Chapter 10
Missing you
JAYDEL is now in front of the door, kung saan ang ward ng kanyang anak. Mabilis ang t***k ng puso niya at ilang beses na ba siyang napapahugot ng malalim na hininga? Ah, hindi na niya mabilang.
Kinakabahan lang siya ngunit may pagkasabik din siyang nadarama. Muling napabuntong-hininga si Jaydel bago niya napag-desisyunang pumasok.
Nanginginig ang mga kamay niyang pinihit ang doorknob saka niya ito tinulak pabukas.
Kung kanina ay sobrang napakabilis nang t***k ng puso niya ay ngayon mas dumoble pa yata ng tuluyan na niyang makita ang isang batang babaeng nakaupo sa hospital bed nito. Hindi pa man niya ito nakikilala ay tila alam na ng puso niya na ito na nga anak niya.
"J-jaydel? Jaydel, ikaw ba 'yan, anak?" Salubong sa kanya ng mommy niya.
"Mommy."
Nangingilid ang mga luha ng kanyang ina nang yumakap ito sa kanya. Sobrang higpit at ramdam niya ang pangungulila nito sa kanya.
"Anak, s-saan ka ba nagpunta, huh? Pinag-alala mo kaming lahat," ani ng kanyang ina at niyakap na lamang niya ito pabalik at hinahagod niya ang likod nito.
"I'm sorry, mom."
"Sobra mo kaming pinag-alala, anak. A-ang tagal ka naming hinintay at pinahanap ka talaga namin." Patuloy lang sa pag-iyak ang kanyang ina at napako ang tingin niya sa batang babae na tahimik lang itong nakaupo at titig na titig sa kanya.
Parang little girl version niya lang ang bata. May inosenteng mga mata.
Kumalas ang mommy niya sa pagkakayakap sa kanya at hinila siya nito sa braso. Lumapit sila sa bata.
"Yoya?" tawag nang maliit na boses sa lola nito pero may paglalambing sa tono.
"Sheyjane, apo ko."
"Yet po, yoya?" tanong nito na hindi pa tuwid ang pagsasalita. Yes, lola.
"Who's we have here, apo."
Umupo ang mommy niya sa gilid ng hospital bed at hinaplos nito ang pisngi ng kanyang anak.
"Hmm, yoya?"
"This is your daddy, Sheyjane. B-bumalik na ang daddy mo sa atin," naiiyak na saad ng ginang at maski si Jaydel ay tila maiiyak na rin ng sa wakas ay nakita na niya ang kanyang anak.
Ngayon malaki ang pinagsisihan niya. Ngayon masasabi pa ba niya na pinagtaksilan siya ng kanyang asawa? Eh, ang anak na niya ang proof na sa kanya talaga ang bata. Na anak niya talaga ito. Magdududa pa ba siya? Minsan talaga ay maraming namamatay sa maling akala.
"Daddy? My daddy, yoya? Peyo...atan po mommy ko? 'Di ba po, sabay siya mommy ko?" kunot-noong tanong nito and that's made him chuckled.
Umupo naman siya sa kabilang gilid ng kama nito at napatingin sa kanya ang kanyang anak.
"Ikaw po daddy ko?"
Tumangu-tango siya at inangat ang kamay upang haplusin din ang pisngi nito. Sobrang lambot.
"My daughter... How are you baby?" tanong niya rito.
Ngumiti ito sa kanya, ang ngiti nito ay parehas din sa mommy nito.
"Ayot yang po si Sheyjane, Daddy. Ikaw po tayaga daddy ko?" paninigurado nito at nagsunud-sunod ang pagtango niya.
"Hug mo po Sheyjane," cute na sambit nito at iyon nga ang ginawa niya.
Ah, ganito pala ang pakiramdam ang may anak ka. Ganito pala ang pakiramdam ang mayakap ang sarili mong anak. Masarap sa pakiramdam.
Ngayon pinagsisihan na niya ang pang-iiwan sa pamilya niya, ni hindi man lang niya nasaksihan ko kung paano maglihi ang kanyang asawa at wala siya sa mga oras na nanganak si Elysian. Alam niyang nahirapan ito and he's a big jerk.
"'Wag ka na pong mag-yeft, Daddy, huh? Dito ka yang sabi ni Sheyjane," pakikiusap ng kanyang anak at sinubsob nito ang mukha sa dibdib niya.
