TADEO is smiling from ear to ear while watching Andrei picking the fruits in the apple plantation. Niyaya niya itong mag-date at gusto niyang maranasan nito ang buhay niya para maintindihan nito lalo ang mga katulad niya. Gusto niyang unti-unti itong mamulat sa perspektibo ng mga magsasaka. Alam niyang kapag naintindihan nito ang mga magsasaka ito na mismo ang magbibigay ng mga kailangan nila para mas lalong mapalago ang ani ng hacienda. Una nilang pinuntahan ay ang apple plantation, kasama nila ang mga fruit picker ng hacienda. Halata sa mukha nito na hindi natutuwa sa ginagawa lalo at nadudumihan ang kamay nito. But he knows that when the time passes by she will love what she is doing right now. Tulad niya, may pasan itong malaking basket sa likod. May damit na nakapandong sa ulo. Na

