chapter 8 never be enough

2656 Words
Montessa's POV "anak huwag kang kakabahan kaya mo yan, fight! fight! fight!" turan ni mamo dahil halata nyang kinakabahan ako at nanginginig na ng kamay ko. ang ganda ng outfit ko halatang bagong bago dahil ayon kay mamo bagong design nya ito at syempre para makatulong kay mamo ay pumayag ako na ako ang model ng mga gowns nya noon pa man. navy blue na hangang ibabaw ng tuhod ko sa harap at mahaba sa likod ng konti kaya litaw na litaw ang maputi ng legs ko , sleeveless ito at kumikinang dahil sa mga palamuti like rhinestone at sequence sa bandang dibdib. pa vneck style ito at hapit na hapit sa bewang ko dahil naka overlap ang design at may rose flower na navy blue rin sa kaliwang bahagi ng bewang. pa ballon style kaya pag umikot ako o humangin ay makikitaan na ako. pinarisan naman ito ng kulay silver na stelitto sandals na kumukinang rin pati hikaw at kwentas na mas lalong nagplutang sa gabi na puno ng ibat iba kulay ng ilaw pag natamaan sya. nakalugay lang ang buhok nya na hangang siko at kinulot lang ng kaunti sa dulo. "be confident dahil ang ganda mo anak, at meron ka namang magandang boses kaya panalo kana para sakin." sabi ni mamo "salamat po mamo, salamat sa outfit ko ngayon, tuwing may laban ako kayo nalang po lagi nag poprovide ng isusuot ko"sabi ko "sshh..bawal ang iyakn dito baka masira ang make up mo, masaya ako na natulungan kita hangang sa matupad mo ang pangarap mo nandito lang ako, tandaan mo yan" mdamdaming sabi nito kaya napayakap ako kay mamo. sobrang swerte ko at nagkaroon ako ng taong handang tumulong ng walang hinihintay na kapalit "ang ganda mo baby girl, bumagay sayo ang light make up walang masyadong kolorete kaya mas lalong lumutang ang natural mong ganda, malamang marami nagkandarapang mga lalaki sayo" sabi ng kaibigang bakla ni mamo na make up artist ko. napatawa nalang ako sa sinabi nito, at itinuon ang pansin sa salamin at tinitigan ang sarili. malapit ko ng matupad ang mga pangarap ko para sa pamilya ko ilang taon nalang. sa ngayon kailangan kong galingan para may handa kami sa graduation ko at para ma celebrate na rin ang matataas na grades ng mga kapatid ko. honor student din sila kaya super saya ng pamilya ko lalo na sila nanay at tatay. nakaupo ako sa isang upuan dito sa back stage at naghihintay na tawagin ako. lumabas na sila mamo at hihintayin nalang daw nila ako sa labas at panoorin akong kumanta. nandun na rin sila nanay at mg kaibigan ko. hindi ako mapakali. para akong maiihi o nahihilo, ramdam ko ang panlalamig at panginginig ng kamay ko kaya kinurot kurot ko ito para mabawasan ang tense ko. iginala ko ang tingin sa paligid at nakita ko ang mga kasamahan ko na nghihintay rin halatang kinakabahan tulad ko. napako naman ang tingin ko sa tatlong contestant na nagbubulungan lalo na yung isa masama ang tingin. problema mo gurl? ibinaba ko nalang ang tingin ko ayokong siraan nila ang diskarte ko baka mawala ako sa focus. panglima ako sa siyam na kalahok. kasalukuyan namang nagpeperform ang pang apat at ako na ang kasunod. Sa lalim ng iniisip ko ay nagulat ako ng bumukas ang pinto at iniluwa ang pang apat na kalahok, ilang sandali lang ay tinawag na ang pangalan ko. kinakabahan man ay tumayo na ako. huminga muna ako ng malalim at lumabas na habang paakyat ng hagdanan papuntang stage ay hindi pa rin mawala ang kaba ko pero ramdm ko ang tahimik ng audience na naghihitay sa paglabas ko. lord please help me, napadasal ako ng wala sa oras dahil tanging sya lang ang nagbibigay ng lakas ng loob ko nang nasa harapan na ako ay naghiyawan lahat pero ng mag umpisa na akong kumanta ay nakatulala na sila I'm trying to hold my breath Let it stay this way Can't let this moment end You set off a dream in me Getting louder now Can you hear it echoing? Take my hand Will you share this with me? 