“I can’t sleep.” sabi ko sa sarili nang manatili akong nakamulat at tulala lang na nakatingin sa kisame. Tiningnan ko ang digital clock na nasa side table at nakitang alas dos na ng madaling araw. Medyo humina na rin ang ulan sa labas ngunit kumukulog at kumikidlat pa rin, malakas din ang hangin. Napahawak na lamang ako sa leeg ko nang maramdaman kong nanuyo ang lalamunan ko. Bumangon ako at marahang lumabas ng kwarto para sana kumuha ng tubig ngunit nagulat ako nang makitang gising pa si Ridge. “What’s wrong?” tanong niya sa akin nang bumangon siya sa pagkakahiga niya sa couch. Nakaramdam na naman tuloy ako ng hiya dahil baka hindi siya komportableng mahiga roon kaya hindi siya makatulog. “Oh, uhm... I’m thirsty and I can’t sleep. Bakit gising ka pa?” tanong ko nang medyo lumapit ako s

