Chapter 42 Ring “YOU should let the maids handle that…” Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang maramdaman ko ang mahigpit na yapos ni Pisces sa bewang ko habang nagluluto ako ng agahan namin. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. “Why? Ayaw mo ba sa luto ko?” Umiling siya. “I didn’t say that…I love your cooking, Samantha.” “Talaga lang ah?” nagpapanggap na hindi kumbinsido kong saad. “But I want to wake up in the morning with you by my side,” anas niya sabay kintal nang mabilis na halik sa labi ko. Napailing ako at natawa. “Bakit ba napaka-cheesy mo?” Kumunot ang noo niya. “Cheesy? What is cheesy? Like cheese? I don’t get it,”gulong-gulo niyang saad. Imbes na ipaliwanag sa kanya ang ibig kong sabihin ay tinalikuran ko siya at muling ipinagpatuloy ang pagluluto. “Sam?” Tumawa ak

