CHAPTER 2
Bandang ala-sais na nang unti-unting dumilat ang mga mata ni Dominic.
Nakita ko siyang nag-inat, ang kaniyang mga braso ay tila naghahanap pa rin ng yakap. Nang mapagtanto niyang gising na ako at nakaupo sa gilid ng kama, ngumiti siya nang matamis, isang ngiting kabaligtaran ng nakita ko kanina sa kusina.
"Hello, babe," paos niyang sabi.
"Uuwi na ako, Dominic," tugon ko, agad na nag-iwas ng tingin dahil hindi ko maiwasang maalala ang imahe ni Desmond. Gusto ko nang makalayo sa mansyong ito.
Umiling siya at agad na bumangon.
"Kumain ka na muna rito. Hindi ka uuwi hanggat hindi ka nakakakain dito. Baka ano pa ang sabihin ni Tita kapag nalaman niyang pinayagan kitang umuwi nang walang laman ang tiyan."
Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango.
Iniisip ko pa lang ang posibilidad na makasalubong ko ulit si Desmond sa hapag-kainan ay parang nagtatago na ang sikmura ko sa kaba.
Sabay kaming bumaba ng hagdan.
Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang mapahigpit ang hawak sa kamay ni Dominic. Ang bawat anino sa mansyon ay tila may gustong ipahiwatig, at ang bawat kalansing ng pinggan mula sa kusina ay nagpapabilis ng t***k ng aking puso.
Nang makarating kami sa dining area, naramdaman ko ang presensya ng kung sino. Nakaupo si Desmond sa dulo ng mahabang mesa, hawak ang telepono nito at inilalagyan ang kaniyang baso ng juice ng isang katulong nila.
Ang kaniyang postura ay kalmado, tila walang nangyaring kahihiyan sa loob ng pantry kanina.
"Kuya, wala pa rin sila Mama?" Tanong ni Dominic nang walang kamuwang-muwang sa nangyari.
Dahan-dahang itinaas ni Desmond ang kaniyang tingin. Nagtama ang aming mga mata. Ang kaniyang mga labi ay bahagyang kumurba sa isang ngiting mapanganib at mapaglaro, isang sikretong kami lang ang nakakaalam.
"Yes," sagot ni Desmond, habang ang kaniyang mga mata ay nanatiling nakapako sa akin. "Why don’t you sleep here, Mariel."
Ramdam ko ang pag-init ng aking mga pisngi sa kaniyang pangungutya. Sa ilalim ng lamesa, mas hinigpitan ni Dominic ang hawak sa kamay ko, na tila ba ang kaniyang presensya ang nag-iisang harang ko sa mundong unti-unti nang nilalason ni Desmond.
“Hindi pwede, Kuya. Nagsabi ako kay Tita na iuuwi ko siya ng 7:00 PM,” mabilis na sagot ni Dominic habang sinusubukang tapusin ang kaniyang pagkain.
Sandali lamang nang bigla siyang inubo nang malakas. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniyang likuran para haplusin at tapikin ito nang marahan. “Tubig, pakiusap!” tawag ko sa isa sa mga katulong. Nang maabot ko ang baso at ipainom sa kaniya, napadapo ang aking palad sa kaniyang noo.
“Ang init mo,” ani ko nang mapagtanto ang tindi ng kaniyang lagnat.
“Wala ito, Mariel. Ayos lang ako,” pilit na ngiti niya sa kabila ng kaniyang panghihina.
“Nilalagnat ka, Dominic! Hindi mo kayang magmaneho sa lagay na ’yan,” pagpupumilit ko, puno ng pag-aalala ang aking tinig.
Biglang nagsalita si Desmond mula sa dulo ng mesa, ang kaniyang boses ay malamig at puno ng awtoridad. “I’ll drive her home.”
“I can do it, Kuya,” mariing sagot ni Dominic, bagaman bakas sa boses niya ang pagod.
“And if you pass out while driving? You’ll put your girlfriend in danger? No. Stay here, I’ll drive her home,” wika ni Desmond.
Hindi iyon suhestiyon; iyon ay isang utos na walang sinuman ang makakabali. Sandaling namayani ang katahimikan sa hapag-kainan.
Ang kaba ko ay doble, hindi lang dahil sa sakit ni Dominic, kundi dahil sa ideyang kailangan kong sumama kay Desmond sa loob ng kaniyang sasakyan.
Nang matapos ang aming hapunan, inalalayan ko si Dominic pabalik sa kaniyang silid. Inayos ko ang kaniyang higaan at tinulungan siyang makahiga nang maayos.
Gusto ko man siyang halikan o yakapin nang mahigpit, tumanggi siya.
“Huwag muna, Mariel. Baka mahawaan kita. Ayokong magkasakit ka dahil sa akin.”
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking kamay, ang init ng kaniyang balat ay nagpapaalala sa akin kung gaano siya kahina ngayon. Hinalikan ko na lang nang mabilis ang kaniyang noo at nagpaalam.
Paglabas ko ng silid, nakita ko si Desmond na nakasandal sa pader, naghihintay.
Shit! Kinakabahan na ako!
“Let’s go,” maikli at malamig niyang ani.
Sumama ako sa kaniya pababa ng hagdan, ang bawat hakbang ko ay mabigat habang patungo kami sa labas ng mansyon kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan. Pinatunog niya ito gamit ang kaniyang car key, at sa isang pindot ay bumukas ang lock ng kotse.
Walang pag-aalinlangan, dumiretso ako sa likuran ng driver’s seat.
