Vlad's POV
kung may hihilingin man ako sa Panginoon na napakaimportante at nagiisang bagay, yon ay ang makasama ang mahal kong babae habang buhay. i have plenty of money for my dream family, i have wealth, properties and businesses for my children's inheritance dahil gusto ko maibigay sa kanila ang mga gusto nila. 2 more steps, ang maging malaya kami at yon ay ang hindi kami hahadlangan ni mommy sa mga plano ko sa buhay at ang pangalawa ay ang makasal kami ni Montessa. kailangan kong pag isipang mabuti ito.
hindi ko akalain na maging kami sa hirap ng pinagdaanan ko.
Alam kong wala pa ako sa kalahati sa pinagdaanan ko pero handa akong suungin lahat iyon. makasama ko lang sya.
my mother, si Celine, si Clent at ang mapanghusgang lipunan ang dapat kong lagpasan.
nakalaban ko ang sarili kong pinsan para lang ipaglaban ang pagmamahal ko sa nag iisang babae na pinapangarap ko. naalala ko pa kung paano kami nagkasakitan ni Clent nong pangalawa naming engkwentro ng puntahan nya ako sa office ko kinabukasan pagkatapos kong makipagdate kay Montessa sa bahay at tawagan ito ng pinsan ko para umuwi kaya hinatid ko sya sa bahay nya kahit nasasaktan ako. dahil sa nangyari kailangan kong magpagaling at huwag magpakita sa mahal ko kahit kating kati na akong makita syang muli.
"Sir, Mr. Clent Zamora want to talk to you" sabi ng Secretary ko.
"let him in" sabi ko
Agad naman itong pumasok at sinugod ako na nakaupo sa swivel chair ko. sa gulat ko ay hindi ako nakaiwas kaya natamaan ang mukha ko at pumutok ang labi ko.
"f**k you, pinsan ba talaga kita? hindi mo alam kong anong hirap ko at ang pinag daanan nya sa tuwing nilalapitan mo sya." sabi nito na galit na galit. hindi ako lumaban dahil alam kong may mali ako.
"mahal ko sya, noon pa man hinanap ko na sya, sya lang ang babaeng pinapangarap ko kaya akin sya"
"hinanap? akin? nagpapatawa kaba? sa tingin mo ba kapag nalaman ng mommy mo at nang buong mundo yang kahibangan mo patatahimikan pa ba nila ang buhay ni Montessa? gagawin mo lang miserable ang buhay nya kaya tumigil kana, layuan mo sya" sabi nito sakin na parang kakain ng buhay
"ano bang karapatan mong pigilan ang nararamdaman ko? kaya kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya, eh ikaw bakit ka ba nagkakaganyan, hindi ka nya maha-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng suntukin nya ako ulit kaya kaya natumba ako. dinaganan nya ako at pinagsusuntok. hinawakan nya ang kwelyo ko.
"ipaglaban ba kamo?, nasan ka nong pagpiyestahan at gawing miserable ang buhay nya ng mga mapanghusgang tao dahil sa ginawa mo? nanahimik ka, nagtatago ka!"
"ginawa ko lang manahimik para tumahimik na rin ang issue, sa tingin mo ba kapag sinagot ko ang lahat ng katanungn nila titigilan nila ako, malamang hindi dahil gusto nilang malaman kung sino ang babae na yon, tiniis kong lumayo sa kanya para sa katahimikan pero ngayon hindi na ako papayag dahil akin lang sya"
"akin lang si Montessa tandaan mo yan, layuan mo sya kong ayaw mong pasabugin ko itong mukha mo, tahimik ang buhay namin ni Montessa dumating ka lang inagaw mo na ang atensyon nya" sabi nya at sinuntok ako muli. narinig kong may nagtatakbuhan palapit saMin. nakita ko ang secretary ko at mga tauhan ko na inawat si Clent na galit na galit
"bitawan nyo ko papatayin ko yang amo nyo"
"tama na po, duguan na si sir" awat ng secretary ko
"huwag na huwag ka ng magpapakita sa kanya, dahil kong hindi, hindi lsng yan gagwin ko sayo, wagmo na syang puntahan sa trabaho nya
"hindi mo ko mapipigilan, wagmo syang hawakan sa leeg dahil hindi ka nya mahal, hindi mo sya pagmamay ari" sabi ko na hirap na hirap ng imulat ang mata ko nagkalat naman ang dugo sa damit ko at sahig. akmang susugurin nya ako ng hawakan sya kaagad ng tauhan ko at hilahin ito palabas
"call my doctor Ingrid" sabi ko sa secretary ko
"ok po sir, wait lang po" sabi nito at lumabas. naiwan naman akong mag isa. 'ayokong iwan ka baby, mahal na mahal kita, ikaw lang ang mahal ko at gagawin ko ang lahat mapasaakin ka lang
Habang nagpapagaling ako ng mga sugat ko ay biglang tumawag ang Secretary ko sa Manila para sa meeting with my investors ko sa France dahil sa expansion ng business ko at plano kong magpatayo sa france, hindi ako pwedeng magpakita sa kanya na ganito ang itsura ko. gusto ko syang itext o tawagan kaya lang baka kapag narinig ko ang boses nya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at makipagkita ako.
