Unexpected Marriage 15

2336 Words
SAMANTHA FAYE RAMOS "I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride." Wala ako sa sarili sa buong seremonyas. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Parang kay bilis-bilis naman. Sing bilis ng pagpapatakbo n'ya ng kanyang sasakyan kanina. Nakipagmatigasan pa ako sa kanya papasok sa loob ng bahay. Pero desidido siya kaya hindi na ako nakapalag pa ng pasanin niya akong parang isang sakong bigas. Tapos ganito yung bubungad sa akin. Sa loob ng dalawang araw biglang nagbago ang buhay ko. Ang kapalaran ko. Pumitlag ang puso ko ng maramdaman kong lumapat ang mainit n'yang labi sa mga labi ko. Napabalik bigla ang naglalakbay kong utak. Kasalukuyan kaming kinakasal ng kanyang tiyuhin na isang Judge. Saksi ang kaibigan n'yang si Rald James Gonzalvo at ang mayordomang si Manang Lucy Ilang minuto na ang lumipas nakalapat pa rin ang labi n'ya sa akin. Parang kinakain n'ya na ang mga labi ko. Tinulak ko siya sa kanyang dibdib ngunit mabilis n'ya naman akong hinapit sa baywang. Naasiwa ako ng marinig ko ang mahinang sipol ng kaibigan n'ya at pagtawa ng kanyang tiyuhin at ni Manang Lucy. "Ano ba--nakakahiya ka, Wayne!" pabulong na sita ko sa kanya. He stoped and gasp for air while grinning ear to ear. Sinamaan ko siya ng tingin pero lalo lamang lumawak ang kanyang ngiti. Pinagpantay pa ang mukha naming dalawa sabay pisil sa tungki ng ilong ko. "You're officially mine. My wife." Malakas na tumikhim ang Uncle Robert n'ya. Kaagad akong napalingon sa harapan namin. Makahulugang ngiti ang sumalubong sa akin. Uminit kaagad ang mukha ko sa hiya. "Congratulations to both of you." anito habang nakangiting nakatitig pa rin sa akin. "I'm sure Vangie will be happy with your unexpected marriage, Wayne." Pakiramdam ko biglang inukit sa bungo ko ang katagang sinabi nito. UNEXPECTED MARRIAGE "Ang weird. Tumakas ako sa arranged marriage ko tapos ngayon bumagsak ako sa 'di ko inaasahan na kasal." anas ko sa sarili. "What did you say?" pabulong niya ring tanong sa akin. "You want a church wedding?" "NO--sabi ko ngayon ko lang din na realize kung bakit ganitong damit ang binili mo sa'kin." "I told you everything that happened between us won't end just like that." umayos siya ng tayo saka hinarap ang Judge. "Please don't tell them about this yet, Uncle." "Why is that?" Napatingala ako sa kanya ng hapitin niya pa ako lalo palapit sa kanya. Nakangiting niyuko n'ya rin ako. "I know once they found out about her magkukumahog ang mga 'yon pumunta ng bahay ko--" "Oh--eh ayaw mo ng ganun ng makilala siya nina Vangie?" sabad ni Manang Lucy. "Kay tagal nila 'tong hinintay tapos--" "Ako na lang po magsasabi sa kanila." Napapakamot naman sa ulong nagkatinginan ang tatlo. "Oh ba't ganyan ka makatingin sa'kin?" sita ni Manang Lucy sa Judge. "Ikaw nagkasal sa kanila. 'Wag mo akong idamay diyan. Witness lang ako." sabay layas. "Teka Manang Lucy--" "Tambak pa ang trabaho ko!" sigaw nito. Deritso lang ang lakad palabas. "Kaya mo na 'yang pamangkin mo!" "Oh my God... Wayne--" "Please not now, Uncle. I want to be alone first with my wife." aniya sabay pisil ng chin ko. Uncle Robert sighed. "OK, ikaw ang bahala." "Thanks, Uncle." "Yung secretary ko na ang maglalakad nitong na fill-up-an n'yong form bukas sa City Hall." wika ng Judge. "These are application forms. Kasama na yung papeles na katibayan na nag-attend kayo ng pre-marriage counseling and family planning seminar. Will just fake the date." "NOTED po Uncle. Send niyo na lang po sa'kin yung Marriage cert. namin kapag na-released