Nagising si Allen na masakit ang ulo niya. Hirap man tumayo ay mabilis siyang pumunta ng banyo at naligo. Ano bang pumasok sa isipan niya at naglasing siya? Those days are supposedly for the kids. Hindi dapat siya gumagawa ng dahilan para lalong magalit sa kan'ya si Samantha. "Good morning, daddy!" At mabilis siyang nilapitan ni Aria at humalik sa may pisngi niya. "Good morning, pretty!" Nakangiting sabi niya rito. "Let's go na daddy, everyone is there already at ikaw na lamang ang hinihintay." At nagpatiuna na ito sa paglalakad. Nang makarating sa may labas kung saan sila mag-aagahan ay kita niyang nakaupo na ang lahat. Including Samantha and her manager na magkatabi sa upuan. Isang upuan na lamang ang bakante roon at sa harapan pa ng mga ito. Mabilis naman siyang naupo roon. "Goodm

