CHAPTER 15

1891 Words
Nabitawan ko ang cellphone niya. Agad ko itong binack at inoff para hindi niya mahalata na pinakealaman ko ito. Napaupo ako sa kama at napatakip sa bibig. "Hindi, hindi ito maaari." Pinilig ko ang ulo ko. Sabi niya ay hindi siya nakipaglandian, na ako lang buong limang taon. Pero, hindi, nag sinungaling siya and worst nagkaanak pa. Hindi ko na kaya. Tama nga. Hindi niya kayang pigilan. Lalaki siya, at mahalaga ang pangangailangan para sakaniya. Hindi siya mabubuhay kung hindi siya makakatikim. Napahikbi ako sa mga iniisip ko. Hindi ko matanggap ang katotohanan. Hindi ganito ang pamilya na gusto ko. Gusto ko yung perpektong pamilya. Yung masaya kayo lahat. Walang iniindang problema at kung meron man ay dahil sa negosyo o kaya naman dahil sa mga anak. Hindi ko man lang naiisip na magkakaroon nang half sibling ang anak ko. Hindi ko kayang makita na may ibang responsibilidad si Tyler bukod samin. Hindi ko kaya. Nataranta ako sa pagpunas sa mga mata ko nang mahinto ang shower. Agad akong tumayo at kumuha sa closest nang pampalit. Narinig ko ang pagbukas nang pinto. Sinara ko ang closet at hinarap siya na tinatakpan nang buhok ang mukha ko. Hindi ko kayang makita niya na umiyak ako. Hindi niya pwedeng malaman na alam ko. Hindi p ngayon. Hindi ako handa. "Maliligo na ko." Sabi ko sabay deretsyo sa banyo. Sa banyo ay hinayaan ko lang na bumuhos ang shower habang bumubuhos ang mga luha ko. Hindi ko kaya. Wala din akong lakas loob na iopen ang topic na to. Ano na lang ang sasabihin ni Taylor? Ni Sandra? Deigo? Ang parents ko? Hindi ko kaya. I'm sure magmamakaawa ang parents ni Sandra na paghiwalayan kami para maipakasal silang dalawa. Knowing them? They will do everything for their daughter. I'm worried to Taylor's reaction. What will he say, if ever he know about this? Kakikilala niya lang sa tunay niyang ama at mahahati na agad ang atensyon na meron sila dahil sa parating. No. I can't accept it. Kung panaginip lang lahat na ito ay gusto ko nang magising para walang problema. Kung nasa nobela lang kami gusto ko nang makawala. Pero, hindi e. Totoo. Nasa ganitong sitwasyon ako. Hindi ko kaya. Paano kung mawalan na akong tuluyan nang karapatan kay Tyler? Dahil magpapakasal sila ni Sarah. Ipagpipilitan niya bang hindi nila kami paghiwalayin dahil mahal namin ang isa't isa o siya na mismo ang susuko sa ilang taon naming hindi nagwo-work na relasyon at sa tulong ni Taylor ay nagwork? Binilisan ko na ang pag shower dahil kumatok na si Tyler na bilisan ko na dahil handa na ang breakfast sa baba. Wala siyang alam kaya malaya siyang gumalaw. Nagpapainoocente siya. I need to protect my property. He's my property and always be mine. I'm his permanent wife. Permanent. No one will change me in my position. Lumabas ako nang bathroom, suot ang white off-shoulder dress ko. Wala na si Tyler dahil nauna na sa baba. Hindi ko kayang makita niya na nagmumugto ang mga mata ko. Agad akong pumunta sa vanity table. Naglagay ako nang concelear para matabunan ang mugto kong mata. Salamat sa concelear dahil kahit papano ay hindi masyadong halata kahit na mahalata parin, medyo. Naglagay lang ako nang light make up at nag eye glasses para walang mugtong mata na mahahalata. Suot ang white off-shoulder dress partneran nang white and black stilettos heels ay lumabas ako nang suit. "Mmm.. blooming kaya ta ngayon, Mika?" Ani Sandra habang tumatawa. Ngumiti naman si Deigo. Umupo ako sa tabi no Tyler kahit na may kirot sa puso ko. I still compose myself. "Hindi ah. Sorry nga pala at late na ko. Nagayos pa kasi ako nang sarili." Sabi ko. "Asan nga pala si Taylor?" Tapos na silang kumain at ako na lang ang hindi pa kaya naman sinimulan ko nang kumain. "Ah nag rest room langㅡayan na pala siya." Tumabi sakin si Taylor. "Good Morning Mommy!" Bati niya. "Good Morning!" Sabi ko sabay g**o sa buhok niya. After mag breakfast ay naisipan naming pumunta sa theme park para mag picnic. Habang nasa byahe ay wala akong imik. Hindi pa din kaya nang sarili ko na tanggapin ang katotohanan. "Mika, are you okay?" Ani Sandra with her worry expression. Tinigna ko siya thru rear view mirror. Nginitian ko siya. "Oo naman." Pagdating namin sa theme park ay agad na lumabas si Sandra at Taylor para humanap nang lalatagan nang blanket para sa picnic. Ako naman ay dinala na ang basket with full of fruits. Si Tyler naman ay dinala na ang blanket. Si Deigo naman ay kinuha na ang isang paper bag with full of utensils. Sinundan namin si Sandra at Taylor, naglatag kami nang blanket sa may dalawang puno sa gilid. Agad nilatag ni Tyler ang blanket sunod ay nilagay ko naman ang basket, si Deigo naman ay yung paper bag. "Mommy, I want to try that." Ani Taylor sabay turo sa mga nagba-bike. Inayos ko na ang basket. "Sure baby, ask tita Sandra to accompany you." Saka ko tinignan si Sandra na ngayon ay nakikipaglampungan kay Deigo. "Sure Taylor. Let's go." Ani Sandra sabay tayo at sama kay Taylor. Naiwan kaming tatlo. Abala ako sa pagaayos ganun din sila. Nang matapos ay nagpaalam akong pupunta kay Taylor. Nakita ko silang nakikipag usap sa matandang lalaki. "Magkano po itong bike, manong?" Taning ni Sandra sabay turo sa maliit na kulay blue na bike. "30 minutes, 500pesos." Sabi ni manong. Lumapit na ako sakanila. "Eto po manong, magkano?" Turo ko sa mataas na bike na kulay pink. "30 minutes, 800 pesos po ma'am." Ani manong. "Magba-bike ka din, Mika?" Tanong ni Sandra. Nginitian ko siya. "O sige po manong. Kukuhanin po namin ito." Sabay turo sa maliit na bike. "Saka po itong dalawa." Sabay turo sa kanina kong tinuro at dun sa mataas na bike na kulay puti. Binigay namin yung bayad pagkatapos ay sumakay na kami sa bike. "Ilang taon na kong hindi nakakabike." Ani Sandra habang nagba-bike kami. "Ako nga din. Sa Canada kasi si Taylor lang ang nagba-bike." Sabi ko sabay sulyao kay Taylor. "Marunong pala talaga si Taylor mag bike?" "Oo, alam mo naman na hobby ko ang bike kaya tinuruan ko siya.' "Miss ko talaga ang ganito. Naalala mo yung nag bike tayo sa village niyo, dun ko nakilala si Deigo?" Natawa ako sa sinabi niya. "Oo, naalala ko pa yun. Yung natumba ka dahil sa kakatitig sakaniya." "Oo nga, tapos tinulungan niya pa ko." "Tapos na pagalitan ka nila tita at tito dahil nasugatan ka." "Pero worth it naman. Simula nun kapag weekends pumupunta ako sainyo para magbike at the same time para makita si Deigo." "Oo nga, tapos naging close tayo nun." "Tapos sakto pa na same university ang papasukan natin." "Tapos nagtapat ka nang feelings sakaniya the day before the first day of school." "Oo nga tapos tumakbo ako, pero agad din niya ako hinabol para sabihin sakin na may gusto din siya sakin." Then she giggle. "Tapos nung first day of school ay simula nang panliligaw niya." "Na sinagot ko nung second day of school." "Tapos na galit parents mo nun." "Tapos nung third day of school niligawan ko siya." "Tapos forth day of school sinagot kaniya." "Tapos fifth day of school nag break kami dahil nakita ko siyang may kayakap na babae." "Yun pala ate niya." "Tapos nung sixth day of school pinakilala ako sa parents niya." "Tapos nung sevent day of school pinakilala mo naman siya sa parents mo." "Tapos, after how many months nag break ulit kami dahil nakita ko siyang nakipagyakapan uli." "Tapos pinsan niya lang pala." "Tapos tomboy pala." "Tapos tanda ko pa na sinabunutan mo pa yun" "Oo pero humingi din ako nang sorry." "Nakakatawa talaga ang love story niyo." "Sinabi mo pa. Hulog na hulog ako nun." "Tapos mas naging masaya ka dahil lagi kang may cupcake kay Deigo. Lalo na pag strawberry ang flavor." "Oo tapos lagi pang may love letter sa cupcake." "Ang sweet niyo talaga nun kasing sweet nang cupcake." "Oo nga, taposㅡ." Nahinto ang pagsasalita niya nang tinawag ako ni Taylor. "Mommy!" Nakahinto na sa tabi ang bike niya. Hininto namin ni Sandra ang bike kung saan nakahinto sakaniya. "Bakit?" Tanong ko habang binabalanse ko ang bike. "I'm hungry." Aniya habang hinihimas ang tiyan. Natawa ako. Sinulyapan ko ang relo ko. Time na pala. Isasauli pa namin ang bike. "We're just going to return this bike first then we will eat." He nod. "Tapos na kayo?" Tanong ni Deigo samin. Nasauli na namin yung bike at nag rest room pa muna kami dahil naiihi na si Taylor. "Oo tapos na kami. Kakain na kami gutom na kami." Ani Sandra. Habang kumakain ay nagkwentohan lang kami. Pulos lang kami tawanan. Nang maghapon ay napagdesisyonan naming umuwi na. Nasa sasakyan na kami at naligpit na namin ang mga gamit namin. "Mag re-rest room muna ako." Paalam ko. "Rest room ka, Mika?" Tumango ako kay Sandra. "Sama ako." Lumabas ako nang cubicle at pumunta naman sa sink para mag retouch at maghugas nang kamay. Habang nag huhugas nang kamay ay lumabas si Sandra sa katabi nang nilabasan kong cubicle. Nag hugas din siya nang kamay. Kinuha ko na ang pouch ko sa bag at nagsimulang mag retouch. "Okay na talaga kayo ni Tyler, no, Mika? Parang walang nangyari 5 years ago." Natigilan ako sa sinabi niya. Nagiinit na ang mag mata ko. Tiningnan niya ko pero nagiwas ako nang tingin. Naalala ko nanaman ang text ni Sarah. Pinilig ko ang ulo ko at pinagoatuloy ang pagre-retouch. "Are you okay, Mika? Did I tell you something isn't right?" Nagaalalang tanong ni Sandra habang pinupunasan ang kamy niya. Tinago ko na ang make up ko. Pilit akong ngumiti. "Don't worry, I'm okay." Habang nasa byahe ay wala akong imik. Dinadamdam nanaman ang text ni Sarah. Nag send kaya nang message si Tyler? Kung, oo, ano? Nang nasa hotel na kami ay agad akong nag kulong sa suit. Nagaalala na ang mga kasama ko pero sinabi kong ayos lang ako. Pero, hindi. Hindi ako okay, at hindi ako magiging okay hanggang hindi una magsalita si Tyler. Nang matapos ang dinner ay nauna nang pumunta sa suit sila Deigo, Tyler, at Taylor. Si Sandra ay may inasikaso pa tungkol dito sa hotel nila. Nang lumabas siya sa opisina ay nabigla siya sa presensya ko. "Akala ko sumunod kana sa taas?" Umiling ako. "Hindi pa. Gusto sana kitang kausapin." "Mukhang seryoso to? Sa garden nalang tayo magusap." "Anong paguusapan natin, Mika?" Aniya. Nakayuko ako dito sa kinauupuan ko. Si Sandra ay nasa harapan ko at nagaalala. Umiling ako. Hindi ko na napigilan ang pagdaloy nang luha ko. "Oh my gosh!! Are you okay, Mika?" Nagaalalang tanong niya. Umiling ako dahil hindi naman talaga ako okay. "Nakabuntis si Tyler." Naghihikbing ani ko. "Ano? Na-naka-naka buntis si Tyler?" Hindi makapaniwalang ni sabay iling. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko kayang sarilinin ang problema ko. Mahina ako pag dating sa mga problema. "Mi-Mika? Sigurado ka ba diyan? Baka naman guni-guni mo lang?" Pinunasan ko ulit ang luha ko at hinarao siya. "Hindi, Sandra, kanina nakita kong nag text si Sarah. Buntis siya." Yumuko ako. Tumayo siya. "Tara at sugurin natin." Tumayo ako at pinigilan siya sa braso. Umiling ako. "Hindi. Hindi ako makakapayag. Hindi ako papayag na ganyanin niya ang kaibigan ko. Naging okay na ang lahat pero sinira niya nanaman." Hindi talaga paawat si Sandra. Agad niyang binuksan ang suit namin ni Tyler at wala siya. Umiiyak pa rin ako. Hindi ko kaya. Ano na lang sasabihin niya pagnalaman niyang alam ko ang sekreto niya. Agad akong hinila ni Sandra sa kwarto nila. Pagbukas niya sa kwarto ay naabutan namin silang nagtatawanan. Nabigla sila, agad silang nagayos nang tayo, ganun din si Taylor. "Mika, why are crying?" Ambang lalapit sakin si Tyler pero piniglan ito ni Sandra. "Nakabuntis ka! HAYOP KA! GINAGO MO ANG BEST FRIEND KO!" Sigaw ni Sandra. Lahat ay nagulat. ___________________________ RECRUIT OTHER VIEWERS FOR THE FAST UPDATE!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD