After a Month May mga buwan talagang hindi dumarating nang may ingay, yung buwan na napaka boring, basta natapos nalang dumadaan lang ng tahimik, mabigat parang ulap na hindi umuulan pero ramdam mong babagsak ka pa rin ano man oras. Ganito ang buwan na lumipas para kay Luna simula ng tuluyan na siyang lumayo sa anino ni Red. At si Red tuluyan na din lumayo back to normal ika nga na makikita lang niya ito sa TV, billboard, magazine cover, at newspaper. Pero sa personal hindi na niya ito na kikita as in wala ng paramdam. Isang buwan mula noong gabing isinara niya ang pinto sa mukha ni Red at sa sarili niyang kahinaan. Isang buwan ng pag-iwas, paglimot, at pagpapanggap na kaya pa niyang huminga sa parehong lungsod na kinaroroonan ng lalaking minsang nagpabilis ng t***k ng puso niya at gum