na." "Sure. No problem." Nagtungo kami ng Restaurant kasama ang kanyang kaibigang si Gonzalvo matapos naming magpaalam sa kanyang Uncle. Naiilang ako sa pailalim nitong tingin at makahulugang ngisi sa akin. Makailang ulit ko pa itong narinig na sumisipol sa tuwing binabaklas ko ang braso ng asawa kong nakapulupot sa baywang ko ng naglalakad na kami papasok ng Restaurant. Nilingon ko ito sa likuran. "Bestfriend kayo ni Wayne noh?" "Oh yeah, pa'no mo nalaman?" "Pareho kayong nakakabwesit e." They both laugh wholeheartedly. Mabangong amoy ng mga pagkain ang sumalubong pagpasok namin. Nanoot sa ilong ko. Kaagad nagrambulan ang mga alaga ko sa tiyan. Naramdaman ko pa ang kamay ni Wayne na humawak doon. Nahihiyang tiningala ko s'ya. Natunaw naman ako ng makita ko ang maganda n'yang ngiti. "Hungry?" I nodded. "Famished." Its a busy day. Ang daming tao. Halos puno na sa ibaba. Nagtungo kami sa second floor. Pumwesto sa gilid. Kaagad may lumapit saaming waiter. "Good morning Madame," nakangiting wika nito sabay abot sa'kin ng Menu. Kaagad ko naman iyon kinuha. "Good morning, Boss." baling sa dalawa saka inabot ang kanya-kanyang Menu. "Do you want something to drink first--" "Same as before," sabay pang wika nung dalawa. "NOTED Boss,"saka binalingan ako ng waiter. "How about you, Madame?" "Tubig lang sa'kin, please." "SURE."sabay talikod. Tiningnan ko ang Menu. Nanlalaki ang mga mata ng makita ko ang presyo ng bawat order ng pagkain. "Grabe naman 'to. Presyong makabutas bulsa." James laughed. Dumukwang naman palapit sa'kin si Wayne. "No worry it's on the house," bulong niya sa tainga ko. "I don't know what you want so just choose whatever you want." Binuklat-buklat ko ang Menu. Hindi ako familiar sa pangalan ng mga pagkain na nakikita ko. Mas nakikita ko pa ang presyo kaysa sa drawing na pagkain. Though may nakita akong seafood, kumusta naman ang presyo? Nakakalula! "Good morning Sir, Ma'am. May I take your order, please?" Napatingin ako sa bagong waiter na lumapit saka niyukong muli ang Menu. Wala pa rin akong mapili. "What's your order, babe?" tanong sa'kin ni Wayne habang nakatingin pa rin sa menu. Bigla akong napalingon sa kanya ng maramdaman ko ang pagdantay ng kamay n'ya sa ibabaw ng aking hita. "I-I don't know what to order." Natigilan ako ng mabalingan ko ang waiter na nakatitig sa akin. Kinunutan ko ito ng noo saka nilingon si Wayne na busy pa ring nakatingin sa kanyang Menu. Tiningnan ko ulit ang waiter. Nagulat pa ako na pati ang kaibigan n'ya hanggang ngayon nakakaluko pa rin ang ngisi habang nakatitig sa akin. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanila. Naaasiwa ako sa kaibigan n'ya. Pakiramdam ko pinagtatawanan ako nito na 'di ko malaman kung sa anong kadahilanan. Pati 'yong waiter dumagdag pa. Bukod sa paiba-iba lumalapit sa'min, lahat sa'kin pa nakatingin. Kinikilabutan ako sa uri ng titig at ngisi nila sa akin. Makatingin wagas. "I don't know what to order too." boses ni Gonzalvo. Nilingon ko ito agad ngunit mabilis din akong parang napapasong nag-iwas ng tingin ng makita kong nakatitig pa rin ito sa akin. Animo'y... kinikilatis ako or iniinis itong kasama ko. Narinig ko si Wayne na malalim na napabuntong-hininga. "Ok... Will order two Hot Seafood tower. Three USDA Rib-eye and Sea Bass Fillet. Three Potato Hash Salmon and Octopus Carpaccio. And stop gawking my wife, I'm warning you two." he said in a formal tone while closing the menu. Marahas akong napalingon sa kanya. Napahalakhak naman ng malakas ang kaibigan n'ya. Samantala, kaagad naman tumalikod ang waiter na kay lapad ng ngisi. Pero si Wayne madilim pa ring sinusundan ito ng tingin. Nagbabanta naman ang pinukol na sulyap sa kaibigan n'ya. "POSSESSIVE." wika ni Gonzalvo na halos gumalaw pa ang mga balikat sa pagtawa. "Very--" "I'm not joking, Gonzalvo." "Wow surname ko talaga," James laughed even more. "Now you know how I feel before--" "Wala akong pake sa feelings mo--" "WAYNE..," mahinang tawag ko sa kanya sabay hawak sa kamay niyang nakapatong sa hita ko sa ilalim ng mesa. "Nasa public place tayo." Nakita ko pang gumalaw ang kanyang panga ng humarap s'ya sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. Dahan-dahan naman humupa ang pagdidilim ng kanyang mukha. "I will tell the owner of this Restaurant to fire him. And you..." then he stared his friend murderously. Lalong lumakas lang ang halakhak nito. May ilan pang mga customer ang nakita kong napapalingon pa sa mesa namin. "Ipapa-ban kita--" "Wayne..." niyugyog ko na ng dalawang kamay ko ang kanyang kamay. Marahan na minasahe iyon baka sakaling mabawasan ang galit n'ya. "Hayaan mo na 'yon. 'Wag mo na lang pansinin. Kawawa naman kung sakaling may pamilya 'yong tao at mawalan ng trabaho." Tinitigan n'ya ako. Hinawakan ko ang nakakunot n'yang mga noo at magkasalubong na mga kilay. I smiled at him. Natuwa ako ng lumambot na ang mukha n'ya. Nawala ang pagkakakunot ng noo at pagkakasalubong ng mga kilay. Bumaba ang tingin n'ya sa mga kamay namin. Malalim s'yang bumuntong-hininga. Pinatong n'ya ang isa pang kamay sa magkahugpong naming mga kamay. Marahan n'ya itong hinaplos. Kahit medyo may pagkagaspang ang kanyang kamay ramdam ko pa rin ang tenderness at init sa bawat pagmasahe n'ya sa mga kamay ko. The feeling is foreign and it feels good--! "Lalamgamin tayo n'yan sa sobrang tamis n'yong dalawa." boses ni Gonzalvo. "Ini-itsapuwera n'yo na ako. Ayokong maging thirdwheel dito--pambihira. Iniinggit n'yo pa ako. Baka pwede na akong umuwi? Kabuwanan pa naman na ni Rash. Nag-aalala ako sa kanya." I saw my husband evil smirked when he look at him. "Mas maganda pa--" "Teka..." sabad ko. "--did I heard you saying kabuwanan? You must be have a wife?" "Yes, a very pregnant beautiful wife in the universe." saka tinuro si Wayne. "Alam mo bang madaling araw binulabog ako niyang asawa mo para lang papuntahin dun sa bahay ng Uncle niya." "So, I was right then, iniinis mo ang asawa ko pati ako, tama?" Gonzalvo laughed again. "Your husband told me before na hindi pa daw pinapanganak yung babaeng magpapabaliw sa kanya just like how much possessive I am to my wife. Tapos sa isang iglap bigla nagpakasal RUSH pa!" "Pwede ba Gonzalvo..." sabad ni Wayne. "Wala akong sinabing ganyan tsaka tapos na yung mission mo. Pwede ka ng umalis--" Kaagad kong hinatak ang kanyang kamay. Nagtatakang napabaling siya sa akin. Pinanliitan ko s'ya ng mga mata saka binalingan ang kaibigan n'ya. "Kumain ka na muna James bago umuwi." saka tinuro ang paparating na waiter. "Ayan naman na 'yong pagkain." "Buti pa 'tong asawa mo very HOSPITABLE. Samantalang ikaw na naturingan pang Bestfriend ko--" "Sa hospital ang bagsak mo 'pag 'di ka pa tumigil." James laughed again. Tahimik na nilapag ng waiter ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa namin. Nanlalaki pa ang mga mata ko sa gulat ng makatatlong balik ang waiter para ihatid ang inorder na pagkain ni Wayne. "Ba't sobrang dami naman? Maubos niyo ba 'yan lahat?" "Good enough to recharge. Right, bro?" "Oh yeah, lets eat!" They started munching their food pero hindi pa rin ako gumagalaw. Bigla akong tinubuan ng hiya. Biglang inusod ni Wayne and upuan n'ya. Dumikit sa akin. As in dikit na dikit. Inakbayan n'ya pa ang likod ng upuan ko. Kaagad ko s'yang nilingon. "Tsk. Very territorial." narinig ko pang sabi ni James na may kasamang mahinang tawa. "So possessive and very territorial--naks!" "Mind your own plate, Gonzalvo," saka nilagyan ng pagkain ang plato ko. Mabilis kong pinigilan ang kamay n'ya ng makita kong halos punuin n'ya na iyon. Nagtataka namang tiningnan n'ya ako. "Hindi ko kayang ubusin 'yan--pambihira ka. Anong akala mo sa'kin dragon kumain? Kukuha na lang ako kung gusto ko pa." "Akala ko kasi nahiya ka pang kumuha kaya nagvolunteer na ako. Nagrarambulan na ang tiyan mo pero nagde-dreaming ka pa yata habang nakatitig sa pagkain. Hindi yan sila magkukusang papasok d'yan sa tiyan mo. Tsaka kailangan mong kumain ng marami para may energy ka mamaya sa honeymoon natin--awww!" Napaigtad pa s'ya at kaagad inalis ang braso sa likod ng upuan ko. Hinimas ang parte na kinurot ko. Malakas na napahalakhak naman ang kaibigan n'ya. "Why did you pinch me?" "Ang daldal mo. At anong honeymoon ba ang sinasabi mo d'yan? May energy ka pang nalalaman. Energy-hin mo yang mukha mo!" Nilingon ko ang kaibigan n'yang 'di na tumigil kakatawa. Sinamaan ko ito ng tingin. Tinaas naman nito kaagad ang dalawang kamay. "SORRY," sabay subo ng pagkain. "E diba kakakasal lang natin?" Sinamaan ko s'ya ng tingin pero bumanat pa din. "So, malamang mamaya may honeymoon--aw!" Kinurot ko ulit siya pero nagaTwinkle pa ang mga matang nakatitig sa'kin. "Kumain ka na nga!" Nginisian n'ya pa ako sabay kindat. "Later will do that to you, babe." "What?" "Will show you later." I rolled my eyes. Sabay pang nagtawanan muli ang dalawa. Napailing na lang ako at saka nagsimula ng kumain. Hindi ko na sila pinansin. Bahala sila. Nagugutom na ako. Biglang may dumaang anghel sa mesa namin ng magsimulang kumain na din ang mga ito. Maya-maya narinig kong nagkwentuhan ang dalawa habang kumakain. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila. Pawang tungkol sa mga negosyo. Napapaisip ako kung mga negosyante ba sila or ano? Narinig ko ring kinumusta ni Wayne ang babaeng nangangalang Rashmin, James wife. Pati tungkol sa imbestigasyon. Nasa pagkain ang buong atensyon ko pero ang tainga ko nakatutok sa kanila at ramdam kong pasulyap-sulyap silang dalawa sa'kin. Kung bakit IWAN. Pagkatapos naming kumain kaagad nagpaalam sa'min si James na uuwi na. "Alagaan mo 'yang asawa mo, Sam. At 'wag kang papaapi d'yan. Kapag nambabae isumbong mo kaagad sa akin." biro pa nito sabay pasok sa kanyang kotse. "Ingat kayong dalawa sa pag-uwi. Best wishes ulit." pahabol pa nito saka pinasibad na ang sasakyan. "Will take you to my Condo Unit." Huling sinabi niya habang lulan ng kotse. Nawalan na siyang kibo ng mapagsolo na kaming dalawa. Hindi na ako kinausap pa. Nakatutok lang ang kanyang mga mata sa unahan. Tahimik lang na nagmamaneho. "Bakit nag-abala ka pang pakasalan ako?" basag ko sa katahimikan. "Wala naman tayong relasyon at isang pagkakamali 'yong nangyari sa ating dalawa--" "I don't want to argue about it anymore," sabad niya. "We're married. I'm your husband and you're my wife now. End of discussion." Malalim akong napabuntong-hininga. Inangat ko ang kamay na sinuutan niya ng singsing. Matagal iyon tinitigan saka tinalikuran siya. Sinandig ko ang ulo sa upuan at pumikit. Maya-maya naramdaman ko ang pagdantay ng kamay niya sa aking pisngi. Marahan iyon hinaplos. "You will get used to it, Sam."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD