“Ma’am Samirah, nasa baba po si Sir Tristan.” ani Jessi nang makasalubong ko siya sa hallway saktong sasagutin ko na sana ang tawag. “Oh, tawagin mo na lang si Nigel. I’m sure siya ang pinunta ni Tristan.” sabi ko bago tuluyang sagutin ang tawag at bumaba ng hagdan. “Hello, Jon?” bungad ko bago kawayan si Tristan nang magtama ang paningin namin. Pagkababa ko ay dumiretso ako sa garden at naupo sa swing. Naputol pa ang sasabihin sana akin ni Jon dahil mukhang may kumakausap sa kanya. “Hi, Samirah. Sorry, naistorbo ba kita?” “Uh no, now’s the good time to talk. I guess you already read the message I sent.” sabi ko nang sumandal ako at tumingala sa itaas. Medyo nasilaw pa ako sa liwanag ng langit pero unti-unti ay nasanay rin ang mga mata ko. Umihip ang malakas na hangin kaya naman nagulo

