“He really didn’t go home.” I muttered to myself when I woke up alone in a King-size bed. Naitakip ko na lamang ang mga kamay ko sa mukha ko at malalim na bumuntong hininga. Iniisip kung saan siya nagpunta at kung sino ang kasama niya, saan siya natulog? Anong oras siya uuwi? Kasama ba niya Ms. Ritch? Nagkabalikan na ba sila? Is he going dump me? Magdi-divorce na rin ba kami gaya ng parents ko? I really hate the feeling when I’m overthinking things kaya naman kinuha ko ang phone ko at chineck kung may reply na ba si Nigel sa mga message ko kagabi, but as expected—lahat iyon ay iniwan lang niyang on read. “When will you forgive me, Nigel?” mahina kong tanong kasabay nang pagtakas ng luha sa mga mata ko, nahihirapan na ako. All my life, I’ve been begging to be loved. I’ve been working hard