'Cause darling, without you All the shine of a thousand spotlights All the stars we steal from the night sky Will never be enough Never be enough Towers of gold are still too little These hands could hold the world but it'll Never be enough Never be enough For me Never, never Never, never Never, for me For me Never enough Never enough Never enough For me For me For me naghiyawan muli ang audience kaya mas lalo ko pang ginalingan. nakita ko ang pamilya ko na nakangiti, nababanaag sa mata nilaang saya at proud sa performance ko pati mga kaibigan ko na nakatayo sa tabi nila nanay at mamo sa gawing kaliwa humarap ako at nakita ko ang apat na judges. alam kung nagustuhan nila dahil napapalakpak sila, mas lalo nilang magugustuhan ito dahil sa kakaibang style ng pagkanta ko ang tinuro ni mamo. All the shine of a thousand spotlights All the stars we steal from the night sky Will never be enough Never be enough Towers of gold are still too little These hands could hold the world but it'll Never be enough Never be enough For me Never, never Never, never Never, for me For me Never enough Never, never Never enough Never, never Never enough For me For me For me For me yumuko ako na may ngiti sa labi pagkatapos kong magpasalamat. kinakabahan ulit ako ng marinig ang hiyawan ang palakpakan ng mga tao. thanks God nagawa ko ng maayos. narinig ko ang emcee at lumapit. halatang bakla ito the way he speak. "wow! super galing mo girl. what an amazing voice that you have. whats your name again baby girl?" " Montessa Love Santillan po" "what a nice name, how old are you and are you studying?" "im 18 years old and i am a Senior High School Student "your just 18 pero ang height at katawan mo pang model gir-" komento ng emcee ngunit pinutol ito ng isa sa mga Jugdes. kilala ko ito. Manager ito ng mga Artista at Model na sumasali sa Beauty Pageant. "yes, Ms. Malvar" -emcee "excuse me, let me interupt you guys, can i ask you some question Ms. Santillan?" "yes po" "sumasali kaba sa mga pageant or commercial model or anything ?" "yes po, last year was the last pero mas nag focus lang po ako sa pag aaral at pagkanta Nahihiya lang po kasi ako. hindi ako sanay sa mga seksing outfit." "bakit? you have a perfect body, i mean, pwede mong ituloy, aalagaan kita. i can train you to be the next Top Model here and abroad or you can join Bb. Pilipinas malay mo maging isa ka sa magrepresent ng bansa as Ms. Universe, you have a potential, ang katulad mo ang kailangan namin" "thank you po sa offer pero pag iisipan ko po muna." tumango ito at ngumiti ito. patay! sabi ko sa sarili ko, may interview portion pa. kinausap din ako ng isang Vocal coach trainor. "Ms. Santillan you have a very powerful voice iba ang boses mo sa pagkanta at pagnagsasalita ka. you know how to use the crack of your voice. malayo ang mararating mo, the way you sang wow! impressive" puri nito and i said thank you again. tinawag din ang pansin ko ng isa sa sikat at gwapong actor. kilala ko ito bilang hunk actor/womanizer. Jacob Servantes. " Hi Ms. Santillan" Jacob "hi po" "ang ganda mo super, at ang ganda ng name mo nakakainlove plus you have a powerful and amazing voice. as a singer napahanga mo ko. para ka nang proffesional singer. akala ko si Ms. Morissette Amon na ang kumakanta habang nakapikit ako at pinapakingan kita" "thank so much po" "why dont you join sa mga singing contest on tv, i mean alam kong maraming magbubukas ng opportunity para sa katulad mo hindi lang sa pagkanta, maganda ka talented pa." "sa totoo lang po sa bara barangay lang po muna ako sumasali. naka