Unexpected Marriage 10

3700 Words
SAMANTHA FAYE RAMOS WANTED: WAITRESS (stay-in) Matagal akong napatitig sa paunawa na nakadikit sa poste ng isang Sports Club and Restaurant na hinintuan ko. Open yung restaurant. Meron pang bilyaran sa gitna ng kainan. Hindi ito kasing-laki ng mga sikat at pangunahing club sa Manila pero maganda itong tingnan sa labas at mukhang class. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Ilang ulit binasa ang nakasulat saka lakas loob na nilapitan ang dalawang maskuladong guwardiyang nakatayo sa labas. "Excuse me po mga Sir. Hiring pa po ba kayo ng Waitress?" nakangiti kong tanong sa kanila. "Bakit Miss? Mag-aapply ka ba?" "Opo sana." "Bakit mukhang hindi ka yata sigurado Miss?" nakatawang sabad naman nung isang katabi nitong guwardiya. "Ah--ano...wala po kasi akong dala na kahit anong requirements mga Sir e. Nakita ko lang yung--" "Naku... 'wag mo ng problemahin yan." sabad nung una kong nilapitan sabay turo sa loob ng Restaurant. "Nakikita mo ba ang pulang pintuan na yun sa gilid? Pumasok ka sa loob nun. Hanapin mo lang si Madam Baby." "Sure po kayo hindi na kailangan ng requirements?" "Hindi na. Si Madam Baby na bahala sayo para diyan. Manager yun." Nilapitan ko ang pulang pinto. Huminga muna akong malalim bago ako kumatok ng tatlong beses saka pinihit ang seradura. Sumilip ako sa loob. Nagulat pa ako na maraming pares ng matang kaagad nakatutok sa akin. "Yes..?" maarteng tanong nung bakla na nakaupo malapit sa pintuan. "H-hi..." alanganin akong ngumiti. "N-nandiyan po ba si Madam Baby?" "Pasok ka girl." Niluwagan ko ang bukas ng pinto saka pumasok. Kaagad nila akong pinasadahan mula ulo hanggang paa. Naasiwa ako bigla. Pinagpawisan ng malapot. "Madam Baby!" sigaw ng bakla habang paulit-ulit akong pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "May girlalu ditong naghahanap sayo!" "Sino daw?" balik tanong na sigaw ng babae. "'Di ko knows! Bagong mukha." nakangiting sigaw muli nito sabay tayo at nilapitan ako. "Maganda, Madam! Fresh na fresh!" "Papasukin mo! Dalhin mo dito!" "Halika beauty." sabi nito sabay hatak sa kamay ko. Nagpatianod naman ako. Sumunod sa kanya. "Mag-aaply ka bang waitress dito baby girl?" tanong ni bakla. "Opo sana." "Ano ba--yan bhe!" mahinang hinampas ako nito ng malantik na mga daliri sa braso. "'Wag mo akong pinu-po at opo ha. Parang lola naman aketch." "Pasensya na po." "Ay..! 'Yan na naman!" napapadyak pang reklamo nito. "Kaloka ka gurl! Masasabunutan talaga kita d'yan sa pa-poh-poh mo na yaaarn!" Natawa ako bigla. Inirapan naman ako nito saka bigla hinaplos-haplos ang buhok ko. "Ang ganda naman ng hair mo. Natural ba 'to?" "Ah.. Oo." Napaatras ako ng biglang ilapit nito ang mukha sa akin. Tinitigan ang mga mata ko. "Pati yang mahahabang pilik-mata mo, natural din ba 'yan?" Alanganin akong tumango sa kanya. Nagulat pa ako ng bigla pa itong tumili. "Naku gurl! Sa'kin ka magpapa-ayos mamaya ah. Mura lang ako maningil." Bigla akong natawa ulit sa sinabi nito. "'Wag mo akong tawanan d'yan at seryoso ako baby girl." "Para ka kasing excited sirain ang mukha ko e." "Naku--pagagandahin kita kamo lalo! Wait lang..." sabay talikod. Binuksan nito ang pinto ng isang kwarto