I don’t know what do anymore, masyadong maraming nangyayari na hindi ko na alam kung ano at sino ang dapat isipin. This is giving me headache, what should I do? Papikit na ako para sana umidlip ngunit agad akong napabangon nang bumukas ang pinto at makitang pumasok si Nigel ng kwarto. Saglit kaming nagkatinginan pero nag-iwas din siya. “Where did you go?” tanong ko ngunit hindi niya ako pinansin. Nakuyom ko na lamang ang mga kamao ko at piniling mahiga na lang ulit. Sobrang gulo na ng relasyon namin, we can’t communicate well. Alam ko marami kaming misunderstanding, pero hindi naman iyon mapag-usapan nang maayos. If I’m still the old me, magmamakaawa ako na mag-usap kami. Na ipagpatuloy namin ang naudlot na pag-uusap namin kanina para malinawanan ako butㅡI already grew tired of begging.

