Chapter 36

2321 Words

Chapter 36 Mild SPG Mine “IBA talaga ang kisig ng isang Pisces Hammington…” Mula sa pagtanaw sa mag-ama kong naglalangoy sa dagat ay binalingan ko si Addie na kanina pa walang ginawa kung hindi kumain. Pagbaling ko nga ay hayun at halos maubos niya na ang platter ng seafood na inorder namin wala pang kalahating oras ang nakakalipas. “Ano na namang pinagsasasabi mo diyan?” kunot-noo kong tanong sa kanya at inagaw na sa kanya ang platter na ikinasimangot niya. “Tingnan mo kasi paligid mo mamsh, tingnan mo ang mga babaeng ‘yon kanina pa walang ginawa kung hindi paglawayan ang ama ng anak mo…” nguso niya sa katabi naming nipa hut na kanina ko pa nga naririnig ang mga tawanan at tila kinikilig na usapan ng katabi namin na puro kababaihan. Simangot na simangot si Addie at mukhang naiini

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD