PAULIT ULIT ang paghinga ng malalim ni Tadeo habang papunta sa resort. Mahigpit niyang hawak ang folder ng kanyang presentation. Hindi na iyon kailangan tulad ng sabi noon ng kanyang amo pero hindi niya ito ipapakita. Ilang araw siyang nag-insayo at inalam ang lahat ng pasikot sikot sa pagsasaka mula sa pag-aararo hanggang sa pag-aani ng mga palay. Ang mga iba't ibang klase ng fertilizer na ginagamit nila at iba pang kagamitan. Pagkarating niya sa bungad ng resort parakiramdam niya ay gusto na lang niyang umuwi. Labis siyang kinakabahan, baka masapak na naman siya o punitin ang ginawa niyang presentation. Nakasalubong niya si Philip na bagsak ang balikat. Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa kanya. Humahangos itong lumapit. May iniabot na kapirasong papel. Napagtanto niyang cheque

