"Allyson, Let's go." napatalon ako sa gulat sa biglang pagtawag sa akin ng ama ko. Tumango ako bilang sagot at sumunod sa kanila papunta sa first floor para sa announcement. Tahimik akong sumakay kasama ang ibang board members at magulang ko sa elevator. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga sinabi ni Landon. Ang hirap nyang basahin, di ko alam kung ano na ang pede kong asahan sa kanya. Kausap ni Daddy ang ibang board members habang marahan namang hinaplos ng mommy ko ang likod ko kaya napalingon ako sa kanya at binigyan sya ng tipid ng ngiti. Ngumiti sya sa akin pabalik. Alam kong alam ng parents ko ang past namin ni Landon pero di ko alam kung anong mga binabalak nila. Ang hirap manghula, I want them to open up with me. "She's too young on this profession but I think she can handle i

