Kabado si Luna habang kinakagat-kagat niya ang kuko habang iniintay sumagot ni Casper sa tawag niya. Nakatayo si Luna sa harap ng salamin, hawak ang cellphone na parang mas mabigat pa sa konsensya niya. Basa pa ang mukha niya, hindi malinaw kung tubig lang o may halong pawis dahil sa kabang na raramdaman. Nag message kasi si Casper kung hindi daw siya tatawag pupunta ito ng Pilipinas at ito ang aalaman kung ano ba talaga ang nangayari at bakit parang pinag tataguan niya ito. Huminga pa siya nang malalim bago tuluyang sinagot ni Casper ang call niya. “Hello,” mahina niyang sabi. “Luna.” dama niya ang galit sa timbre ng boses ni Casper, sobrang bait ni Casper kaya nakakakilabot yung malamig na timbre ng boses nito ngayon. Parang mag sisikip ang didbib niya sa kabang na raramdaman. “Where

