Marami pa akong nalaman. Ang mga malabong katanungan ko dati, ngayon ay napagtagni-tagni ko na at nalinawan na ako. Hindi talaga mukhang pera si Sir Rhuel gaya ng naisip ko ng malaman ang tungkol sa malaking pera na nasa pangalan ni Ron. Wala talaga siyang intensyon na masama dahil mahal niya talaga si Ron bilang kanyang pamangkin at nag-iisa na lang na kadugo. Ayon sa nalaman ko ay namatay din pala ang nanay ni Sir Rhuel sa panganganak sa kanya gaya ng nangyari kay Rana na siyang nanay ni Ron. Nagbibigay naman daw ng sustento ang tatay ni Sir Rhuel sa kanyang pamilya na nag-alaga sa kanya ngunit hindi naman ginagamit para sa mga pangangailangan niya. Bagkus ay pinapabayaan lang siya na magutom sa kanyang murang edad. Agad namang nalaman ng tatay niya ang pangyayari kaya kinuha siya