focus po kasi ako sa pag aaral ko po kasi kapag sumali ako sa ganyang contest baka mapabayaan ko na ang pag aaral ko" "as you said earlier ay nag aaral ka, kumusta ang pag aaral mo?" wew parang walang katapusang tanong to ah, nagkamali yata ako ng sinalihan parang beauty contest na ito, may kasunod pa po oh pero sinagot ko pa rin bilang pag galang. "okay naman po, as a matter of fact, i am proud to say that i am a consistent honor student as Valedictorian since when i was five years old" nakita ko naman ng pagka mangha ng mga nanonood at lalo na ang mga judges. "wow, i am so totally impressed. it makes you more beautiful. beauty and brain na, talented pa." maya maya pa sinabi nya "can i invite you for date Ms. Santillan?" napasinghap ang mga tao lalo na sila nanay at mga kiabigan ko. nang mapadako ang tingin ko kay Clent ay diko ma explain ang itsura nito dahil bigla nalang nagdilim ang anyo nito at ang sama ng tingin nito kay Jacob Servantes at ibinaba ang phone na malamang nakavideo siguro ako in my entire performance. "dont worry its just a friendly date, i tour mo na rin ako sa ipinagmamalaking tourist spot ng Cebu. its my Second time to visit here at napahanga ako sa ganda ng lugar dito. mas gaganda siguro at mag ienjoy ang pag stay ko dito kung makasama ka kahit saglit". oh my walang preno itong nagsasalita at ang alam ko may Girlfriend ito na sikat na artista rin. how come nakikipagdate ito sa iba. womanizer nga talaga. "pag iisipan ko po" "please say Yes, its just a friendly date" nakita ko sa sulok ng mata ko na tumayo sa Clent pero pinigilan ni Vince at Carla. "ita try ko po, hindi pa po Kasi ako nakasubok makipagdate baka magalit po parents ko." paliwanag ko pero ayoko talaga. pero talagang namimilit ito plus chinicheer pa ng mga audience dahil sikat ito pati mga kasamahang judges nakikicheer. kaya napatango nalang ako. nakita kong dismayado ang mukha ni Clent. Oo nga naman sya nga diko pinayagan makipagdate sakin tapos kay Jacob Servantes ay pumayag ako. tiningnan ko sya na may mapagpaumanhing tingin at nakatitig lang ito. narinig ko nalang na taps na ang interview at pwede na akong mag exit kaya nakahinga ako ng maluwag. sinalubong ako ni Mamo sa back stage kaya napayakap at tumawa ako ng magtititli ito ng malakas. "anak ng galing mo, super satisfied ako sa performance mo. parang hindi ka kinakabahan." ani nitong nakangiti "thank you mamo ko" sabi ko "at tsaka kinikilig ako sa inyo ni Jacob, anak artista yon niyaya kang makipagdate" ano ni mamo at halatang kinikilig "ayoko nga po sana kaso nahihiya na po ako sa kakatanggi kaya pumayag na ako at tsaka babaero yun diba?" sagot ko naman kay mamo "okey lang yan, friendly date lang naman" sabi nito at yumakap ulit. maya maya ay nagpaalam na ito na bumalik sa harap ng stage at manunood pa daw sya sa ibang Contestant. Napaisip ako tama ba na pumayag ako makipagdate. paano kung may mangyaring masama sakin? paano kong pagsamantalahan ako? paano kung bigla akong sabunutan ng girlfriend nya o fans nila. sa layo ng iniisip ko diko na namalayan na tapos na lahat ng kalahok na kumanta. yung tatlo naman kanina ay umirap ulit sa akin at masama ang tingin. hmmp, insecure ba sila at pinag iinitan nila ako? bahala sila maduling kakairap sakin. mata naman nila yan eh hehe' napangiti ako sa mga naiisip ko. Nagulat ako ng i announce na ang lahat ng kalahok at pinapapunta sa stage. ito ang pinaka nakakakaba sa lahat, ang malaman kong sino ang mananlo. may tinawag na sa 3rd runner up na number 3, kasunod ang second runner up na na ang nanalo ay number 7. oh my G. sana ako, paano pag hindi ako ang mananalo? paano ang handa namin? nabibingi ako sa sigawan ng mga tao para akong