"Tell me Sam, sino ang nakikita mo?" seryosong tanong nito sa kan'ya. Malalim muna siyang humugot nang hininga nang muling magsalita. "It's Nancy," seryosong sabi niya rito. "Nancy?" takang tanong nito sa kan'ya. Mabilis naman siyang tumango. "Yes, iyong totoong nanay ni Aria," seryoso pa rin na sabi niya rito. Mabilis naman na natigilan si Franco pagkatapos ay bahagyang natawa sa kan'ya. "You know that it is impossible, matagal ng patay iyon Sam, and you already know that," naguguluhang sabi nito at kita niya sa mukha nito na tila iniisip nitong nawawala na siya sa katinuan. "I think you need to rest, Sam." "No! Franco, I am not lying! Totoo ang sinasabi ko, palagi ko siyang nakikita kahit saan ako magpunta pero hindi ko siya naaabutan. She is alive!" "Sam." At hinawakan siya nito s

