11 years earlier.
“Have a nice bath!”
Tila nanigas ako sa loob ng cubicle nang maramdaman ko ang pagbuhos ng mabaho at maruming tubig sa akin mula sa itaas. Rinig na rinig ko pa ang malakas at masayang tawanan ng mga babaeng nasa labas na halos mag-echo na iyon sa apat na sulok ng cr.
“That’s what you get for flirting with Nicolo!” maarting sabi ng pamilyar na boses. If my suspicion was correct, it was probably my classmates.
And wait, who’s Nicolo? Iyon ba ‘yong escort ng kabilang section na nag-confess sa akin at ni-reject ko kahapon? Now it makes sense. Bumuntong hininga na lamang ako at piniga ang buhok, blouse kong puti na naging kulay brown na at ang plaid skirt ko.
Lumabas ako ng cubicle nang marinig kong nakaalis na sila, hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa nang makita ko ang sariling repleksyon sa salamin. Kinuyom ko ang mga kamao ko at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang nararamdamang pag-iyak at galit.
As much as I want to confront them and make things clear na hindi ko nilandi si Nicolo ay sigurado akong hindi naman sila maniniwala sa akin. They’re the kind of peope who believe only in the things they want to believe after all, and I’m sure mauuwi lang sa gulo kapag kinausap ko sila at kapag nangyari ‘yon ay may possibility na ma-guidance ako at ipatawag nila ang parents koㅡthat’s the last thing I want to happen. I don’t want to disappoint them.
Isa pa, hindi naman ito ang unang beses na binully nila ako ng ganito. How many times has it been? I lost count already, kaya kahit mukha akong pulubi sa lagay ko ngayon ay lumabas pa rin ako ng cr. Parang gusto kong lumubog sa lupa nang makita at marinig kung paano akong pagtawanan ng mga schoolmate na nadaanan sa hallway. Nagkataon pang breaktime kaya maramig nakakita sa akin.
Pagkarating na pagkarating ko sa locker ko ay binuksan ko iyon agad para kunin sana ang gym clothes ko pero awtomatikong bumagsak ang balikat ko nang makitang punit-punit na iyon. Nagpalinga-linga ako sa magkabilang hallway para lang makita kung paano akong tawanan ni Annie at ng dalawa pa naming kaklase. Tila ang saya-saya nila na nakikita akong miserable at kawawa. Para sa kanila, isa akong laruan na nakakapag-entertain sa kanila.
“What? Why are you staring?” mataray na tanong niya sa akin nang mapatagal ang pagtitig ko sa kanya. Imbis na sumagot ay ibinalik ko na lang ang tingin sa locker at sinara ‘yon.
Left with no choice, pumasok ako sa klase ng ganito ang itsura ko dahil patapos na rin ang break at baka ma-late ako. Hindi kasi ako pwedeng umuwi or mag-cut ng class kahit gustuhin ko dahil paniguradong magagalit sina mom at dad. Parurusahan pa nila ako ‘pag nagkataon and I don’t want that to happen, ayoko nang bumalik ulit sa masikip at madilim na bodega kung saan nila ako kinukulong tuwing may bagay akong nagawa na hindi nila nagustuhan.
“Nieva, what happened to you?” tanong ng teacher namin nang pumasok ako sa classroom. Agad natuon sa akin ang atensyon ng mga kaklase ko pero ang tingin ko ay na kay Annie lang. Pinanlakihan niya ako ng mata, dahilan para itinuon ko na ang atensyon sa teacher.
“Nasangga ko po ‘yong tubig ng mop bucket at nadulas po, but don’t worry teacher. I’m okay, kaya ko pa pong pumasok sa klasㅡ”
“No. Go home, ang baho at ang dumi mo. Hindi makakapag-focus ang mga kaklase mo kapag nandito ka.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon. Akala ko ay malala na ang hiyang narasanan ko nang maglakas loob akong pumasok at makita nila na ganito ang itsura ko pero may mas lalala pa pala roon.
“But teacheㅡ”
“Go home, or else. Ipasusundo kita sa parents mo.” hindi na ako nakapagsalita pa at napahigpit na lamang ng hawak sa laylayan ng uniform ko. Nagsimula na rin magbulungan ang mga kaklase ko, ang iba pa sa kanila ay tumatawa. Marahas kong kinagat ang labi at nakayukong lumapit sa mesa ko para kunin sana ang bag ko ngunit pagkuha ko noon ay nahulog ang mga gamit ko. Tinignan ko ang ilalim noon at nakitang butas na iyon, lalong lumakas ang tawa ng iba kong kaklase.
“Quiet!” suway ng teacher, and for a moment nakaramdam ako ng relief sa pag-aakalang ipagtatanggol niya ako.
“Nieva, stop embarassing yourself and get out immediately. Naiistorbo mo na ang klase.”
“Sorry po.” paghingi ko ng tawad bago dali-daling pinulot ang gamit ko sa sahig. Hirap man akong bitbitin ang lahat ng ‘yon at pinilit ko pa ring binilisan ang kilos. Bago lumabas ng classroom ay tinignan ko pa ang mga kaklase ko, hoping na may isa sa kanila ang maawa at tulungan ako but all of them are just staring at me with disgust written all over their face.
