Arliyah Villareal
PINUNASAN KO ANG dalawang kamay ko sa damit ko matapos makita ang pagpasok ni Mr. Ciejo sa kusina kasama ang nobya nito. Nakita ko kung paano pumadaosdos ang palad nito sa baywang ng dalaga.
“She is your new maid?” Napahalukipkip nitong tanong habang nakatitig sa akin na tila ba may mali. Napanguso ako at sinulyapan si Mr. Ciejo.
“She is Arliyah Villareal.” Bumaling sa akin si Mr. Ciejo. “Liyah, this is Bridgette. She will sleep here tonight. I’m expecting that my room is clean.”
Kinunutan ko siya ng nuo. His room? Akala ko ba magkaiba sila ng silid na tinutulugan?
“Nilinisan ko rin ho yung kuwarto niya…” Tumikhim ako. “Ni Miss Bridgette.”
Natawa ang dalaga sa sinabi ko at tila ba nainsulto. Mr. Ciejo licked his lower lip and pulled the woman to face him.
“Relax, Gette. You’re sleeping in my room,” malambing na sambit ni Mr. Ciejo sa dalaga. Napaiwas ako ng tingin at napanguso.
“Pagsabihan mo yang katulong mo, Sandro,” she stated letting me hear her statement. “Bakit kasi kukuha ka ng maid eh yung bata pa,” makahulugang sambit nito at tinaasan ako ng isang kilay bago na-walk out.
I bit my lower lip and glanced at Mr. Ciejo.
“Hindi ko ho alam na… sa kuwarto niyo siya? Akala ko ho kasi…” napalunok ako at tumikhim muli. He licked his lower lip and casually nodded his head like everything was under in control. “Nagluto ho ako ng dinner,” alok ko rito. Ngayon lang siya dumating, at mukhang wala siyang dala bukod sa gamit na bitbit nito sa pag-alis niya.
“We already dine in the fancy restaurant. You should eat, sumabay na kayo ni Fred.” Tumango ako. “Pasensya na kay Bridgette. She wasn’t informed about you being here. We will be in the living room for a while, can you get us some beer? And kindly prepare a snack.” Tinalikuran niya ako at naglakad pabalik ng sala habang nagtatanggal ng coat. He was very attentive to Bidgette, playful and touchy to her. They both are. And I can smell the liquor on his breath. It’s a combination of a strong alcoholic drink and mint.
I stared at the meal I prepared for him. Nag-effort pa naman akong magluto nito, hindi niya man lang titikman. Sa huli ay kumuha na lamang ako ng beer sa fridge. I also made some nachos for them.
At sino naman ang iinom nito? Silang dalawa lang? Bitbit ang tray papunta ng kitchen ay halos mabitawan ko iyun sa naabutan ko sa sala. It was illegal to see it with my bare innocent eyes.
Ang palad ni Mr. Ciejo ay nakapatong sa gitna ng hita ng nobya niya. Habang naghahalikan silang dalawa. Mr. Ciejo’s hands were all over her body, on her boobs, and between her thighs.
May sarili silang mundo na tila ba isa lamang akong hangin. I slowly put the tray under the desk. Marahan upang hindi maglikha ng ingay, ngunit ako ay napapabaling sa kanila tuwing naririnig ang ungol ng babae. I secretly glanced at them as I put the last piece of what was in the tray. Halos masamid ako na makita ang paggalaw ng dila ni Mr. Ciejo sa labi ni Miss Bridgette. His eyes are closed while kissing her like a pro.
Niyakap ko ang tray at mabilis na tinalikuran sila.
“Aaahh, Sandro,” a girly pitch voice invades my ears before I leave the room. Hindi ko alam kung kikilabutan ako o maiinis.
Kumain ako mag-isa at hinayaan na sila sa sala. They are drinking just the two of them. Bukod sa pag-iinom ay paghahalikan ang ginagawa nila, kung mayroon pang iba ay hindi ko na alam dahil dumiretso na ako sa aking silid.
KINABUKASAN AY nagising ako na parang walang nangyari, the woman was already gone. I prepared breakfast, I'm not even sure if Mr. Ciejo has already been awake. Basta ang sabi ni Mang Fred ay maaga niyang naihatid ang dalaga.
Ilang marahan na katok bago ko narinig ang permiso nito na papasukin ako. Naabutan ko siyang abala sa lamesa niya, I went inside his office holding a receipt and his card.
“Yan po yung nagastos ko sa school supply, ikaltas niyo na lang sa sahod ko.” Pinagsiklop ko ang dalawang palad habang maayos ang tindig sa harapan niya.
He is wearing black shorts and a white shirt, he is clean and organized in his outfit. Mabango rin, bagong ligo. Ang kape sa gilid niya ay wala ng laman, mukhang maaga siya sa pagtatrabaho ngayon kahit linggo.
“Eto lang yun?” humilig siya sa swivel chair at tiningala ako. The way he moved to face me, makes me remember his kisses and playful tongue in Miss Bridgette's mouth in the living room last night.
And to face him this way, fully attentive to me like offering himself to a slave that doesn’t deserve his stares nor touch… bringing different sensations throughout my body.
“Wala na ho akong iba pang kailangan. Right now, that’s all I need. And if I might need something in the future, I’ll provide na rin po… babayaran niyo rin naman ho ako diba?”
Napanguso siya at pinasadahan ng haplos ang kanyang labi habang nakatitig sa akin.
“Kailan ka papasok?” He moved his swivel chair, facing back his table. I bit my lower lip and pouted my lips a bit.
”Bukas ho.”
“Give me your schedule.” Sinulyapan niya ako.
“Okay po, kunin ko lang ho.”
Bago pa ako makaalis ay may nilapag na siyang pera sa ibabaw ng lamesa.
“Your allowance. If you need a uniform just tell me and I’ll hand you another money for that.” I bit my lower lip and scanned the blue bills. Binibilang pa iyun ng mga mata ko nung nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Ang sahod mo ay tuwing Linggo, but I’ll give it next week.”
“Ma-may allowance pa ho ako?” lito kong tanong. “Akala ko kasi yung allowance na ibibigay niyo ay sahod ko na rin, tutal libre naman ang pagtira ko sa mansyon niyo.” Hindi ko maipagkaila ang tuwa sa aking mukha.
“I need your schedule, para magawan ng paraan kung anong oras ka maihahatid ni Fred.”
Ihahatid rin ako? This is too much than what I’m expecting. Hayaan na at gagalingan ko na lang para makabawi kay Mr. Ciejo. Wow!
DAYS PASSED like I was the only person living in the mansion. Nagmistula akong caretaker ng bahay. Wala si Mang Fred dahil lagi nitong nakakasama si Mr. Ciejo sa mga lakad. Lagi rin itong may meeting o kaya may ginagawa abroad. Sa mga nagdaang araw ay naging maayos ang unang linggo ko sa escuelahan.
Ngayon ay mag-isa akong kumakain ng hapunan.
“Open the f*****g door, Sandro! You asshole!”
Napatalon ako a gulat sa kalabog ng pintuan. Bumilis ang t***k ng puso ko matapos marinig ang pagbato mula sa bintana. Nagmamadali akong dumiretso sa sala at sumilip, nakita ko si Miss Bridgette na sinisipa ang pintuan.
“Miss Bridgette,” usal ko matapos ko siyang pagbuksan ng pintuan na siyang nagpatigil sa kanya sa pagwawala sa labas.
“Nasan yung amo mo? Nasaan si Sandro?!” her composed and elegance appearance suddenly vanished. Well, she looks different tonight, kind of chaotic and unsettled. Idagdag pa roon ang amoy ng alak sa kanyang katawan.
“Hi-hindi pa ho dumarating, nasa Hongkong may meeting po. Bakit, Miss Bridgette?” I asked carefully, she was drunk. I can smell the alcohol all over her body.
Pagak siyang natawa at pinasadahan ng suklay ang kanyang buhok gamit ang daliri nito.
“Listen to me, kid.” Hindi ko nagustuhan ang pagtawag niya sa akin. Humakbang siya at tinuro ako. “Sabihin mo sa amo mo, magpakita siya sa akin at huwag akong pagtataguan. I am not accepting his breakup, alright? We are not breaking up, I didn’t agree so he f*****g get his ass here and talk to me!” sinigawan niya ako at napakurap ako sa gulat.
Natahimik siya habang ako ay hindi alam ang gagawin dito.
“Gusto niyo hong pumasok? I’ll make coffee po, Miss Bridgette. Para mawala yung tama ng alak at mahimasmasan kayo. May sasakyan ka ho ba? Can you still drive?” may pag-aalala kong tanong sa kanya dahil pansin kong hindi na siya makatayo ng maayos pa.
She sighed hopelessly as she looked at me.
“Ikaw ba yung bago niya?” pinasadahan niya ako ng tingin. “Is he f*****g you? Tama ako diba? Hindi ka niya scholar o katulang lang. You must be one of his pastimes, huh?” she smirked.
Nanuyo ang lalamunan ko at nainis sa kanya.
“He is an ass, what do I expect? That I can change him? f**k!” nagpakawala siya ng mapait na halakhak matapos kausapin ang sarili.
Nilabas ko ang cellphone ko at umatras para tawagan si Mr. Ciejo. I don’t know where he is, but what I know is that yesterday he was in Hong Kong. Kakalagay ko lang sa tainga ko nang hablutin iyun sa akin ni Miss Bridgette.
“Miss Bridgette,” angal ko ngunit lumayo siya sa akin at nilagay sa tainga niya ang phone ko.
“f**k you, come home right now cause I’m in your f*****g house—Yes! This is your f**k buddy’s phone and this little girl is in front of me. Ngayon pumunta ka rito kung hindi masasaktan ko ‘tong alaga mo.” Her eyes went rounded and ended the call. Hindi pa siya nakuntento at binato sa sahig ang phone ko.
