Pagkapasok pa lang ni Luna sa MetroBeat office 2 after ng insidenteng nangyari, pakiramdam niya para siyang zombie na naka-automatic mode. Yung tipo ng zombie na may eyebags na naglalakad nang diretso, pero may background music na “I did it my way!” Pero syempre sa isang banda, masaya siyang buhay pa si Red, nakaka-recover na ito at hindi na nagdudugo ang ilong. At hindi na ulit ito nag paramdam, kaya lang niya nalaman na magaling na ito ay dahil sa mga article na nag lalabasan. At syempre kasama siya sa controversy na nagawan naman ng paraan ni Kuya Vic na pinalabas lang na kaya sila magkasama ay dahil siya ang ginagawang personal driver ni Red. Pero wala daw special na namamagitan sa kanilang dalawa ni Red, which is totoo naman. “Good morning, Luna,” bati ng receptionist na parang mas m