"Yes, baby. Hindi na aalis si daddy, hindi na kita iiwan. That's my promise, baby."
"Yove you, Daddy ko!" Natawa siya sa sinabi nito at hinahaplos lang niya ang buhok nito.
"I love you more, my baby."
***
"TATLONG araw lang dapat manatili ang apo ko sa hospital, anak. Pero hindi rin siya pinayagang ma-discharge dahil inapoy ng lagnat si Sheyjane," pagkukuwento ng mommy ni Jaydel.
Hindi niya akalain na mangyayari ang aksidenteng iyon sa kanyang anak. mabuti nga't hindi naman ito napuruhan dahil yakap-yakap ito ng yaya.
"Hindi mo ba kasama ang asawa mo, Jaydel?" tanong nito.
At may kung anong bagay ang bumaon sa puso niya nang maalala ang kanyang asawa.
"N-nauna po siyang umalis, mom. H-hindi po ba siya nagpunta rito?" tanong naman niya pabalik sa ina. May pag-aalala sa kanyang boses.
Umiling ito. "Simula ng malaman niya kung nasaan ka ay hindi na siya nakabisita pa rito. N-nagkita na ba kayo anak?"
"Opo, mom. P-pero...mukhang galit sa akin ngayon ang asawa ko, d-dahil sa nangyari sa amin," may panghihinayang na sabi niya at napasa-bunot siya sa kanyang buhok.
"Nang umalis ka ay siya lahat ang umako sa lahat ng bagay na iniwan mo. Sobra na siyang nahihirapan anak at halos wala na siyang pahinga sa pagpapatakbo sa negosyo mo. A-alam mo bang muntik ng m-makunan si Elysian, anak? Hindi yata 'yon tumigil sa paghahanap sa 'yo. Hindi siya umasa na babalik ka pa, kaya siya na ang gumawa ng paraan upang mahanap ka lang, anak. Ni hindi 'yon sumuko, hinalungkad na no'n ang buong mundo, mahanap ka lang. Hindi mo alam kung gaano nahirapan ang asawa mo, anak."
"A-alam ko po, mom. I'm sorry."
TWO weeks later....
KUMUNOT ang noo ni Jaydel nang malakas na bumukas ang pintuan ng opisina niya.
"What the?"
"Hi, Jaydel!" sabay-sabay na bati ng mga kaibigan niya. Sina Bunker, Snider, Azemeir, Cleneghan, Recinos, Oriphyn at Poirier. Sina Wooben, Ladonio, Zuresh at Hesperos ang wala rito.
"What are you doing here? At nagsabay-sabay pa kayo?" malamig na tanong niya sa mga ito. At ang mga gago ay walang hiyang-hiya na umupo sa sofa niya.
"Welcome back, Jaydel!" sabay-sabay na sambit ng mga ito at napabuntong-hininga siya.
"What are you guys doing here? May trabaho pa ako at nakaka-disturbo kayo sa akin," aniya pero hindi siya pinansin ng mga kaibigan.
Marahas na napabuga siya nang hangin sa bibig. Talagang napaka-kulit din ng mga kaibigan niya.
Nasa kalagitnaan siya ng trabaho niya at heto nga bigla siyang nagkaroon ng bwisita.
Isang buwan na ang nakalipas since bumalik siya sa Manila at siya na ulit ang humawak ng negosyo niya.
Ang Carter hotel, may branches na sila sa iba't-ibang bansa na hindi lang dito sa Pilipinas at masasabi niyang, napaka-husay nh asawa niya sa pagpapatakbo tito ng bigla siyang nawala.
Or rather tumakas na lang dahil ang akala niya talaga ay pinagtaksilan na siya ng asawa niya pero siya yata ang nagkamali.
Sa ngayon, hindi pa nga niya nakikita at nahahanap si Elysian. Ganito naman pala ang pakiramdam nang mawala bigla sa 'yo ang mahal mo sa buhay.
Wala kang ideya kung saan siya nagpunta o nasa mabuting kalagayan ba siya o ano.
Ngayon nararanasan na niya ang pakiramdam noon ng asawa niya.
"Where are you, honey? Umuwi ka na please, promise this time magtitiwala na ako sa 'yo. Umuwi ka na at miss na miss na kita. Nagsisi na ako..."