Arliyah Villareal TALIWAS SA INAASAHAN ko ang magiging reaksyon nang pagtanggap sa akin ng pamilya ni Sandro. Taliwas sa mga naririnig ko kay Vien, hindi ko alam kung sa una lang ba ito. “May dugo ka bang banyaga? Napakaganda mo, iha.” Donya Constancia commented as she brushed my hair using her fingers. Nahagip kami ng tingin ng ina ni Sandro. “She looks like a Chinese. I can see Chinese blood from this young lady.” Paglapit ni Mrs. Glorietta at nilapagan ako ng isang wine na maiinom. “You look so young, Liyah. How old are you?” umupo siya sa harapan ko. Nakita ko na ngayon ang papalapit na sina Sandro at ama niya, kasama ang nakakatandang kapatid na si Demi galing sa lamesa ng iilang relatives nila. Bigla akong natigilan saglit sa kanyang tanong. “Tama ka riyan, Gloriette,” pagse