sa sulok. Malaki at subrang lamig sa loob. Kahit sa labas ramdam ko ang lamig. Sumilip ako. Napakaraming iba't ibang uri ng bote ng alak. "Madam bay--bee. Ito na s'ya." nilingon ako nito saka gumilid para makita ako. "Ta-da..! Si Beauty..." maarte pang sabi nito habang nakatikwas ang maliit na daliring nakalahad ang palad at itinaas ang baba ko. Napatitig ako sa kanya. "And the Beast!" sabi pa nito at itinaas din ang baba ng tinawag nitong Madam Baby. "T'ngna kang bakla ka!" nakatawang sigaw nito habang pinagpapalo ito ng notebook na hawak. "Lumayas ka nga rito!" Tumatawa namang nagtitili si bakla. Mabilis na kumaripas ng takbo palayo sa'min habang pakendeng-kendeng pa't nilalabas pasok ang dila sa bibig nito. Animo'y inaasar pa nito ang babaeng tinawag nitong Madam Baby. Napatakip ako ng kamay sa bibig. Tahimik na tumawa. Pagbaling ni Madam Baby sa akin kaagad ko naman sinabi ang sadya. Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa. Matamis pa akong nginitian. "Pwede ka ng magsimula mamayang gabi." sabi sa akin habang nakatitig pa rin sa mukha ko. "Pero bago yon ipapakilala muna kita sa mga magiging kasama mo. Sa itaas lang naman ang stay-in. Pati yung dressing room nandoon na din sa kabilang room." "Naku--maraming salamat po, Madam Baby." "Wala yun. Hindi ka magsisisi sa ginawa mong pagpasok dito. Malaki ang kinikita ng mga waitress dito. Mayayaman at malalakas kasing mag-tip ang mga customers dito basta magbait lang kayo." sabi n'ya sa akin sabay hatak sa kamay ko. Dinala ako sa second floor. Ang daldal. Parang 'di na humihinga kakasalita. "Floor Manager ako dito. Asawa ko din yung part-owner nitong Sports Club and Restaurant." Pagdating namin sa second floor pumasok kami sa isang malaking kwarto. Nagulat pa ako sa daming babaeng nandun sa loob. 'Yong iba mga naka bra lang. Ang iikli pa ng shorts na suot. May labas ang tiyan at pusod. Lahat nakatutok kaagad ang mga mata sa akin. Pinag-titinginan nila ako mula ulo hanggang paa. "Oh--may bago kayong kasama. Si Sam." sabay alis. Nasundan ko na lamang ito ng tingin. Hindi ko tuloy alam kung ano na ang susunod kong gagawin. Hindi pa naman nito tinuro sa akin kung saan ang pwesto ng tutulugan ko. "Taga-saan ka girl?" napalingon ako ng may magtanong sa akin. Nakaupo ito sa harap ng salamin habang nag-aahit ng kilay. "Taga probinsya." alangan kong sagot dito. "Saang probinsya?" tanong naman nung isa. "San Vicente." "Malapit ka ba sa Isla?" sigunda naman nung isa pa. "Oo." "Ah malayo sa kabihasnan. Jologs! Nakow girl kailangan mong matuto maging wise dito sa trabaho natin." "Bakit naman kailangan kong maging wais? Sabi ni Madam Baby mayayaman at malalakas mang-tip ng mga customer dito. Bakit kailangan pang maging wise?" "Para mas lalong kumita ka pa ng mas malaki. Ganun kasimple." "Ha? Paano ba maging wise?" "Ay Nakow talaga! Jologs na Jologs pa nga ang isang ito. Ang dami pang hindi alam. Kailangan mong matutunan yun girl dahil kung hindi baka malugi ka at malaspag lang yang katawan mo dito." "Janeth!" sita naman nung isa. "Grabi yang bunganga mo!" Napatingin ako dito ng lumapit ito sa akin. "Bakit totoo naman talaga ah? Kung aanga-anga ka dito mag nga-nga ka." wika nung