lumulutang sa kaba, para skong naiihi na ewan. " number 5 , Ms. Montessa Love Santillan. Congratilations" pag ako hindi nanalo magpapansit nalang talaga kami kung ano nalang kaya ni nanay pero sayang din yung 20,000 pesos "Ms. Santillan?" nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko kaya napatingala ako at idinilat ko ang mata ko dahil kinalabit ako ng katabi ko. narinig ko ang dumadagundong na sigawan at tawanan "po?" "Congratulations Ms. Santillan. you are the winner" at nakatulala lang ako hindi kasi mag sink in sa utak ko ang narinig ko. ako ba talaga ang nanalo? nagulat pa ako nang kamayan ako ng mga judges at may ibinigay silang trophy at cheque nakangiti lang ako. pero nang kamayan na ako ni Jacob Servantes at hinawakan ako sa beywang ay natauhan ako. buti nalang at tinangal kaagad nito ang kamay. hinalikan ako nito sa pisngi "congratulations Ms. Montessa see you again for our date, wow! you look even more prettier sa malapitan." jacob " salamat po" "Congrats again" sabi nito at pagkatapos ng picture taking ay umalis na. Bumaba ako sa stage at sinalubong ako ng pamilya at kaibigan ko habang tumitili ang mga ito. "congrats ate" sabay sabi ng mga kapatid ko "congrats anak" sabi ni nanay at yumakap pati si tatay "ang galing talaga ng princess ko" sabi ni tatay "salamat po tay" "ahh!!! friend ang galing mo promise, napatumba mo sila lahat" sabi nito kaya napatawa nalang kami lahat "congrats montessa" vince "congrats love" sabi ni clent na may lungkot pero yumakap pa rin ito. hindi na my love tawag sakin kasi nandito si tatay. hinayaan ko nalang tsaka nalang kami mag usap. nginitian ko nalang sya at nagpasya naman sila ni tatay na kumain kami sa Jollibee bilang celebration at syempre kasama pa rin ang mga friends ko. pagkatapos naming kumain ay nag CR ako saglit matagal din yong hindi ko nakita ang itsura ko sa salamin baka nagkalat na ang mke up ko. paglabas ko ng CR ay nabungaran ko si Clent "oh Clent, magsi CR kaba?" nababanaag ang lungkot sa mga mata nito " no", parang may gusto itong sabihin pero hirap syang sabihin "talaga bang makikipagdate ka sa kumag na yon?" nakasandal ito sa pader at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. ang pogi nitong pumorma pero malamlam ang mga mata "nahihiya naman kasi akong tumanggi at nasa harap pa ng crowd friendly date lang naman yon at ayokong patulan yon pag sakaling nanligaw" inunahan ko na ito para hindi na nakasimangot. nakakaawa naman sinoportahan ba nga ako byernes santo naman ang mukha. "tawa kana, dapat happy ka kasi nanalo ako bakit parang may lamay sa itsura mo?" nakapouty lips na ito. tsk parang bata "huwag mo sasagutin yon pag nanligaw ah" nakatitig pa rin ito at ayaw talagang tumawa "oo nga, ang kulit mo, dba nag usap na tayo, ayoko pa. at tsaka friendly date lang naman" ayaw parin ito tuminag "pag hindi ka pa tumawa Dyan magagalit na talaga ako sayo" agad naman itong lumapit at naalarma "my love naman sorry na, ayaw ko lang kasing kasama mo yung manyakis na yon, playboy yon" sabi nito "alam mo ikaw" sabay pisil ko sa ilong nito "alam ko po yon at tsaka kaya kong alagaan ang sarili ko ok, pinakaayaw ko rin ang playboy kaya malabong mangyari na patulan ko yon." paliwag ko dito at hinila na papunta sa mga kasama namin. 'hay naku Clent puputi na talaga ang mga buhok ko sa pagiging possessive mo' Naging maayos naman ang date namin ni Jacob Servantes at wala namn syang ginawang masama. pinagsilbihan nya ako at gumala kami kung saan saan. nakakahiya nga lang at pinagtitinginan kami dahil kilala kasi si Jacob sa showbis kaya nagtitilian ang mga kababaihan. first date ko ito at so far ok naman sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD