"JUSKO, suki ako ng pornhub pero di ko carry ang live streaming." Mabilis niyang naitulak si Tadeo nang marinig ang boses ng kaibigan. Nag-init ang magkabila niyang pisngi sa hiya. Sigurong nakita nito ang paghahalikan nila. Pigil ang tawa niya nang lumubog ang binata sa tubig. Sa bigla niyang pagtulak siguradong nakainom ito. Nang umahon ay hapo itong tumingin sa kanya. Nagkibit balikat siya at lumangoy palayo dito. Kumaway ito kay Pulahan na nakaupo sa kinauupuan niyang bato kanina. "Akala ko hindi umabot dito sa hacienda ang karupukan ng mga people," kantyaw nito. Nagkasalubong ang tingin nila. Itinaas niya ang kamay, nagdirty finger. Marupok may ass, sa kanyang isipan. Sa sobrang pagkalunod niya sa halik ng binata nawala sa isip niya ang pilyong kaibigan. Inilubog niya ang mukha

