Walang pagsidlan ng kaligayahan si Annalor. Kahit biglaan ang kasal, naroroon pa rin ang presensiya ng kanyang mga kaibigan. Hindi nag-aksaya ng sandali si Vince na sumaglit sa Villa Hidalgo para sunduin si Maurin. Ang nangyari, naging instant reunion pa ang kasal para sa kanilang magkakaibigan. Amused na amused namang nakamasid sa kanila si Dave. It took another hour bago nasimulan ang kasal. Parang nakalutang si Annalor sa alapaap. Wala siyang ibang namamalayan maliban sa pagpisil-pisil ni Dave sa kanyang mga palad. At kung hindi pa iniabot sa kanya ang ball pen para pumirma, hindi niya mamamalayan iyon. Parang namamalikmata si Annalor na nakatitig sa papel. Bigla-bigla, may asawa na siya. Bago pa ideklara ni Judge Abesamis ang kanilang pagiging mag-asawa ni Dave, nasugod na siya ng y

