Episode 46

2113 Words

Tulong kami sa pagluluto ng tanghalian ni Sir Rhuel at nakikialam din naman si Gelene sa ginagawa naming mag-asawa. Madalas pa niyang banggitin na siya na lang daw ang tutulong para may ginagawa naman daw siya. Pero hindi ako pumayag. Alam kong magkakaroon sila ng pagkakataon ni Sir Rhuel at iyon ang hindi ko talaga mapapayagan na mangyari. Mabuti naman at hindi lumalapit sa kanya ang asawa ko dahil kung nagkataon talaga ay baka iba ang mahiwa ko. Baka sa halip na bawang at sibuyas ay maisaksak ko na lang sa kanila itong matalim na kutsilyo na gamit ko. “Marunong ka pa lang magluto, Dea?” tanong niya sa akin. “Oo naman. Bata pa lang ako ay tao na ako sa kusina dahil ang nanay ko ay katulong ng tatay ko sa pagtatanim sa bukid.” Sagot ko at saka nagpatuloy sa paghihiwa ng isang malaki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD