"What are you doing here?" "I brought you food. Kain tayo." sagot nya at tumuloy sa dining table para ilapag ang ulam na dala. Nakahalukipkip akong nakasunod sa kanya. Pinapanood ko sya habang inihain ang dala nyang ulam sa mangkok. At nagsandok ng kain sa rice cooker. Saturday morning ngayon kaya walang pasok. Katatapos ko lang maglaba at mag saing. Magluluto na sana ako ng ulam ngunit biglang dumating ang asungot na 'to. Kung naka asta sya pakiramdam nya bahay nya eh. Bumaling sya sa akin pagkatapos nyang iset ang lahat. Iginaya nya ako paupo sa isang upuan at sinandukan ng kanin. Napatalon ako ng pahiran nya ng tissue ang pawis ko. Nakatulala lang pala ako for the whole time at di ko napansin na tapos na pala sya sapagserve sakin. "Masyado mo naman atang pinapagod ang sarili mo,