Janeth. "Kaya dapat mautak ka ng makawala ka sa impyernong trabaho na to!" Nilingon ko si Janeth. "Bakit naman ako malalaspag at malulugi kung malaki naman yung tip na makukuha ko plus malaki naman yung sahod sabi ni Madam Baby?" "Nakow! Naniwala ka naman sa gurang na yun. Binibilog lang nun ang ulo mo. Maliit lang yung sahod. Lalaki lang yung sahod mo kung maganda ang performance mo." "E 'di gagalingan ko na lang yung trabaho ko para lumaki ang sahod ko." "Basta dapat maging wise ka. Ang ganda mo pa naman. Bata ka pa at sexy. Naku girl pag-aagawan ka nito mamaya." Bigla akong natawa sa sinabi nito. Kaagad din akong tumigil ng pagtaasan ako nito ng kilay. "Seryoso ako sa sinasabi ko." wika nito sabay turo sa isang kwarto. "Ang mabuti pa magsukat ka na ng uniporme mo doon. Maghanap ka na ng kasukat mong damit at heels mo para mamayang gabi hindi ka na maabala pa." "Tara samahan kita." hatak sa'kin nung babaeng lumapit sa dressing room. Nagulat pa ako ng makita kong puro seksing damit ang mga naroroon. Nagtatakang mga matang nilingon ko ang kasama ko. Nginitian n'ya ako. "Ano nga pala ulit ang pangalan mo?" "Samantha." "Ang gandang pangalan. Sing ganda mo. Ako naman si Laica." "I like your name too. It suit your angelic face." "Wow--englishpokening." sabay kaming natawa. Naglakad ako palapit sa mga nakahanger na damit. "Alin nga pala dito ang uniporme natin?" "Iyang lahat na yan. 'Yang mga maiiksing damit na yan na luwa ang dibdib at likod." "What...?" bulalas ko. "Ito ang isusuot natin mamayang gabi?" "Bakit parang gulat na gulat ka yata? Hindi mo ba alam na ganyan yung isusuot?" "Hindi. Akala ko puti. 'Yung parang nurse na nakapalda." "Naku girl pang lola. Hindi na uso yun. Noong kapanahunan pa yun ng mga lola natin." I gulped. "Parang... hindi ko yata kayang sumuot ng ganito Laica." sabi ko sa kanya habang sinisipat-sipat ang mga damit. "Pambihira. Waitress tapos ganito ang damit?" "Anong parang hindi mo kaya? Dito ka pumasok, so, kailangan kayanin mo." "Bakit ba kasi ganito naman kaiksi ng mga 'to? Masyadong revealing." "Ganyan na talaga ang uso ngayon. Palakasan at patibayan ng sikmura ang labanan dito, Sam. Kung gusto mong magkaroon ng instant money." "Parang hindi ko talaga kaya." "Dapat kayanin mo. Baka akala mo makakatakas ka pa rito? Hindi na ano. Magbabayad ka munang malaki bago ka makakaalis." "Ano? Bakit hindi? At bakit naman magbabayad akong malaking halaga kung gusto kung umalis?" "Gusto mong ipabugbog ka ni Madam Baby? Mag-ipon ka muna ng malaking pera kung gusto mo talagang umalis dito." I frozed. Kinilabutan ako sa sinabi nito. "Tinatakot mo ba ako, Laica?" "Hindi kita tinatakot. Seryoso ako sa sinasabi ko." "Kung sakaling magbayad ako para makaalis dito magkano naman ang babayaran?" "Five hundred thousand." Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. "T'ngna. Ganun kalaki? Nagbibiro ka ba?" "Mukha ba akong nagbibiro?" Tinitigan ko ito sa kanyang mga mata sabay hilot sa aking sentido ng makita kong seryoso nga ito. Nanghihinang napaupo ako sa mahabang upuan na nasa harapan ng malaking salamin sabay hugot sa bulsa ng cellphone ng mag-vibrate iyon. ATE LEA CALLING... "Itago mo 'yang CP mo." bigla akong napaangat ng tingin kay Laica. "Bawal 'yan dito. Kapag nalaman ni Madam Baby na meron ka niya kukunin yan sayo." "Seryoso?" Tumango ito. Muli kong tinitigan ang screen. "Kausapin ko lang muna 'to saglit." Tumalikod ito. Humakbang papunta sa pinto saka ni-lock iyon. I pressed the answer button right away. "Goodness--Samantha ka! Bakit ngayon ka lang sumagot!? Nasaan ka ba? Kumusta ka? Ok ka lang ba? Bakit ba kasi naisipan mo pang maglayas!? Talagang babae ka!" Kaagad kong nailayo sa tainga ang cellphone sa lakas ng boses at sunod-sunod na salita ni Ate Lea sa kabilang linya. "Ang boses mo Ate, nabibingi ako." "Hindi lang bingi ang aabutin mo sa akin kung kaharap kita ngayon. Naku ka... Nag-aalala sayo ang mga magulang mo. Pati kami pinag-alala mo!" "I don't want to get married with Miguel that's why I runaway. And I don't believed that they really cared for me. Kung totoo 'yang sinasabi mong nag-aalala nga sila sa akin e 'di sana they wouldn't force me to marry a man I never like." "Look Sam, hindi masosolusyonan ang problema mo sa ginawa mong pagtakas. Mahahanap ka din naman nila. Mas mabuti pang umuwi ka na lang dito. Baka kung mapaano ka pa d'yan sa Manila. Nasaan ka ba ngayon?" "Mas mabuti na sigurong 'di mo alam kung nasaan ako. Siguradong sasabihin mo din sa kanila ang kinaroroonan ko at nakapagpasya na ako Te. I'm not going back there." "Nawawala din ang Ate mo kaya sobrang nag-aalala ang mga magulang ninyo Sam! Kaya please lang, umuwi ka na." "Anong ibig mong sabihin na nawawala si Ate?" "Pumunta ng apartment ng Ate mo si Señorito JM para tingnan kung doon ka dumeritso pero wala siyang taong naabutan doon." "E nasa medical mission sa San Carlos si Ate Shienna kaya wala talaga s'yang aabutan doon na tao." "Wala sa San Carlos ang Ate mo at mas lalong walang medical mission! Pumunta sa Hospital na pinagtatrabahuhan ni Shienna si Señorito JM. Nakausap yung Chairman ng Hospital. Nagresign na ang Ate mo bago ka pa lumuwas ng Manila para magbakasyon. Nandun si Doc. Ramos. Pati mga sinasabi n'yang Nurse na kasama. Nag-imbento lang ang Ate mo at wala kaming idea kung nasaan siya ngayon." "Ano? Totoo ba yan? Bakit naman magsisinungaling si Ate? Pinagluluko mo ba ako para umuwi--" "Kailan ba ako nagsinungaling? Tsaka nakausap din ni Señorito JM yung kapit-bahay ni Shienna na nag-aalaga ng anak--" "Teka... A-anong anak? Kanino? Kay Ate? Kailan pa s'ya nagkaanak? Sinong ama? Wala namang boyfriend si Ate. Tsaka wala naman akong nakitang bata ng pumunta ako doon." "Hindi ko din alam. Basta 'yan ang kwento sa akin ni Itay ng tumawag ako kani-kanina lang para makibalita. Bigla pa nga daw nahimatay si Nay Cora ng marinig yung balita ni Señorito JM e. Pero ngayon nagkamalay na. Kaso hindi naman daw mapatahan sa pag-iyak. Nag-aalala sa inyong magkapatid. Ano bang nangyayari sa inyong dalawang at nagsisipaglayas kayo? Hindi na kayo naawa sa mga magulang niyo. Naku kayo talaga..." Hindi ako umimik sa sinabi n'ya. Ayaw kong maniwala. Baka pinagluluko lang ako. Kinokonsensya. "Sam." untag nito sa akin sa kabilang linya. Ilang minuto pa ang lumipas na hindi ako nakapagsalita. Ang bigat ng dibdib ko. Ang gulo pa ng utak ko. Dumagdag pa ang nag-iingay