“T-This is your comfort place?” tanong ko habang pinagmamasdan ang mga taong may sariling mundo at abalang naglalaro. Ang iba sa kanila ay naka-uniform din gaya namin ni Ridge, mostly ay senior high at college. Maingay, magulo... Paano naging comfort place ito sa kanya? “What? Don’t tell me first mo sa arcade?” “Is that a bad thing?” tanong ko nang lingunin ko siya. “Wow! I knew you lived a sheltered life but—nevermind. Since first time mo, I’ll let you experience something you never experienced before.” aniya bago niya hawakan ang palapulsuhan ko at dalhin sa isang booth para bumili ng mga tokens doon. Wala kami sa mall at sa mismong arcade talaga na naka-locate pa sa undergound. Sinong mag aakala na may ganitong lugar sa building na pinasukan namin? Nakagat ko na lamang ang labi ko h

