SAMANTHA FAYE RAMOS
"Thank you po."
Bitbit ang maintenance na gamot ni Inay lumabas ako ng botika para lang matigilan sa nabungaran kong matangkad na lalaking nakasandal sa poste. Nakatingin sa akin. TEKA? Nakakunot-noong bigla ako napahawak sa dibdib sabay linga sa paligid pati sa likuran ko. Pero...
"Bakit nakatingin pa rin siya sa akin?" anas ko sa sarili.
Animo'y inaabangan talaga ang paglabas ko. I stared back at him. Napalunok ako ng wala sa oras ng makilala ko ang kanyang mukha. Isa iyon sa tatlong lalaking lagi kong nakikitang umaali-aligid sa Hacienda, sa bahay namin at sa eskwelahan!
Sumasal ang tìbok ng puso ko. Muli akong napalunok. Biglang napaatras ng umahon ang lalaki mula sa pagkakasandal sa poste sabay tapon ng hawak nitong tootpick na nginangatngat. Nakangising humakbang papunta sa akin. Nahigit ko ang aking hininga sabay karipas ng takbo. Natriple ang kalabog ng dibdib ko sa sobrang takot ng habulin din ako nito.
"OH MY GOD ANONG KAILANGAN NIYA SA AKIN E MAS POBRE PA KAMI SA DAGA. WALA KAMING PERA!"
Ang bilis ng takbo ko. Kung saan-saan ako sumuot para lang makalayo sa lalaki na yun.
Hanggang sa makarating ako sa San Vicente Mall. Humahangos na pumasok ako sa loob. Natigilan pa ang guard ng makita ang itsura ko.
"OK ka lang ba, Miss?"
I parted my lips to gasp some air then...
"Sa---Saan po ba yung washroom?"
He was taken a back for a sec. Nilingon ang dinaanan ko saka muli akong binalingan. Then scan my face with his curious eyes.
"Are you sure nothing wrong with you?"
Natigilan ako sa galing um-English ni Kuya Guard pero sunod-sunod ako agad tumango.
Tinanaw nito ang kaliwang gawi saka tinuro iyon.
"That way, Miss."
"Thank you po Kuya Guard."
Kaagad akong tumalikod. Patakbo iyon tinungo. Binulsa ko ang gamot ni Inay saka nanginginig ang mga kamay na naghilamos ng mukha pagkapasok ko sa loob. Hanggang sa. . .
"Hoy--Sam!"
"PUTANGINA!" napatalon ako sa sobrang nerbyos.
"Nandito ka pala--"
"VERONICAAA!"
Natigilan ang dalawang kaibigan ko sa lakas ng boses ko.
"Anyare Teh?" nakangiwing magkapanabay pang tanong nina Veron at Aika.
"Ba't ba kayo nanggugulat?!"
Nagkatinginan ang dalawa saka pinasadahan ako ng tingin.
"Ba't ganyan ang itsura mo?"
"Daig pa sayong may humahabol na multo."
Hindi ko sila pinansin. Tinalikuran ko sila pero kaagad akong hinatak sa braso pabalik.
"Nu-bha! Problema niyo?!"
"Hala siya."
"Napano ka ba?"
"Wala!"
"Anong wala?" magkapanabay muli nilang sabi. "Namumutla ka oh,"
"Nanlalamig ka pa."
"Wala nga."
Kumuha akong tissue. Pinunasan ang mukha saka lumabas ng banyo.
"Ito---SAM!"
"Wala nga!"
Sumunod ang dalawa. Hinabol ako.
"Anong wala e namumutla ka pa kanina--"
"Kulit nito--wala nga!"
"Teka--nagtext sakin si Ysa." sabad na boses ni Aika.
"Ano sabi?" tanong ni Veron saka sinilip ang kinakalikot nitong phone. "Nasaan na daw sila?"
Huminto ako sa paghakbang, sumiksik sa pader saka sumilip doon. Iginala ang mga mata sa buong paligid. Nahigit ko ang aking hininga ng matanaw ko yung lalaking humahabol sa akin kanina pababa ng escalator. Nagmamadali habang may kausap sa cellphone. Sinundan ko iyon ng tingin.
"Nakita daw nila doon sa 4th floor yung fil-am famous Car Racer."
"Sino naman yun?"
