Marahan kong minulat ang mga mata at hindi namalayang nakatulog na pala ako sa infirmary. Marahan akong bumangon at tiningnan ako phone ko para lang makita na ilang minuto na lang ay tapos na ang last subject namin ngayong araw. Napahawak na lamang ako sa noo ko dahil absent na naman ako, kung kailan malapit na ang graduation ay saka pa ako nagkakaganito. “Oh, you’re awake?” Napapitlag ako nang marinig ang pamilyar na boses Hinawi ko nang kaunti ang kurtina at nakitang nakatayo si Ms. Ritch malapit sa cabinet at tila may kinukuhang gamot. Kami lang ang tao rito at wala ang nurse na nagbabantay sa akin kanina. “Ah. Good afternoon, ma’am.” bati ko nang binalak kong tumayo but I suddenly felt light-headed kaya naman huminto ako sa paggalaw at pumikit hanggang mawala ang nararamdaman. “Are