Akala ko ay doon na ako mananatili upang hindi ko siya makaharap nang diretso, ngunit bago pa man ako makapag-isip, binuksan niya ang pintuan sa tabi ko at marahas na hinila ako palabas.
Sa sobrang gulat at pagkataranta, napatanong ako.
“Bakit—”
“I’m not your driver,” putol niya sa aking sasabihin. Ang kaniyang boses ay puno ng awtoridad na tila hindi tumatanggap ng pagtutol.
Saka niya isinara ang pinto sa likuran at hinila ako patungo sa shotgun seat.
Dito, wala na akong pagtataguan.
Makakatabi ko na siya habang nagmamaneho, at ramdam ko na ang tensyon sa loob ng maliit na espasyo ng sasakyan.
Pinagmasdan ko lamang siya habang dahan-dahan siyang naglalakad paikot sa sasakyan. Inayos pa niya ang kaniyang buhok gamit ang isang kamay bago siya sumakay sa driver’s seat. Ang bawat galaw niya ay kalkulado, puno ng tiwala sa sarili, at higit sa lahat, puno ng dominasyon.
Nang makapasok siya sa loob, ramdam ko agad ang kaniyang presensya. Ang amoy ng kaniyang mamahaling pabango ay mabilis na bumalot sa buong loob ng sasakyan, na tila sumasakal sa aking hininga. Hindi siya nagsalita agad, ngunit ang bawat tingin niya sa akin bago pa man niya paandarin ang makina ay sapat na para maramdaman ko ang kaba sa aking dibdib.
Habang tahimik kaming bumibiyahe, ramdam ko ang tensyon sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magsalita, lalo pa’t ang bawat tingin niya sa akin ay tila isang babala.
Ngunit habang lumilipas ang mga minuto, isang nakakabahalang tanong ang namuo sa aking isipan.
Hindi ko nabanggit sa kaniya kung saan ang bahay ko. Ni hindi ko man lang naisip na kailangan ko siyang bigyan ng direksyon. Gayunpaman, diretso ang pagmamaneho niya, tila kabisadong-kabisado ang bawat liko patungo sa aming subdivision.
Nag-background check ba siya? tanong ko sa aking sarili. Ang kaba sa aking dibdib ay lalong tumindi.
Hindi ko napigilang basagin ang katahimikan.
"How did you know where I live?" tanong ko, pilit na pinatatatag ang aking boses sa kabila ng panginginig nito.
Lumingon siya nang bahagya sa akin, ang kaniyang mga mata ay nananatiling nakapako sa daan habang ang isang kamay ay nasa manibela. "Do you really think I would let someone as fragile as you walk into my brother's life without knowing every single detail about you?"
Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso. "Did you run a background check on me?"
Desmond let out a low, cold chuckle that sent shivers down my spine. Pakiramdam ko ay nag-background check nga siya!
"Background check is such a small term for it, Mariel. I know your history, your habits, even the things you think no one else knows. I don't just 'check' on the people who interest me. I dissect them."
Napalunok ako at napatingin sa labas ng bintana. Ang kaniyang mga salita ay hindi lang basta pagmamalaki; ito ay isang malinaw na banta. Hindi niya lang alam kung saan ako nakatira, alam niya ang bawat sulok ng buhay ko.
Pinuno ng katahimikan ang loob ng sasakyan, ngunit ang bawat t***k ng puso ko ay tila sumasabay sa mabigat na hanging bumabalot sa aming dalawa. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili; kailangan ko nang makuha ang sagot na matagal ko nang kinatatakutan.
“Why are you like this?” basag ko sa katahimikan. “Do you really hate me?”
Desmond didn’t even glance at me. His eyes remained fixed on the road, cold and indifferent.
“Did I say that?”
“Ayaw mo ba sa akin para kay Dominic?” muling tanong ko, ang aking boses ay bahagyang nangangatog.
Hindi siya sumagot. Ang kaniyang katahimikan ay mas masakit pa sa anumang salitang maaari niyang sabihin.
“Ayaw mo nga sa akin para kay Dominic? Why?” lumingon ako sa kaniya, hinihintay ang anumang reaksyon.
Tumingin siya sa akin, isang mabilis ngunit matalim na sulyap, na nagpatigil sa aking paghinga. Napalunok ako nang malalim.
Alam niya…
Alam niya ang lahat ng sikretong itinago ko, ang mga detalyeng kahit si Dominic ay hindi pa alam. Malamang ay nabasa niya ang bawat pahina ng aking nakaraan sa kaniyang background check.
“Kaya ayaw mo sa akin para kay Dominic, dahil… dahil anak ako sa labas?” diretsahang tanong ko, ang kaba ay napalitan ng lakas ng loob na nagmula sa desperasyon.
Desmond slightly slammed his hand on the steering wheel. He looked at me with eyes that could burn through my soul. “Don’t put words in my mouth, Mariel.”
“Then why?” sigaw ko, ang luha ay nagsisimula nang mamuo sa aking mga mata.
“So… so you just hate me?”
He remained silent, his jaw clenched tight. He kept his eyes on the road, refusing to give me the validation I was craving.
Ang kawalan ng sagot niya ang pinakamasakit na sagot sa lahat. Hindi lang niya ako kinamumuhian… may mas malalim at mas madilim pa siyang dahilan na hindi niya gustong ipaalam.
Sa gitna ng aming katahimikan, naramdaman ko ang lamig na tila tumatagos sa balat ko.
Hindi niya ako sinasagot, pero ang kaniyang presensya ay sapat na upang iparamdam sa akin na sa mundong ginagalawan ng mga Salvatore, hindi ako maaring pumasok.