urgent ang meeting ko kaya agad akong lumipad at nagpabook ng ticket pa france. tiniis kong maLayo sa kanya. para na rin makapag isip.
"hi babe, ang tagal kong nakakuha ng info kung saan ka nag stay, iniiwasan mo ba ako?" nagulat ako ng bumungad ito sa hotel na tinutuluyan ko at iki kiss nya sana ako pero tinulak ko ito.
"ano sa tingin mo?, anong kailangan mo?" inis kung turan dito. nagpupumulit naman itong pumasok sa kwarto ko kaya hinarang ko sya
"hey, ayaw mo akong papasukin?"
"kung gusto mo ng matutuluyan kumuha ka ng sariling room, hindi kita pwedeng papasukin lalaki ako at babae ka, magkaroon ka naman ng kunting delikadesa sa sarili mo" sabi ko
"ang sungit mo naman, gusto lang naman kitang makita eh, ang tagal na kaya nating hindi nagdidate"
"pwede ba Celine may meeting ako at hindi na ako nakikipagdate, mali ang desisyon lo dati na pumapatol ako sa mga kapritsuhan mo" sabi ko sa kanya at pinagdabugan ito
"ano kaba? mula pilipinas binyahe ko para lang makasama ka tapos ganito lang isasalubong mo sakin"
"bakit ano ba ang gusto mo magpapatawag ako ng banda para sayo, wala namang tayo ah, dati pumapayag akong makipagdate pero hangang doon lang yon dahil never akong nanligaw sayo" sabi ko dito at sinaraduhan ito ng pinto. katok ito ng katok pero hindi ko na ito pinagbuksan. manigas ka dyan. pagkatapos mong kaladkarin ang pangalan ko at ipagkalat na may relasyon tayo at sirain ang buhay ko may gana ka pang magpakita.
Pagkatapos ng interview na hindi ko inaasahan ay iniwan ko ito dahil ipinangalandakan na naman nito ulit na nagdidate kami, f**k her. iisa lang ang babaeng mag mamayari ng puso ko.
Bumyahe kaagad ako pa Cebu para lang makita sya. alam kong nasaktan ko na naman sya. wala akong lakas ng loob na magpakita kaya hangang tanaw lang ako basta makita ko lang sya araw araw kahit na nakikita ko sila ni Clent na magkasama tinitiis ko.
Laking pasalamat ko na hindi nya kasama si Clent isang gabi na pumasok ito sa trabaho nya. kaya may lakas ako ng loob na magpakita. kung kailangan ng pwersahan para lang makasama kita baby gagawin ko mapatawad mo lang ako.
Nagawa kong makuha ang loob nya at makuha ang kapatawaran nya. pinapangako ko sa sarili ko na babawi ako sa mga pagkakamali ko. bibigyan ko sya lagi ng time.
Ngayon nandito na sya sa braso at kayakap ko. sana wala ng katapusan ito. bukas monthsary namin. first time in my life celebrating monthsary with my only one love. napakabango nya. 'pinangarap lang kita dati baby, ngayon ay napasaya na kita at nadala pa kita sa langit, kakagigil ka kasi talaga. hindi ako magsasawang ulit ulitin yon para lang wag mokong iwanan at mapasaya kita lagi.' her taste like heaven, nakakabaliw.
kailangan kong magpigil dahil alam kong marami ka pang pangarap, 'baka kasi mabuntis kita at hindi mo na matupad ang gusto mong matupad my baby' although gusto ko na ng anak pero kung hindi pa handa ang baby ko ok lang. mag aantay ako.
kailangan kong gumawa ng moves para lang maging akin ka ng tuluyan at hindi kana maagaw ng iba. kailangan kong makasiguro.