What did I even do to them to receieve this kind of harrasment and humiliation?
“Hija! Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ganyan ang istura mo? Inaway ka na naman ba ng mga kaklase mo?” Bungad sa akin ni manang pagkarating ko ng bahay.
“N-no, Manang. By the way, where’s mom and dad? Pumasok na po ba sila?” hindi na kinailangan pang sagutin ni manang ang tanong ko dahil narinig ko na ang malakas at baritonong boses ni dad mula sa second floor.
“I told you she’s just a business partner!!”
“Like hell I would believe that! Do I look stupid to you, huh?!” Hanggang pagbaba ng hagdan ay nagsisigawan ang parents ko, nauna sa pagbaba si dad habang inaayos ang kanyang necktie habang nakasunod naman si mommy na nagsusuot pa ng hikaw sa kaliwang tainga.
“M-mom, Dadㅡ”
“Why are you here? Hindi pa oras ng uwian niyo.” tanong ni dad, hindi pinansin ang itsura ko dahil itinuon niya ang atensyon sa phone.
“What the hell, Samirah? Ang dumi at baho mo, what happened?” Tila nandidiri na tanong ni mom. Sinulyapan ko saglit si manang bago ibalik ang tingin sa mga magulang. I wanted to tell them the truth, natatakot ako pero gusto ko nang matapos ang nangyayaring pangbu-bully sa akin sa school.
It’s been years already, napapagod na rin akong magtiis sa panghaharas sa akin ng mga kaklase ko. I’m tired and sick of it to the point na minsan ay parang gusto ko na lang din tapusin ang buhay ko nang sa gano’n ay makawala ako sa kanila.
Napahigpit ako ng hawak sa magkabilang gilid ng palda ko at marahas na lumunok.
“M-mom, Dad...” Kinagat ko ang ibabang labi, I can’t tell them after all. Ayoko nang dumagdag pa sa problema nila.
“What? Don’t waste my time. May meeting pa akong pupuntahan.” sabi ni dad nang hindi ako tinitignan. Naramdaman ko naman ang pag-alalay sa akin ni manang sa likuran ko na tila nagsasabi na naroon siya at ‘wag akong matakot. I took one deep breath and tried to shake off my nervousness. Kahit nanginginig ay pinilit kong magsalita.
“I-I am being b-bullied at school.” lakas loob kong sabi kahit na nautal pa ako.
“What bullshit are you saying? Sa pristihiyosong ekswelahan ka namin pinag-aaral. Kung isa lang ‘to sa mga paraan mo para mag-skip ng klase, Samirah. Well, I’m not buying it. Get changed and go back to school!” Pumikit ako nang mariin nang sumigaw si dad.
“Kapag bumagsak ka ng isang subject dahil sa katamaran mong ‘to, ipadadala kita sa America ng mag-isa!” dagdag pa ni mom.
“Mom, pleasㅡ”
“Don’t touch me! Marurumihan ang damit ko.” Agad akong umatras nang balak ko sanang hawakan si mom para magmakaawa na maniwala sila sa akin, but it’s no use, kailan ba nila ako binigyan ng atensyon? Kailan ba sila nakinig sa akin? Ever since magkaisip ako, never kong naramdaman na anak nila ako but stillㅡI am doing everything to make them proud. Since mag-aral ako ay never akong um-absent, they wanted me to have a perfect attendance and grade so I tried my best to achieve it.
Kaya mula pre-school until now ay lagi akong top 1 sa klase. Kahit simpleng ‘good’ lang mula sa kanila ang natatanggap kong compliment ay masaya na ako. Worth it lahat ng sacrifice ko, especially ‘yong mga times na pumapasok pa rin ako kahit masakit ang ngipin ko o masama ang pakiramdam ko.
“Manang, asikasuhin niyo ‘yang alaga niyo. Ipahatid niyo sa driver pabalik ng school.” utos ni dad nang makalabas na ng bahay si mom.
“Pero Sir Savier, totoong nabu-bully po si Samirah. Hindi po ito ang unang beses na umuwㅡ”
“I don’t wanna hear it, Manang.” ani dad bago ito tuluyang umalis na rin. Naitago ko na lamang ang labi at tumingin sa sahig.
“Hija.” tawag sa akin ni manang nang mapansin nitong umiiyak ako.
“Aakyat na po ako,” Mabilis kong pinunasan ang luha sa magkabilang mata’t pisngi bago ngumiti ng tipid para hindi siya gaanong mag-alala. “I’m going to take a shower and go back to school, Manang. Pakisabi na lang po sa driver na ihanda ‘yong kotse. Thank you.”
“Samirah.” mahinang tawag sa akin ni manang ngunit umakyat na ako sa kwarto at agad na nag-asikaso. Dapat ay sanay na ako sa ganitong sitwasyon. I mean, they always treated me differently than the other parents treated their kids. They never look at me with love but here I amㅡstill trying to be a good daughter.
I won’t give up; I will do anything to earn their love and affection.