Kinabukasan nang pababa na siya ng hagdanan ay may naaamoy siyang masarap na niluluto at parang gustong kumalam ng sikmura niya. "Mommy!" Sigaw ni Sophia nang makita siya nito sabay takbo papunta sa kan'ya. Mabilis naman siyang napangiti at binuhat ito. "Goodmorning, My Baby!" Sabay halik sa pisngi nito. Nang lumapit siya sa may kusina ay kita niya si Allen na busy'ng-busy sa pagluluto habang nakatingin sa may cook book. "Good morning, Mom!" Sabay pa na bati sa kan'ya nina Alex at Aria. "Good morning too, My Babies!" Nakangiting sabi niya pero nakasilip pa rin siya Allen. "Daddy is cooking us some american breakfast, Mom!" masayang sabi ni Aria. Mabilis naman siyang napangiti ng bahagya. Nang humarap si Allen ay nahuli siya nitong nakatingin kaya mabilis siyang nag-iwas at kunwa

