ko kasi kapag naging mabait ako, masipag, masunurin, mamahalin din nila ako. Pero hindi. Kahit ngayon, akala ko kapag nasa kolehiyo na ako magbabago na ang pagtingin nila sa akin pero akala ko lang ang lahat. Wala pa 'ring nagbabago, isa pa rin akong walang-silbi, walang-utak. I'm still that mere scapegoat child. Na kahit anong paliwanag ko, kahit anong sabihin ko, wala pa 'ring maniniwala sa akin. Minsan nga napapatanong ako sa sarili ko, mahirap ba akong mahalin? Hindi naman ako greedy eh, pero bakit kahit kunting pagmamahal, hindi man lang nila maibigay? All my life I just wanted to be loved, to be cared of. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap iparamdam na isa rin akong parte ng pamilya. Bakit ang hirap maging masaya? Siguro, ganito na nga lang talaga ako. Maybe I was born just to be the scapegoat for the mistakes they've made. Taga-linis, taga-salo ng mga kasalanang hindi ko naman ginawa. ''Anong nangyari sa mga mata mo? Umiyak ka ba? Pinapagalitan ka na naman ba ng papa mo,'' sunod-sunod na tanong ni Yna sa akin pagkapasok ko ng classroom. ''Nagtanong ka pa wala namang bago d'on. Lage naman talaga 'yang pinapagalitan,'' sabat naman ni Lexa sabay upo sa tabi ko at kumindat sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. ''Pero bakit nga? Hindi naman pwedeng papagalitan na lang ng walang dahilan diba? Ginawa ka na naman bang scapegoat ng mga kapatid mo,'' pangungulit na tanong ni Yna dahilan para mapatigil ako sa pagkuha ng libro ko sa bag. ''Sabi ko na eh! 'Yong mga unggoy na naman ang dahilan.'' Malakas na napahampas siya sa mesa. Napatingin sa amin ang iilan naming mga kaklase. ''Mila, sabihin mo nga, anak ka ba talaga ng papa at mama mo? Kasi mula elementary to highschool hindi ko pa sila nakikitang pumupunta sa skwelahan eh. Tuwing may awards ka, lola mo lang ang laging pumupunta para sabitan ka ng medal. Baka ampon ka lang?" May halong biro sambit ni Yna. Napatawa ako nang mahina. ''Actually natanong ko na rin yan sa sarili ko. Hayaan mo kapag may pera ako, magpapa-dna ako para malaman ko kung anak ba talaga ako o hindi,'' pabiro kong saad pero deep inside may kirot akong naramdaman. 'Yan kasi ang lage kong tinatanong sa sarili ko gabi-gabi, na baka ampon lang ako. Siguro kung ampon lang ako, mas maintindihan ko pa kung bakit ganito ang trato nila sa akin. ''DNA? Anong DNA-DNA ang pinagsasabi niyo, a mahal 'non mga gaga," biglang sabat ni Paula na kararating lang. Basa pa ang buhok nito na tumutulo pa sa sahig. "Ano bang nangyayari? Inaway ka na naman ba, Mila? Binugbog? Sinampal? Hayaan mo pagtanda ng mga magulang mo, bugbugin mo rin," biro nito. Sabay silang nagtawanan. Napatawa na rin ako. Sa aming tatlo, siya lang ang malakas magbiro, ako naman ang malakas magdrama halata naman eh. Pero sa harap lang nila. Sila lang naman kasi ang pinagkakatiwalaan ko. Ang dalawa ganoon din, minsan seryoso, minsan palabiro. "Maiba nga tayo, anong plano niyo mamaya? Ang taas ng breaktime natin eh, tatlong oras. Saan tayo tatambay,'' singit ni Lexa. Nagkatinginan kaming tatlo. We're still in first year college, education ang kinuha naming course, major in English, kaya ang taas-taas pa ng break time namin. Maliit lang din kasi 'yong campus, konti lang 'yong classroom kaya hinati 'yong klase. May MWF (Monday, Wednesday, Friday) at TTH ( Tuesday and Thursday) depende sa subject. Minsan tumatambay kami sa park, sa plaza, sa bar o di kaya pumupunta kami sa mall o library. Minsan lasing pa kami kung