"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko habang nasa kalagitnaan ng byahe. Di na kami pumasok sa loob ng party ni Sean, I know they will understand. Tinext ko naman sila bago ako umalis. Hindi pa din sya sumasagot, sa halip hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa mga labi nito. "Mahal na mahal kita kahit di mo ako mahal." sabi nya. Gusto ko syang batukan at sabihing kung di kita mahal andito kaya ako ngayon. Ngumiti ako sa kanya. "San mo ba talaga ako dadalhin, Landon?" tanong ko. Nakakapagod din pala ang makipagtigas. I mean, mas masarap talaga ang feeling na free kang ipahayag ang naramdaman mo not vocally but tru action. "I'll take you to my heaven." kinalas ko ang kamay kong hawak nito at sinapak sya. "Wag mo akong maloko-loko, Landon ha." "Joke lang. Kahit gabi-gabi kitang pinag