kong tiyan. "Maiintindihan din naman nila ako kung bakit ko nagawa 'to, Ate Lea. Malamang may dahilan din si Ate kaya nagawa niyang magsinungaling." "Kinakampihan mo pa ngayon ang Ate mo. Pati sa akin nagtatago na din kayo ng lihim. Nakakapagtampo naman kayong dalawa." wika nitong gumagaralgal na ang boses. Sunod-sunod na hikbi ang narinig ko mula sa kabilang linya. Nahawa ako sa kanya. Napahikbi na rin ako. Nag-iyakan kaming dalawa. Hindi ko napansin ang paglapit saakin ni Laica. Marahan nitong pinisil-pisil ang mga balikat ko. Mabilis kong pinalis ang mga luha. Kaagad hinamig ang sarili. Isang buntong- hininga pa ang pinakawalan ko bago ako muling nagsalita. "Kahit sa akin naglihim din s'ya. Wala akong alam sa kwentong sinasabi mo tungkol sa kanya. Siguro may dahilan siya kaya naglihim sa atin. Antayin na lang natin ang pagbalik niya. Siguradong sasabihin niya naman yun kung bakit. Baka naguguluhan lang yun sa ngayon at gustong mapag-isa. Para makapag-isip kaya umalis. Ako naman, kaya ako tumakas dahil ayokong matuloy ang arranged marriage namin ni--" "Arranged marriage!?" bulalas nito sa kabilang linya. "Bakit iba ang kwento sa akin ni Itay!?" "Tatakas ba ako kung gusto kong pakasalan si Miguel?" "Anak ng tokwa..! E saan ka pupunta niyan? Nasaan ka na ba ngayon at kakausapin ko yung kaibigan nitong si Jonard. Ipapasundo kita. May sariling Resort yun. Doon ka na lang muna pansamantala tumira habang pinapalamig pa natin ang sitwasyon ngayon. Pupuntahan kita doon." "'Wag na Te. Salamat na lang. Kaya ko na ang sarili ko. Ayaw kong madamay ka pa dito sa gulong ginawa ko." "Pero Sam--" "Ok lang ako, promise. Tsaka may trabaho na ako--" "Ha? Agad-agad? Pa'no nangyari yung nagkatrabaho ka agad e--" "Basta OK ako. Ibababa ko na 'to ah. Balitaan mo na lang ako kung ano nangyayari sa bahay. Pakisabi na lang din kina Itay na... nasa mabuti akong kalagayan. At.... s-sorry.... sorry sa nagawa ko at pinag-alala ko sila." sabay pindot ng end call button ng biglang gumaralgal ang boses ko sa huling sinabi. KINAGABIHAN wala na akong nagawa pa kundi ang magsuot ng damit na iyon kahit labag sa kalooban ko. Kulay pula na halos lumuwa na ang dibdib ko. Litaw pa ang likod. Pati ang kalahati ng aking mga hita nakalitaw. "Anong klaseng uniform ba 'to? Kita na ang kaluluwa. Naghubad na lang sana--" "Ba't ang tagal niyong bumaba? Ang dami ng costumer doon--t'ngna--hoy! IKAW! Bakit hindi ka pa nag-aayos ng mukha mo!?" bulyaw sa akin ni Madam Baby ng akyatin kami nito sa dressing room at pabalyang binuksan ang pinto. "Hindi ka pwedeng lumabas na ganyan ang itsura mo. Kailangan naka-make up ka!" Naistatwa ako sa lakas at galit na boses nito. Matalim akong tiningnan mula ulo hanggang paa habang nakapamaywang pa. "Ayan na naman si Madam Auring," nakatawang bulong ng mga babae. "Pababa na po, Madam Baby." sabay labas ng ibang mga babae. "Ikaw! Ano pang tinatanga-tanga mo diyan?! Bilisan mo na ang pag-aayos!" "E... Wala po akong dalang kahit ano, Madam Baby. Wala akong gamit na pang-make up." "Naku--Nyemas! Ayusan ninyo ang babaing iyan at baka mangunsumi lang ako diyan! Huwag ninyong painitin ang ulo ko! Bilisan ninyo diyan! Dagsa na ang customer sa ibaba!" galit itong lumabas ng dressing room. "Yes Madam!" sabay-sabay pang sagot ng mga babae. Nag-angat ako ng tingin. I startled ng masamang tingin nila ang sumalubong sa akin. "Bakit kayo nagagalit sa akin? Alam niyo naman lahat na wala akong dala na kahit ano--" "Bilisan mo na diyan mag-ayos!" sigaw pa nung isa sa akin habang nagmamadali na nitong inayos ang damit na suot. "Pag bumalik yun si Madam at makita kang 'di pa nakakapag-ayos naku! Iwan ko na lang!" Napangiwi ako sa ginawa nito sa suot na damit. Luwa na nga ang dibdib at likod, binaba pa talaga ng todo ang harapan ng damit. Tinaas ang laylayan. Nakikita ko na ang pulang underwear na suot nito. "Oo nga! Dinadamay mo pa kami sa katangahan mo!" sigaw pa nung isa sa akin habang mabilisan na naglalagay ng make up sa mukha. Para na itong sinampal ng ilang beses sa subrang pula at kapal ng blush on na pinapahid nito sa magkabilaang pisngi. "Heee! Magsitigil nga kayo! Mga bully din mga 'to. Gagaya pa kayo sa Madam ninyong gurang na parang may regla lagi?" saway dito nung baklang nakausap ko kanina. Nakangiti itong lumapit sa akin. "Ako ng mag-aayos sayo Ganda." "Naku wala akong pambayad sayo." "Ikaw naman Ganda. Mura lang naman ang singil ko. Bayaran mo na lang ako bukas. Tiyak makakarami ka naman ng datung n'yan ngayon." "Naku bakla! Umaariba ka na naman!" "Aw syempre! Pera na 'to pakakawalan ko pa ba? Diba ganda?" "Ayusan mo na 'yan agad bakla! Aanga-anga. Mag-aapply ng trabaho walang gamit. Nasaan kaya ang utak niyan?" "Problema mo sa akin?" Sinalubong ko ang masamang titig nito. Nakipagsukatan ako. Maya-maya ito din naman ang unang nagbaba ng tingin. Paismid pa akong inirapan. Hindi ko ito nilubayan ng tingin. "Ang sasama ng mga ugali. Maka-tanga sa akin akala mo kung sino." "Halika at ako na lang ang mag-aayos sa mukha mo." sabay hila sa'kin ni Laica palabas ng dressing room. "Teka Laica--" "Bukas ka na lang bakla!" Pum'westo kami sa labas. Sa isang sulok na mayroong malaking salamin na nakadikit sa digding malapit sa hagdanan. Malaki naman ang espasyo. May ceiling fan pa sa kisame. "Huwag kang magpa-make-up sa baklang yun. Isa din yung budol. Dalawa yung make-up kit ko. 'Di ko pa nagagamit yung isa. Yun na lang gagamitin ko sayo. Mukha kasing mamahalin ang kutis mo. MagkaPimples ka pa sayang. Bigay ko na lang itong isa sayo." "Salamat--" "Naku, wala 'yon. Tiyak na marami ang magkakagulo nito sayo. Bukod sa bago ka lang rito.... maganda ka pa at sexy. Maraming maglalaway nito sayo." sabi n'ya sa akin at kaagad akong pinaupo sa upuan paharap sa salamin. Tila excited pang sinimulan na akong lagyan ng make-up nito. Kay gaan ng kamay. Parang hindi sumasayad sa balat ng pisngi ko ang brush na gamit nito. "Kinakabahan ako Laica. Natatakot ako na baka salbahe ang mga lalaking customers rito lalo't ganito pang klase ang uniporme natin." "Hindi naman ganun kalala. 'Di sila ganun ka salbahe. Actually... nananatsing lang naman sila. Ganun." Hindi na ako umimik pa. "Ayan... Tapos na!" pinasadahan ako nitong tingin. "Ang ganda-ganda mo, Sam! Tara na sa baba." sabay hatak sa braso ko. "Teka--" natatarantang hinatak ko ito pabalik. "Teka lang." "Bakit?" "Parang ayaw kong bumaba. Natatakot talaga ako." "Malilintikan tayo nitong dalawa kay Madam Baby 'pag hindi tayo--" "Laica! Samantha!" nanlalaki ang mga matang nagkatinginan kaming dalawa ng umalingawngaw ang malakas na boses ni Madam Baby sa ibaba lang ng hagdanan malapit sa kinaroroonan namin. "Ano ng ginagawa ninyong dalawa diyan sa itaas at ang tagal ninyong bumaba dito!?" "Madam," dumungaw ng hagdan si Laica. "Pababa na po kami. Nahirapan lang 'tong si Sam pumili ng susuutin na heels. Wala masyadong kumasya sa paa n'ya e." "Sige! Kunting bilis lang at dagsa na ang customer sa baba!" "Tara na Sam." muling hatak nito sa akin pero kaagad akong kumapit sa barandilya ng hagdanan. Pinanlakihan ako nito ng mga mata. "Talagang malilintikan na tayo nito pag muling bumalik pa yun." Muli ako nitong hinatak. Nagpatianod na lang ako. Panay ang buntong-hininga ko habang naglalakad kaming dalawa pababa ng hagdanan. Hanggang sa hallway papasok sa area ng club. Habang palapit kami ng palapit, palakas naman ng palakas ang maharot na tugtog ang naririnig ko. Palakas ng palakas din ang kalabog ng dibdib ko. Halos manginig na ang mga tuhod ko sa subrang nerbiyos. Gusto kong tanggalin ang takong na suot ko. Pati 'yong damit ko taas baba ang hatak ko. "Umayos ka nga." "Kainis kasi ang ikli--susmaryosep!" "Oh bakit?" Nanlalaki ang mga matang tinuro ko ang dalawang taong naghahalikan sa gilid. Medyo may kadiliman doon lalo't mapusyaw ang pulang ilaw. Tinawanan ako nito. "Feeling siguro ng mga 'to nasa motel sila." Tinapik ako nito sa balikat sabay lapit ng bibig sa tainga ko. "Ganyan yan ka-wild. Huwag mo ng pansinin nang wala kang makaaway dito." Halos matumba ako sa sobrang gulat ng makita ko ang loob ng tatrabahuhan ko. Literal na mapusyaw talaga ang ilaw. Madilim sa gilid sa mga upuan ng mga costumer. May stage sa harapan ng mga ito. Nakatayo ang mga kasamahan kong babae. Animo'y mga panindang may maliwanag na ilaw. Puro salamin ang pader. Iginala ko ang aking paningin sa loob. Ang dami ngang costumer. Puro lalaki. Halo-halo. Matanda. Binata. May mga lahi 'yong iba. "Anong klasing lugar ba 'to?" bulalas ko. "Restaurant ba 'to? Asan ang pagkain? Wala namang nagkakainan?" Lalo itong natawa sa sinabi ko. "Laica..." naiiyak ng yugyog ko sa braso nito. "Bakit?" Inginuso ko ang paligid. "Sobrang daming tao at live na naglalampungan pa ang iba. Tayo ba ang pagkain nila?" Muli nitong nilapit ang bibig sa tainga ko. Bigla akong napanganga. Malakas na napasinghap sa sinabi nito. "A-Ano kamo?" "You heard me." "Tangna-- HOSTESS?! Hindi WAITRESS?!" Nag-aalalang hinawakan nito ang mga kamay ko. Marahan na pinisil. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi sa lamig kundi sa sobrang nerbiyos. "Ganun dito--" "Tangna--magsisilbi tayo sa mga kalalakihan. Tapos e-te-table tayo. Magkakaroon tayong commission sa mga bawat ladies drinks na bibilhin ng customer. Maliban doon may karagdagang bayad pang makukuha kung magpapa-take-home sa mga--putangina, LAICA--TAKE HOME--LAICA... ano yun? Ma-bi-virgin-an ako dito ng wala sa oras. Makita ko pa nga lang ang mga ginagawa ng mga kasamahan natin para na akong naiihi sa takot, TAKE HOME pa kaya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD