Montessa's POV
"anak kailan kapa natutuong uminom ha?" bungad ni nanay pagkarating ko sa bahay nang ihatid ako ni Vlad sa bahay. nakamask ito at shades pero pagkapasok sa loob ay hinubad rin nito agad. iniiwasan kasi namin na baka may makakita sa mga kapitbahay namin na magkasama kami.
"Nay kunti lang naman yon eh,"
"anong kunti, eh nagsusuka kana nga daw sa sobrang kalasingan, ikaw talagang bata ka natuto ka ng magpasaway ah"
"darling wag mo na pagalitan ang prinsesa natin, okay naman na sya eh, thank you Vlad ah" sabi ni tatay at tinapik ito sa balikat
"walang anuman po tay"
"kayo talagang mag ama, sarap nyong paguumpugin, kampihan mo pa yan" inis na turan ni nanay
"nay sorry na po, hindi na mauulit"
"talagang hindi na dahil patitigilin kita kapag inulit mo pa yan ah" sermon ni nanay
"hindi na nga po"
"hindi ka man lang nahiya dyan sa boyfriend mo nagkakala-"
"alam nyo na po?"
"aba syempre magpapahuli ba ako" sabi ni nanay kaya binalingan ko si Vlad at tiningnan ito na parang nagtatanong.
"eh masaya lang ako baby, at tsaka kinukulit kasi ako ni nanay luisa, pinapaamin nya ako"
"nayy" pagmamaktol ko sa kanya at nakanguso
"eh bakit kapa mahihiya doon ka na nga natutulog hindi ka nahiya?" kaya nagtawanan sila lahat sa panenermon ni nanay sakin. namula naman ang mukha ko sa hiya.
"anak walang problema samin kong maging kayo man ni Vlad, basta Vlad ipangako mo lang wagmong paiyakin ang prinsesa ko" sabi ni tatay. tumango naman si Vlad
"pangako po nay, tay"
"iho, salamat ulit sa pagtulong samin lalo na yong sa tuition ng dalawa kong anak, malaking tulong talaga samin yon naaawa na kasi ako sa batang to" turo ni nanay sakin. nagtaka naman ako sa pinag uusapan nila. may hindi yata ako alam.
"anong tuition nay?"
"ay anak hindi pa ba nakwento sayo ni Vlad ang tungkol doon?" sabi ni nanay
"baby binayaran ko na ang tuition ng dalawa mong kapatid hangang sa makatapos sila ng high school, ang sunod kong babayaran ay kapag nag college na sila depende kong anong course ang kukunin nila, dont worry scholar sila ng kompanya ko kaya wagmo ng alalahanin" paliwanag nya. napaluha naman ako sa sinabi nya
"bakit hindi mo nakwento sakin?"
"wagka ng umiyak, eh nakaligtaan ko kasi sorry na" sabi nito at pinunasan ang luha ko
"ay naku pabebe na naman ang dalaga ko" pang aasar ni nanay at nagtawanan sila lahat
"nanay kasi eh,"
"okay lang kong pabebe nay, basta sakin lang sya magpabebe" sabi nito kaya kinurot ko sya at nagtawanan ulit sila
"oh halina kayo at kumain na ng hapunan" yaya ni nanay kaya sumunod nadin kami
Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako at pagkatapos ay nagpalit ng damit pantulog. si Vlad naman ay kausap ni nanay at tatay. parang wala pang planong umuwi ang mokong.
maya maya ay bumukas ang pinto at pumasok ito at nakatingin sakin na nagpapatuyo ng buhok, inilibot naman nito ang tingin nya sa kwarto ko. first time na may pumasok na ibang lalaki sa kwarto ko at naiilang ako sa presensya nya. kahit na kasi boyfriend ko na sya ay hindi ako sanay.
"ang cute naman ng room ng baby ko at amoy baby ah, sarap matulog siguro dito" sabi nito at humiga sa kama ko. maya maya ay pumunta ito sa kabinet ko na puno ng stuffed toy
"ang dami naman Nito baby,"
"kapag Valentines day kasi maraming nagbibigay kaya ginawan ako ni tatay ng lagayan dahil hindi ko na alam kong saan sila ilalagay" sabi ko at pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng buhok ko
"okay, kanino galing itong malalaki sa kama mo?" sabi nito kaya nilingon ko sya at nakita kong hawak nya ang binigay ni Clent
"kay C-Clent yan babe, tuwing Valentines day kasi binibigyan niya ako ng life size teddy bear" sabi ko at tiningnan ito, nag iba naman ang awra nito na parang naiinis
"mas masarap pa ako dyan kayakap eh, dapat ako lang ang kayakap mo kapag natutulog ka." sabi niya na nakasimangot. natatawa naman ako sa itsura nya. napailing nalang ako. hindi ko alam na may ganitong side pala sya. mas kinikilig ako sa inakto nito dahil ang cute nya. nilapitan ko nalang ito at niyakap.
"huwag ka na magselos, teddy bear lang naman yan eh" sabi ko at kinurot ang mukha nito
"eh nagseselos ako kasi katabi mo sa pagtulog yang binigay ni Clent" sabi nito at nakanguso. ang cute nya lalong tingnan. hinalikan ko nalang ito sa pisngi
"sana ako nalang lagi ang kayakap mo, sana sa bahay ka nalang matulog baby para may kayakap na ako sa pagtulog" sabi nito at yumakap ng mahigpit sa beywang ko. nakaupo kasi ito sa kama samantalan ako ay nakatayo.
Hinila naman nya ako at pinaupo nya ako sa kandungan nya pa sideview at niyakap ng mahigpit
"baby?"
"hmm?"
"f**k, baby huwag ka ganyang sumagot baka hindi na ako uuwi nito" sabi nito
"bakit, anong masama sa sagot ko?"
"basta.. huwag ganun"
"okay, bakit babe?"
"pwede ba akong dito nalang matulog?"
"ano?..hindi pwede no, baka anong sabihin nila ni nanay magkatabi tayo eh hindi pa naman tayo magasawa ah"
"eh magkatabi na rin naman tayo sa bahay ah"
"kahit na, kapag nandito tayo hindi tayo pwedeng magtabi sa higaan"
"ano ba yan, kainis naman. sa bahay ka nalang kasi matulog para magkatabi tayo" sabi nito kaya kinurot ko ito sa kakulitan nya
"ahh, masakit yon ah,
"hindi kasi pwede pangit tingnan no at saka pag nasa bahay mo ako, dapat sa guest room lang ako"
"ano?!! hindi pwede!"sabi nito at naiinis
"bakit hindi aber?"
"basta ayoko, doon nga lang tayo magkasama ng matagal tapos ipagdadamot mo pa"
"baka anong sabihin ng makakita sa atin lalo na mga katulong mo na doon ako natutulog"
"bakit mo sila iniintindi?, at tsaka never magsasalita yong mga yon, loyal sa akin ang mga yon, bayad ang pananahimik nila kapag nagsalita sila eh di tanggal sila kaagad" sabi nito na nakasimangot
"salbahe ka, tanggal kaagad? pano kung may pamilya yong tinanggal mo kawawa naman"
"eh di umayos sila sa trabaho nila, alam mo baby kailangan mo rin maging mahigpit lalo na pagdating sa sekreto at business para hindi ka abusuhin."
"sige na nga, hindi ka talaga nagpapatalo ano"
"may katwiran naman kasi ako"
"kaya naging successful ka na businessman eh"
"baby?"
"hmm ahh.. yes?"
"baby naman kasi" sabi nito at hinalikan ako sa labi kaya nagulat ako. nong una ay dahan dahan pa pero kalaunan ay para na itong nangigil. para itong hayok na akala mo mauubusan at sinipsip ang labi ko. tinugon ko naman ang halik nito dahil hindi ko mapigilan ang init na nararamdaman ko. ang sarap ng halik nya at never akong magsasawa. habol habol namin ang aming hininga ng bitawan nya ako. i saw lust in his eyes
"baby, never akong magsasawa sa labi mo na to, mamahalin kita habang buhay baby ikaw lang"
"i love you to babe" sabi ko at hinalikan nya ako
"matulog kana baby baka makalimot pa ako, babantayan kita okay?"
"ha? hindi ka uuwi?"
"uuwi pagka nakatulog kana" sabi nito at pinahiga na ako. nakaupo lang ito sa kama ko at nakasandal sa headboard ng kama ko. sinusuklay nya ang buhok ko ng daliri nya. naramdaman ko namang hinalikan nya ako sa ulo, sa noo at sa tungki ng ilong ko
"goodnight my baby i love you" sabi nya at hinalikan ako sa labi
"goodnight babe, i love you to"
nakapikit na ako ng may kumatok at bumukas ito
"iho, dito ka nalang matulog anong oras na" sabi ni nanay, nagulat ako sa tinuran ni nanay, masyadong tiwala tong nanay ko.
"nanay naman, wala tayong extrang kwarto"
"eh malaki naman ang kama mo ahl
"ha? nanay naman"
"ano kaba, papauwiin mo pa yan eh gabi na,
"ok lang po aantayin ko lang syang makatulog tsaka ako uuwi." magalang nitong tugon.
"oh sige ikaw ang bahala at matutulog na ako"
"okay po, goodnight po"
"goodnight din iho
"goodnight nay"
"goodnight anak"
nang lumabas si nanay ay biglang nagsalita naman si Vlad
"payag pala si nanay mo na magkatabi tayo eh." sabi ni nanay
"ewan ko ba sa nanay ko na yan, ano bang pinakain mo at masyadong tiwala sayo?"
"masisisi ko ba kong malaki ang tiwala nila sakin? eh ikaw itong ayaw lang"
"sila, may malaking tiwala sayo, ako lang ang walang tiwala sayo kung ano anong pumapasok dyan sa utak mo kapag magkatabi tayo"
"nakakagigil ka kasi, sarap kaya may kayakap"
"ewan ko sayo, makatulog na nga" sabi ko. humiga naman ito at ginawa kong unan ang braso nya at nakayakap sakin. isiniksik naman nito ang mukha nya sa leeg ko at ginawaran ng halik ang leeg ko na nagdulot ng kakaibang init sa pairamdam ko kinilabutan ako. ramdam ko ang hininga nito sa leeg ko pero pinipigilan ko hangang sa nakatulog ako.
Pag gising ko kinabukasan ay wala na si Vlad sa tabi ko. ang sarap sa feeling na hinintay talaga nya akong makatulog. ang saya saya ko at ang gaan ng pakiramdam ko. nagpadala naman ito ng message sa phone ko.
"[goodmorning baby, huwag ka magpapagutom ok love u]"
"[i love you to babe, ikaw din magiingat ka palagi]" reply ko. napapangiti ako sa kasweetan nya. ganito pala ang feeling ng inlove, super inlove. pakiramdam ko para akong lumulutang sa ulap sa sobrang saya.
wala na akong alalahanin sa pag aaral ng mga kapatid ko. ayoko man sana sagutin nya ang gastos pero wala na akong magagawa dahil huli ko nang malaman, malamang alam nilang ayoko dahil nakakahiya.
Never kong pinangarap na maging boyfriend ang isang Vlad Montenegro. Oo hinahangaan ko sya dahil sa kagwapuhan nya at magaling sa larangan ng music at business. pero dahil sa dami ng nalilink sa kanyang babae ay naglaho ang pagkagusto ko sa kanya. sa isip ko dati ayokong mapabilang sa mga babae nya. hindi ko akalain na ang sikat at tinitilian ng mga kababaihan ay ako lang ang laman ng puso nya noon pa man. hinanap pala nya ako.
"anak, diba mas okay kong ikaw ang maghahandle ng negosyo na ibinigay ni Vlad sayo?" sabi ni nanay habang nag aagahan kami
"ayoko po nay, hindi pa po ako handa. natatakot ako na husgahan nila aklng pera lang ang habol ko sa kanya"
"may point ka naman nak, kaya lang nanghihinayang kami at nagbabayad si Vlad sa ibang tao para lang pamahalaan ang negosyo mo" sabi ni tatay
"eh tay, wala pa po akong karanasan sa paghahandle ng business"
"tuturuan ka naman niya anak, si Vlad pa" sabi ni tatay
"huwag mo na masyadong stressin ang sarili mo, dapat nga i enjoy mo na ang pagkadalaga mo dahil may nagpapaaral na sa mga kapatid mo, dapat nga tumigil kana sa work mo sa Restobar, magfocus kana sa pag aaral mo at para hindi kana nagpupuyat pa. tama na ang ilang taon mong pagpapakpagod sa pagtulong samin anak, panahon naman para i enjoy mo ang sarili mo" dagdag pa ni tatay
"ang swerte mo sa kanya anak, bihira sa isang lalaki na mayaman at may itsura pa ang pagiging tapat sa isang babae, kaya nga hindi kami nagdadalawang isip na pumayag na maging boyfriend mo sya" sabi ni nanay
"kaya pala nay halos ipamigay nyo na po ako, gusto mo magkatabi pa kami kagabi " sabi ko at nakanguso
"kuh, tong batang to, bakit hindi ba kayo magkatabi sa bahay nila?"
"nanay naman kasi eh, nasa harapan tayo ng pagkain, ang harot"
"asus nagpapalusot pa ang dalaga ko, okay lang yan alam ko naman kasing hindi ka pababayaan ni Vlad at may tiwala ako sa kanya" sabi ni nanay