Arliyah Villareal Ciejo THE NEXT DAY, dinala ako ni Sandro sa isa raw sa mga magandang puntahan dito sa bayan. It was a lighthouse, hindi siya ganun kahirap maakyat. Ngunit malayo ang biyahe kung hindi kami nagdala ng sasakyan ay baka inabot kami ng ilang oras marating iyun. I gasped when I tried to hold on to the railings and look down. Sobrang taas namin, kita ang lawak ng karagatan at iilang bundok sa paligid. “Tignan mo!” I pointed out excitedly to the white mansion in the middle of the green trees. “Ang mansyon mo ay kitang kita mula rito.” Dinaluhan ko iyun ng tawa at bago pa makabaling sa kanya ay naramdaman ko na si Sandro sa aking likuran. He encircled his arms around my waist and rested his jaw on my shoulder. “Yeah,” he mumbled and gently planted a soft kiss on my cheek.

