Chapter 39 Want you “I’M DONE…so done. No more chasing. No more playing. No more love…” utal-utal na saad ni Addie habang unti-unti nang pumikit ang mga mata niya hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog. Napailing ako nang yakapin niya pa ang bote ng vodka na mag-isa niyang inubos. Kinuha ko iyon at nahihirapang iniayos ko siya ng higa sa kama. Pasado alas-dose na at ilang bote na rin ng alak ang naubos niya. Finally, nakatulog na rin siya. “Addie will regret drinking you tomorrow morning…” tila nasisiraan ng bait na pagkausap ko sa bote. Nilinis ko ang mga ginawang kalat ni Addie bago ako tumabi sa kanya. Ipinikit ko ang mga mata ko pero lumipas ang ilang minuto at hindi ako magawang dalawin ng antok. Naiinitan ako kahit todo naman ang aircon sa kuwartong kinaroroonan namin ni Addi