Pagkababa namin ng plane ay diritso kaagad kami sa hotel na pinareserve ko. i choose Presidential suit para maging masaya ang mahal ko at maranasan ang na marangya.
marami kaming napuntahan na lugar kinabukasan. hindi lang ito ang unang beses akong nakarating dito dahil nakapagbakasyon na rin ko dito kaya kabisado ko na ang magandang tourist spot.
Dahil 1 week lang ang bakasyon namin kaya sinulit namin talaga para maging masaya ang baby ko sa monthsary namin. gusto kong masubukan nyang sumakay ng luxurious train na isa sa ipinagmamalaki ng Switzerland, ang Glacier Express First Class. puro salamin ang train kaya kitang kita ko ang mga view sa paligid, mga bahay, mountain at mga pine trees sa paligid na napaka ganda dahil sa natural beauty nito. may foldable table ito at pangdalawahan na upuan at may sinerve din silang pagkain kaya super nag enjoy ang baby ko. hindi ito magkamayaw kong ano ang uunahing tingnan. kitang kita ko ang pagka mangha nya sa paligid. pagka baba namin ng train ay sunod naming pinuntahan ay ang
Grindelwald First dahil pupunta kami ng Mount First, breathtaking ang place na ito kaya alam kong mageenjoy kami, sasakay kami ng Cable car paakyat ng mountain kaya bumili ako ng ticket. kitang kita namin ang mga nagtataasang mountain at nagliliitang mga bahay at puno sa baba kaya napapasigaw nalang kami. niyakap ko naman ito at hinalikan para hindi sya malula at kabahan.
Huminto kami sa Bort pagkatapos ay ang Second stop namin ang Schreckfeld. Finally nakarating kami Sa peak and wow kahit second time ko na dito ay namamangha pa rin ako dahil sa greenfields ng bundok, wala kang makikitang mga nagtataasang mga damo na nakakalat dahil halos lahat ng mga bundok lalo na dito sa First ay para syang bermuda sa pino ng mga grasses. sobrang lawak sa taas ng bundok makikita mo ang mga taong naglalakad pa baba paakyat sa bundok at sa walk way na tulay paikot ng bundok. pakiramdam namin ng mahal ko naglalakad kami sa ere dahil sa sobrang liit na ng mga nasa baba dahil salaMin ang walk way kaya kita namin ang baba. nag antay naman kami ng ilang minuto para makarataing kami sa pinakadulo ng tulay na salamin. nakausli itong tulay at dead end na akala mo nakalutang ka sa ere. napayakap naman sakin ang baby ko sa takot dahil sa sobrang taas ng bundok ay hindi na namin alam kong mabubuhay pa kami pagdating sa bab kapag naputol ang tulay na salamin kaya natatawa nalang ako.
Pinapanood din namin sa tulay ang mga taong nagparagliding. kaya nagtry din kami para matry din ng baby ko sumakay at lumipad sa taas. I am a proffesional paraglider kaya ako ang nagdrive at ako ang nasa likod nya. sigaw ito ng sigaw sa tuwa. well, stress reliever ang ganitong klaseng sports dahil sa beauty ng nature na makikita mo sa baba pwede ka pang sumigaw hangat gusto mo.
Pagkauwi namin sa hotel na tinutuluyan namin ay bumili lang kami ng pizza. hindi uso dito ang rice and dish dahil cheese ang produkto ng swiss. Obssession nila ang cheese kaya mahirap maghanap ng kanin dito that's why i ordered their traditional food Alplermagronen, pasta, potatoes and shredded Gruyere, at Zurcher Geschenetzeltes at tsaka saffron risotto dahil may halong kanin ito at alam kong maghahanap ng kanin ang baby ko.
Foodtrip kami ngayon dahil pagod kami sa tour kaNina. bukas ang pupuntahan namin ay ang beautiful villages ng Lauterbrunnen at sa susunod na araw ay ang Morcote lalo na at may lake ito na napakaganda.
Sobrsng nabusog ang baby ko at pagod kaya ang sarap ng tulog. nilipat ko ito sa kama at nakaunan naman ito sa braso ko. pagkatapos ay hinalikan ko ito sa noo. lahat ibibigay ko sayo baby huwag mo lang ako iwan, ikamamatay ko ito. niyakap ko ito ng mahigpit habang natutulog ito. hindi pa rin ito nagigising dahil sa sarap ng tulog kahit ginagalaw galaw ko na.