I gasped and my jaw dropped. Nabasag ang screen at may pagmamadali ko iyung pinulot.
“Cellphone mo ang babasagin ko at susunod ko na yang mukha mo, malandi ka. I knew it, you’re having an open relationship with Sandro. Nakakadiri kayo!”
Nanatili akong nakaupo sa sahig habang inaayos ang old model kong phone na hindi rin naman ganun kamahal. Pero napapakinabangan ko naman ito kaya… nakakapanghinayang, I’m saving money, and this one is very convenient to me, for my studies.
Naglakad siya papuntang couch at umupo roon. Nakahalukipkip at nililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Wearing a tight skirt and tank silver top that is shining when reflected by the light.
“Nasa ibang bansa ho si Mr. Ciejo. Sa susunod na araw pa ang uwi niya.” Sinubukan kong i-power on ang phone ko.
“That’s what he told you? May nakakita sa kanya na nasa bar kagabi.” Mas lalo siyang nagpakawala ng tawa. “Ilan ba tayong mga babae niya?”
Tumayo ako nang mapagod na dahil hindi na rin naman mabuksan pa ang phone ko. Ano bang pinagsasabi nito? Babae? Mukha ba akong babae ni Mr. Ciejo? Lalo na kung ang tingin ko sa kanya ay amo lamang?
“Hindi niya ako babae, katulong at scholar niya ako.” Mas gugustuhin ko pang iyun ang itawag sa akin, kaysa akusahan ako na babae nito. Tsaka… hindi ganun si Mr. Ciejo. He has been very busy on his company. Wala na ngang oras lumabas at kulang pa ang tulog. “Tsaka Miss Bridgette, ikaw lang ang babaeng dinadala niya rito. Kaya wag mo siyang akusahan na nambabae. Hindi kasi totoo.”
She scoffed and rolled her eyes at me.
“Hindi ho siya darating ngayon. Kaya umalis kana… at bayaran yung sinira mo.” Inabot ko sa kanya ang cellphone ko.
“Bayaran? That stupid thing is still valuable? Bulok na oh, babayaran ko pa ba yan?” she smirked but I insisted on giving it to her. But what she did was push my hand away. “Umalis ka sa harapan ko kung hindi tatamaan ka sa akin. Ang bata-bata mo pa, binibenta mo na yung sarili mo—”
“At sa edad niyong yan na mas may alam sa akin ay nanghuhusga kayo. Sino kaya ngayon ang mas bata kung titignan ang pag-iisip?” hindi ko napigilang sagot.
Iritabli siyang napatayo at akmang lalapitan ako nang bumukas ang pintuan at pumasok si Mr. Ciejo. His coat is on his arm, nakasampay sa makisig nitong braso.
Agad akong hinanap ng mga mata niya, nagulat pa ako dahil hindi inaasahan ang pagdating niya mismo ngayon.
“What the f**k are you doing, Gette?!” he harshly took the woman’s arm. Kinaladkad niya ito papuntang pintuan. “You don’t f*****g invade my house or hurt my people. Anong ginagawa mo rito at dito ka nag-eeskandalo? You have the address of my condo, f**k!” he muttered curses.
Condo? May condo siya? Kung ganun… hindi lang ito ang tinutuluyan niya? Pero bakit may condo? Kung… may mansyon pa siya? That’s a waste of money!
“You weren’t there. Hindi mo sinasagot yung tawag ko dahil abala ka pero sa babaeng yan agad mong sinagot? f**k you, liar! We are not breaking up, Sandro.”
“Let’s talk in the car.” Humigpit ang hawak niya sa pulsuhan ni Miss Bridgette.
“Ayaw mong marinig ng babae mo yung mga sasabihin ko? Ilang taon na ba yan? Ang bata pa niyan, Sandro. Ano? Change of taste? Mas masarap ba—”
“f**k! Shut up!” namumula na ang leeg ni Mr. Ciejo nang sulyapan ako. Litong lito na ako sa mga nangyayari, but I know what Miss Gette trying to insinuate. “She is the daughter of my f*****g friend. So better shut your f*****g mouth. Hindi ko palalagpasin ‘tong ginawa mong pagpasok sa pag-aari ko!”
She laughed it loud but filled with bitterness.
“Alin ba ang pag-aari mo, yung mansyon o yang bata? Are you manipulating her innocent mind? Oh! She is probably not innocent anymore.” She pouted her lips and glanced at me, giving mockery.
Mariin na pumikit si Mr. Ciejo na tilang diring diri at puno na ng kahihiyan ang nararamdaman sa mga naririnig. He pulled her out and he closed the door. Wanting for some privacy with her.
Nakatunganga lang ako roon matapos maproseso ang mga nangyari at sinabi ni Miss Bridgette. And… why is she trying to insist that I am Mr. Ciejo’s girl? Ni hindi ko nga iyun naiisip na mangyayari. I admire him, and that’s it! Nothing more.