pumapasok sa klase. Hindi rin naman kami pinapagalitan ng prof. nasanay na yata sa amin. I don't drink before, never smoke, coming to parties, but now I do. Since they see me as a bad girl, then I'll just act like one. That way they can still see my existence. ''Wala ako sa mood gumala ngayon eh. Tatambay na lang muna ako sa library, '' sambit ko at ngumiti ng pilit. Napatingin silang tatlo sa akin. Puno ng pagtataka sa mukha. ''Okay.'' Lumapit sa akin si Paula at nilagay ang kamay niya sa balikat ko. ''Parang gusto ko ding matulog eh. Sa library na lang tayo mamaya.'' Tinapik niya ako sa likod at umupo na sa upuan niya. Ngumiti ako sa kanya na parang nagpapasalamat. Usually, kapag ganito na may problema ako, pumupunta kami sa bar at umiinom pero ewan ko ba, parang wala talaga ako sa mood ngayon. Gusto ko lang umupo, magpahangin at makinig ng kanta. I just want to stay in a quite place to think. ''Good morning class. Please take your seats. Magsisimula na tayo.....'' Nagsimula ng magdiscuss si Mrs. Valdez, prof. namin sa english. Ang dami niyang sinasabi pero wala akong naiintindihan kahit isa. Nakatitig lang ako sa whiteboard. Hanggang sa matapos ang klase, nanatili pa rin akong tulero. Wala sa sarili. Inaya ako nina Paula na kumain sa restaurant pero umayaw ako. Wala talaga akong gana ngayon. ''Sige. Kita na lang tayo sa library mamaya. Mag-iingat ka.'' Huling sabi sa akin ni Lexa bago sila umalis. Habang papunta sa plaza ay sinaksak ko ang earphones sa magkabilang tainga ko. Nakikinig lang ako ng kanta habang naglalakad. I have a social anxiety disorder, naiilang ako kapag may ibang taong tumitingin sa akin habang naglalakad, lalo na kapag may grupo ng mga kababaihan o kalalakihan akong madadaanan, pakiramdam ko kasi pinag-uusapan nila ako. Sinasabihan ng mga pangit na salita. One thing i hate about myself is I overthink everything, even the smallest detail. Malapit na ako sa library nang may marinig akong kumakalabog na ingay, seems like a bumpy ride? Para itong nanggaling sa may fountain. Out of curiosity, tinanggal ko ang isang earphone ko at dahan-dahang naglalakad palapit dito. Habang palapit ako ng palapit, ay lalo ring lumalakas ang ingay. Para akong naging tuod sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang lalaki. He's wearing a black cap, grey t-shirt and black loose pants. Parang may kakaibang liwanag ang lumalabas sa mukha niya habang naglalaro ng skateboard. Every move of his feet, every flip, it makes my heart beat faster. Not because I was attracted to him, but the hell! It looks so dangerous, bakit may mga tao pang naglalaro ng ganito? Are they that eager to die? Humakbang ako palapit sa lalaki nang mapansin ko ang isang babae na paparating. ''Babe," tawag nito sa lalaki. Mahaba ang buhok niya na kulay blonde. Sino siya? Girlfriend ba siya ng lalaki? She's pretty. Ang liit ng mukha niya at ang puti ng balat. ''Hindi ka pa ba aalis? Tara na. Mahuhuli na tayo.'' Dinampot ng babae ang parang bag yata ng lalaki sa may bench. Kumuha siya ng towel at pinunasan ang lalaki sa mukha. I saw him smiled at her, sweetly. I can clearly see the word love on his eyes. They looked perfect to each other. It feels like I'm looking at some fairytale. ''Thank you, babe. Let's go?'' Hinawakan nito ang kamay ng babae at nakangiting sabay na umalis. A sad smile formed in my lips, ''She's lucky. She's got the man who really loved her. As for me, I have no one."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD