CHAPTER 8

1023 Words
Kinagabihan ay nakapagdesisyonan namin ni Deigo na mag bar. Pumayag naman ang asawa niya dahil mapagkakatiwalaan naman ito'ng si Deigo at faithful siya sa asawa niya unlike me..... Argh! Nevermind.... Napakalas nang music at madami ding tao, madam ding mga sumasayas sa dance floor pero wala akong pakielam. Nandito kami ni Deigo sa bar counter at umiinom nang hard drinks. Madaming lumalapit sakin mga babae pero hindi ko ito pinapansin. Si Deigo ay hindi pinapansin nang mga babae dahil sa naka print sa t-shirt niya. Back: BACK-OFF GIRLS I'M NOT AVAILABLE! Front: I'M FAITHFUL HUSBAND! And yes, yan ang pinasuot nang asawa niya, siguro dapat matatawa ako pero sa sitwasyong ito, hindi, hindi ko kaya. "Whoah!! Lakas mo talaga dre' makainom. Pang limang alak mo na yan ahh. Dahan-dahan naman. Baka malasing ka niyan." "Mas mabuti na yun para mawala lahat nang sakit na nararamdaman ko." "Lasing ka na dre." "Hindi ako lasing. Sanay ako sa mga hard drinks kaya matagal akong malasing." Ilang minutong katahimikan. Nagpapakiramdaman. Tanging music lang at hiyawan sa bar na ito ang naririnig namin. "Paano kung hindi na bumalik si Mika?" Biglang tanong ni Deigo. Nilaghok ko ang alak. "Deigo, babalik si Mika, nararamdaman ko yun." "Pero hindi lahat nang pakiramdam ay tama." "Malakas ang pakiramdam ko, Deigo." "Fine. Let's say na umuwi nga siya." Tumingin siya sakin. "Paano kung may kasama siyang iba?" "Dre' pinagloloko mo ba ako? May alam ka ba kung saan pumunta si Mika?" Natigilan siya at bigla na lang tumawa na halatang pilit. "Dre' hindi mo talaga maiiwasan na mag conclude. Syempre natural lang yun. Oo dapat always positive ka pero 'dre may negativeness din. Kaya wag mong isipin na porket nagco-conclude ay may-alam na." Napabuntong hininga ako. "Well, kung tama yang hinala mo. Maybe, masasaktan ako." Bigla siyang tumawa. "Dre' ikaw masasaktan?" Kinunutan ko siya nang noo. "Oo dahil asawa ako." "Yun na nga e. Siguro umalis siya dahil sa mga kagaguhan na ginawa mo. Hindi mo ba naisip na nakikipagsex ka na may asawa ka namang naghihintay sa bahay? Hindi mo ba naisip kung gaano kasakit yun? Hindi mo ba naisip kung ano ang nararamdaman nang asawa mo? Hindi mo man lang ba inisip kung tama ba ang ginagawa mo? Hindi mo man lang ba naisip na may tao kang naaagrabyado? Hindi mo ba naisip na mas kailangan ka nang asawa mo? Hindi mo ba naisip na hindi na nga nagwowork ang relasyon niyo ay mas pinalalala mo pa? Hindi mo ba naisip na kung gaano niya tinago ang relasyon niyo? Kung relasyon nga ba ang matatawag? Hindi mo ba inisip ang kailangan nang asawa mo? Kailangan nang nagmamahal at nagaalagang asawa niya? Hindi mo man lang ba inisip na mas importante ang asawa mo hindi ya'ng kailangan mo? Hindi mo man lang ba naisip na sinasaktan mo na siya? Yun nga e. Asawa ka. Pero wala ka. Asawa ka, na wala ka sa tabi niya. Asawa ka na parang wala." Aniya. Natigilan ako. Tama siya. Asawa ako na parang wala. Tama, dapat hindi ako masaktan dahil unang-una ay siya ang mas nasasaktan saaming dalawa. Na siya ang mas naagrabyado. Kulang pa itong sakit na nararamdaman ko. Na hindi dapat ako masaktan dahil ito na din naman ang karma ko. Hindi ko man lang naisip noon na pagnawala ang asawa ko ay hahantong ako sa ganito. Hindi ko man lang naiisip na posibleng layasan ako nang asawa ko dahil sa kagaguhan ko. Maski ako ay hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Siguro dahil sa respeto. Respeto? Asan ang respeto sa mga kagagawan mo? Respeto nga ba ang matatawag mo dun? Ang makipagtalik sa iba dahil ayaw makipagtalik sa sariling asawa para sa respeto? Respeto pa nga ba? Parang hindi naman? Dahil kung nirerespeto mo ang asawa mo ay hindi mo iyon gagawin. Ikaw ang nagdala sa sitwasyong ito. Sa una pa lang, ikaw na ang may kasalanan. Ikaw ang may pakana. Ikaw ang dahilan. Ikaw na lahat. Respeto ba ang pinanghahawakan mo? Pwes, hindi respeto ang tawag dun. Dahil kung repseto yun dapat una pa lang ay pinalagahan mo na ang pagiging magasawa niyo. Pero ano ang ginawa mo? Wala. Walang-wala. Ngayon ay nagsisisi ka na. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Pero, kahit anong sisi mo sa sarili mo ay hindi mo maitama. Para saan pa? Wala ang asawa mo? Hindi mo macontact? O baka naman ay ayaw niyang makausap ka? Masakit sa parte mo dahil ayaw ka niyang kausapin. Pero, hindi mo alam, siya ang mas nasaktan. Oo, nasasaktan ka ngayon pero kulang pa iyan sa ginawa mo sakaniya. "Kita sa akto ni misis nakikipaghalikan ang mister." Iyan. Hindi mo ba naisip kung gaano iyan kasakit. Syempre hindi, ikaw ba naman nakikipagtalik araw-araw kahit pa nasasaktan na ang misis ay walang kang pakialam. At pagnakita kayo nang misis mo ay irarason mo ay mahal mo siya. Mahal? Mahal mo nga ba? Let's say oo. Pero... Ano?..... Bakit?.... Kung mahal mo bakit mo sinasaktan, bakit mo pinapahirapan, bakit mo pinapaiyak. Hindi ba kung mahal ay aalagaan, papasiyahin, at higit sa lahat ay mamahalin mo siya araw-araw, bawat oras na lumilipas na magkasama kayong dalawa. Mahal? Mahal nga ba ang tawag diyan, Mr. Tyler Qin Ramosa? Sabi nang mapagkunsensya kong isipan. Pero tama siya. Mahal nga ba ang tawag dun? Natauhan ako nang may babaeng tumabi sakin. Tinignan ko ito at agad na kinunutan nang noo nang nakita ko si Sarah. "I told you, hindi kita tatantanan." Aniya saka bumaling sa bartender at nagorder. "O sya dre' alis na ako, hinahanap na ako nang asawa ko. Nagtext na e. Atat na atat." Aniya at pinakita ang cellphone. Tumayo siya at tinapik ang balikat ko. "Pagisipan mong mabuti 'dre." Aniya bago ako tuluyang iwan. Tumayo na ako pero pinigilan ako ni Sandra sa braso. "Oh! Iiwan mo ako dito nang magisa? Pano kung may mag bastos sakin. Alam mo naman na may mga bastos dito sa bar mo at hindi ko sila kilala. Saka saluhan mo naman ako dito oh." Aniya habang pinapakita ang baso niya. Nagpapaawa. Wala na akong nagawa kundi ang umupo ulit. Napabuntong hininga ako. Iiwan ako ni Deigo sa babaeng ito? Iniiwas ko na nga ang makipagtalik dahil sa problemang meron ako at isa pa tong nakangisi sa harapan ko habang umiinom. Paano na ako? ___________________________ RECRUIT OTHER VIEWERS FOR THE FAST UPDATE!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD