“Ma’am Samirah!” Nagmamadaling tumakbo si Jessi at muntik pang madapa masalubong lang ako pagtapos niyang magtapon ng basura sa labas. Sakto kasing hininto ni Ridge ang sasakyan niya sa gate ng bahay kahit sinabi ko nang doon na lang sa may gate ng village niya ako ihatid. “Saan po kayo nanggaling?” tanong ni Jessi bago mapatingin kay Ridge dahil bumaba pa siya sa kotse at lumapit sa amin. “Sorry, I can’t tell you. May nangyari ba sa bahay habang wala ako?” “Bukod po sa hinahanap kayo ni Sir Nigel at nag-stay po siya sa bahay simula kahapon, wala naman po.” Marahan akong tumango dahil inaasahan ko na maabutan niya si Ms. Ritch kinaumagahan pero mukhang umuwi rin siya noong gabing iyon. “I see.” tipid kong sabi bago papasukin muna Jessi sa loob nang sa gano’n ay makausap ko