"Yung kamukha daw ni Captain America--"
"Wait--SAM! Saan ka pupunta?!"
Narinig ko pang sabay na sigaw ng dalawa ng tumakbo ako. Maingat na sinundan yung lalaki. Malalaking hakbang na lumabas sa kabilang exit door.
Napakunot-noo ako ng makilala ko yung mukha ng maskuladong lalaki na sumalubong dito. Saglit na nag-usap ang dalawa habang nagpapalinga-linga sa paligid saka patakbong umalis. Hindi ko sila nilubayan ng tingin hanggang sa lumiko.
Patakbo kong sinundan ang mga iyon. Pagdating ko sa kanto sumilip muna ako, nang hindi ko sila makita muli akong tumakbo. Maingat na binaybay ang daan papunta sa unahan. Hanggang sa ihinto ako ng aking mga paa sa paradahan ng mga. . . Iginala ko ang paningin...
Its San Vicente Mall PARKING LOT.
Mabilis akong nagtago sa pader ng matanaw ko yung dalawang lalaki. Tila may hinahanap. Bawat kotse tinitingnan ang mga plate number. Hanggang sa...
"Nandito kami sa Parking Lot. Come here quickly! Help us to find his car before he came back." wika nung isa sa kausap sa cellphone saka binaba ang tawag. Sinuksok ang aparato sa bulsa at hinarap ang kasama. "Maghiwalay tayo para mabilis."
Maingat akong umalis sa pinagtataguan ko. Patakbong binaybay pabalik ang daan. Pagliko ko muntikan pa kaming magkabanggaan ng lalaking nagmamadali din. Minura pa ako. But I just ignored him. Not until I realised who could that be. Nilingon ko iyon. Sinundan ng tanaw. Sunod-sunod akong napalunok sa sobrang takot ng makilala ko ang bulto ng katawan niyon, saka muling kumaripas ng takbo.
Kung saan-saan ako sumuot. Umakyat pa ako sa footbridge. Pagtawid ko sa kabila saka ko lang naalala yung gamot ni Inay. Muli akong tumawid pabalik. Patakbong tinungo ang botika. Pagdating ko doon. . .
"OH MY GOD!" malakas kong kinaltukan ang sarili ng makapa ko ang laman ng aking bulsa. "Buset--buset talaga!"
"What's wrong, Sam?"
Napapitlag ako sa boses ng lalaki na nagsalita sa likuran ko. Pagbaling ko, salubong na mga kilay at nagtatanong na mga mata ng dating Beterinaryo sa Rancho ng mga Del Carpio ang sumalubong sa akin.
Tipid ko itong nginitian. "Kuya Axel--"
"May humahabol ba sayo?" sabad nito.
"Ha?"
"Nakita kita kanina sa labas ng Mall. Tumatakbo. Pati dun sa footbridge--"
"In short sinusundan mo rin ako?"
He frowned. "RIN? Meaning may humahabol nga sayo?"
Nagpalinga-linga ako sa paligid saka mabilis na hinatak ang kanyang braso palayo sa botika. Pagdating sa unahan hinarap ko ito saka mabilis na isinalaysay ang lahat sa kanya.
"Nasa Parking Lot kamo sila ngayon ng Mall?"
"Oo. May hinahanap yata sila--TEKA SANDALI!!" nagulat ako ng bigla na lang itong tumakbo paalis.
"Magkita na lang tayo sa paradahan ng jeep!" sigaw nito. "Sumabay ka na lang sa akin pauwi!"
Nasundan ko na lamang ito ng tanaw. Nanatili ako doon ng ilang minuto saka umalis. Dumaan ako sa Seven Eleven. Uminom ng malamig na tubig at kumain ng sandwich. Ilang minuto ako nanatili doon bago umalis at tinungo ang paradahan ng jeep.
Pagdating doon. . . Nagpalinga-linga ako sa paligid, hinanap ang jeep nito. Nang makita ko iyon kaagad kong nilapitan. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko sabay tili... Aaaaaaaaaah!! Nang bigla na lamang iyon umandar. Napaatras ako. Sunod-sunod na napaubo sabay takip ng kamay sa ilong at bibig habang yung isa naman winawagwag ko sa mukha dahil sa usok na buga ng tambutso ng paharurutin iyon bigla ng hinayupak na magnanakaw ng jeep na hinahabol na ngayon ni Kuya Axel.
"Siraulong lalaking yun--"
"Muntik ng makaladkad 'tong isa ng Jeep, abnormal na lalaking yun."
"Ogag talaga, lagot yun pag naabutan ni Axel."
"SAMANTHA, OK ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ng jeepney driver na kaibigan ni Itay. "Nasaktan ka ba?"
Pati yung iba nilapitan ako at tinanong kung OK lang ba ako habang yung iba naman nakatanaw sa humaharurot na papalayong jeep.
"OK lang po ako--"
"Teka--pauwi ka na ba?" sabad nito.
Kaagad naman akong tumango.
"Tara na sumakay ka na dun sa pinapasada kong jeep."
Tumalima ako agad. Nilapitan iyon saka naupo sa unahan, sa tabi ng driver seat. Saglit lang kaagad iyon bumyahe pabalik sa Hacienda. Pagdating sa Terminal kaagad ako bumaba matapos magpasalamat dito.
Naglalakad ako pabalik na ng bahay namin ng mapadaan ako sa karendiryang pinagtatrabahuhan ng Ate Shienna ko. Malayo pa lang dinig na dinig ko na ang pagbubunganga ni Aling Pricilla. Hindi ko alam kung sino na namang tauhan nito ang pinapahiya sa harap ng maraming taong nakapila sa labas.
Halos araw-araw iba't ibang mukha ng serbidora ang nakikita ko sa karendirya n'ya. Walang tauhan na tumatagal dito maliban kay Ate Shienna at Ate Lea dahil sa ubod ng sama ng ugali nito.
Nang malapit na ako sa pwesto ng kainan nakipagsiksikan ako sa mga taong nakapila para makiusyuso na din kung anong meron. At animo'y may pinapanood na palabas at nagkakandahaba ang mga leeg ng mga nakapila. Lunch break na kaya maraming taong nakapila sa karendirya nito.
“Ano pang tinatanga-tanga mo d'yan!? Ligpitin mo na yang mga pinagkainan at linisin ang mesa! Ang haba na ng pila o, napakakupad nito! Bilisan mo d'yan at lumipat na yung iba sa kabila!”
Maluha-luhang nakita kong tumalima agad si Ate at binilisan na ang pagliligpit ng mga pinagkainan.
Kaagad sumiklab ang galit sa dibdib ko ng makita ko ang binubungangaan ni Aling Pricilla sa harap ng maraming tao. Na'kwento sa akin ni Ate dati na palagi silang pinapagalitan ng amo nila kahit maraming tao. 'Di ko akalain na ganun kalala ang ginagawa nitong pamamahiya sa kanila.
Hindi na akong nagdalawang isip pa. Nakakuyom ang mga kamaong mabibilis na hakbang na sumugod ako papasok sa loob ng karendirya. Nagulat pa sa akin si Aling Pricilla sa biglang pagpasok ko na animo'y susugod ng g'yera. Pati na ang Ate ko nang bigla ko itong hatakin sa braso palabas ng karendirya. Gulat na gulat pa itong nabitawan ang ginagawa at napasunod sa malalaking hakbang ko palabas habang hatak-hatak ito ng mahigpit sa braso.
Ngunit kaagad ding nakabawi sa pagkagulat ang matanda at ako naman ang binungangaan nito.
“Hoy babae! Saan mo naman balak dalhin si Shienna!?”
“Uuwi na!”
Sigaw ko ditong nakatalikod habang hatak-hatak pa rin ang Ate ko na pilit nagpupumiglas sa mahigpit kong hawak sa braso niya.
“Hah! Uuwi na!? Sino kang kutong-lupa ka at basta na lang papasok dito at pauuwiin si Shienna!?”
“Kapatid nya! At ikaw sino ka ba at anong karapatan mo para ipahiya ang Ate ko dito sa harap ng maraming tao!?”
Balik sigaw ko ulit dito ng lingunin ko ito. Huminto ako sa gitna ng maraming tao sa labas. Masama kong tiningnan isa-isa ang mga itong nakatingin sa amin at nagbubulungan.
“Sam, tama na. Maraming tao, nakakahiya. Umuwi ka na. 'Wag kang gumawa ng gulo dito.” mahinang sabi ni Ate sa akin habang pilit na binabaklas ang kamay kong mahigpit pa din na nakahawak sa braso niya.
Hindi ko siya pinansin. Nakipagsagutan pa din ako kay Aling Pricilla. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi siya ipagtanggol.
“Sino ako!?” nakapamaywang pang turo ni Aling Pricilla sa sarili niya. “Ako lang naman ang may-ari ng karendiryang 'to at nagpapasahod diyan sa makupad mong kapatid!”
“So, pwerki ikaw ang may-ari at nagpapasahod sa Ate ko kung mamahiya ka ganun-ganun na lang!?Anong klasing amo ka!? Kaya walang tumatagal magtrabaho d'yan sayo dahil asal hayop ka!”
“Sam! Ano ba! Tama na!” pagalit na bulong ulit ni Ate sa akin. Habang pilit na hinahatak pa din niya ang braso sa mahigpit kong pagkakahawak. Pero di ko siya pinapakinggan at binibitawan.
Sumusubra na ang bibig ng matandang yun at hindi humuhupa ang galit ko dito, habang nakatingin sa nakasambakol na mukha nito kaya patuloy pa din akong nakikipag sagutan dito.
“Ikaw na patay-gutom ka, baka hindi mo ata kilala kung sino ang kinakalaban mo!”
“Kung patay-gutom ako, ikaw naman ay matandang hukluban! At kilalang kilala kita! Ikaw ang pakawala sa impyerno na naghahasik ng lagim dito sa lupa! Napaka salbahe mo! Walang kwentang amo!” balik sigaw ko dito sabay baling sa kapatid kong nagagalit na sa akin sa pakikipagsagutan ko sa amo nitong walang puso. “Tara na Ate.” hatak kong muli sa kanya.
“Aba't, hoy! Mga hampas lupa't walang galang sa matatanda! Huwag mo akong masagot-sagot d'yan at baka sisantihin ko pa yang Ate mo!”
Nanlilisik ang mga matang sigaw nito habang nakaturo pa ang isang daliri sa kaliwang kamay nito patungo sa gawi ko.
“Wow! Coming from your mouth pa talaga!? Hindi mo deserve ang pag galang na sinasabi mo! At hindi mo na kailangan pang sisantihin ang Ate ko dahil magre-resign na sya ngayon!”
Malalaking hakbang na nilisan ko ang lugar na iyon habang mahigpit na hatak-hatak ang Ate ko sa kanyang braso. Malayo na kami pero naririnig ko pa rin ang boses nitong hindi na matigil-tigil sa kakaputak.
Natatanaw ko na ang bahay namin ng malakas na binaklas ni Ate ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kanyang braso. Kaagad ko siyang nabitawan dahil sa gulat. Nakalimutan kong hatak-hatak ko pa pala siya. Hingal na hingal siya ng malingunan ko. Siguro dahil sa bilis kong paglakad. Kinabahan ako bigla sa galit na nakikita ko sa kanyang mukha. Napatingin ako sa brasong hinihimas-himas pa n'ya. Nasubrahan ata sa higpit ng pagkakahawak ko sa braso ni Ate't nakabakat pa ang mga daliri ko sa balat n'ya. Napangiwi ako sa nakita.
Napasapo ako sa noo, dahan-dahang tinalikuran, naglakad pauwi sa bahay ngunit kaagad din akong napahinto ng marinig ko ang galit niyang boses.
“Anong ginawa mo, Sam!?”
Nilingon ko s'ya. “Pinagtanggol ka. Ano ba sa tingin mo 'yung ginawa ko?”
“Alam mong kailangan ko 'yung trabaho dahil sa pangtuition ko! Bakit mo 'yun ginawa!?”
“Pero Ate sumusubra na siya! 'Wag mong sabihing babalik ka pa do'n!?”
“Sa tingin mo makakabalik pa ako doon dahil sa ginawa mo? Sam, naman e.” napapadyak pang sabi niya sa akin. Animo'y naghihinayang sa trabaho.
“Wala ka na bang ibang mapapasukan at naghihinayang ka pa sa walang kwentang pinapasukan mo na 'yun?”
“Samantha, ayaw ko ng palipat-lipat ng trabaho!”
“Kahit pinapahiya ka na't inaalispusta? Hindi na tao ang trato sayo ng matandang yun, Ate!”
“Kaya ko pa naman magtiis para makapagtapos ako! Ginagawa ko ito para sainyo nina Itay! Ni Nanay! Para sa'yo Sam! Para makapagtapos tayong dalawa! Para matulungan natin sila! Pero ngayon dahil sa ginawa mo parang malabo na.”
Gumaralgal bigla ang boses ni Ate sa huling sinabi niya. May luha pa akong nakitang tumakas sa kanyang mga mata na kaagad ding pinalis at mabilis akong iniwan.
Sinundan ko s'ya. Bigla akong tinubuan ng konsenya sa ginawa ko. Napapaisip tuloy ako kung tama ba yung ginawa kong panggugulo kanina. Pero bakit pakiramdam ko tama lang yung ginawa ko? Tama lang na pinagtanggol ko s'ya at lumayas na s'ya sa lugar na yun. Ang sa tingin ko lang naman na mali na ginawa ko ay yung pagsagot-sagot ko ng pabalang kay Aling Pricilla. Understandable na yun dahil galit ako kaya nakapagsalita ako ng ganun pero dapat sana pinigilan ko ang sarili ko. Dahil mali! Pagbalik-baliktarin ko man ang mali ay mali pa rin.
Napasabunot ako bigla sa aking buhok sa frustrations na aking biglang naramdaman sa padalos-dalos kong ginawa kanina. Shìt malilintikan talaga ako nito ni Itay!
Papasok na ng tarangkahan ng bahay si Ate ng pigilan ko ang kanyang braso. Kaagad niya akong nilingon na inis pa rin ang mukha sa akin.
“Pwede ka pa rin naman do'n bumalik sa loob ng Hacienda para magtrabaho ah?”
“Umalis na nga ako tapos ngayon babalik pa ako do'n? Kung hindi ka sana nakialam e di sana wala akong problema ngayon!”
“So ngayon, kasalanan ko pa? Ikaw na nga itong ipinagtanggol ko tapos ako pa 'tong mali?”
Nakasimangot na binitawan ko na ang braso n'ya. Nakayukong lalampasan ko na sana s'ya ng hulihin niya ang kamay ko. Napahinto ako. Pero hindi ko pa rin s'ya tiningnan. Nanatili lang akong nakayuko. Nakokonsensya pa rin ako sa ginawa ko.
“Hindi sa gano'n Sam. Alam mo naman...”
“Gano'n yun Ate. Mas gugustuhin mo pang ipahiya ka ni Aling Pricilla sa maraming tao kaysa umalis do'n.”
“Saan ako kukuha ng panggastos ko ngayon sa pag-aaral ko ha, aber? Sige nga. Sabihin mo sa'kin ngayon kung pa'no?”
Natahimik ako bigla sa sinabi n'ya. Paano nga ba? Lubog kami sa utang ngayon sa mga Del Carpio dahil sa pagkakaaksidente ni Inay.
Habang tumatagal bumibigat lalo ang pakiramdam ko. Kapag nahinto si Ate sa trabaho maaapektuhan ang pag-aaral nito pati ako madadamay. May maintenance pang gamot si Nanay. Yung sahod ni Itay sa tubuhan kulang pa nga sa pang-araw-araw naming pangangailangan. Hindi ko man lang naisip kanina kung ano ang maaaring kalabasan ng pagsugod ko. Ang tanging nasa isip ko lang ng mga oras na yun ay maipagtanggol s'ya. Ngayon pakiramdam ko I'm at the edge of the cliff na ano mang oras maaari akong mahulog. Hindi ko mapigilan pa ang sarili na mapaluha ng tahimik.
Isang taon na ang nakakaraan mula ng maaksidente si Inay. Pumunta ito ng maaga sa bayan noon para mamalengke. Sabi sa'min ni Inay tumatawid s'ya no'n ng kalsada. Nakakailang hakbang pa lamang s'ya ng biglang may humaharurot na kotse na bigla na lamang lumabas sa kung saan at patungo sa kinaroroonan n'ya. Sa subrang gulat ay hindi na s'ya makagalaw pa sa kinatatayuan n'ya kahit sunod-sunod na malalakas na binusinahan s'ya ng driver nito. Hindi n'ya na alam kung ano pa ang sumunod na nangyari matapos n'yang mahimatay. Nagising na lamang s'ya na nasa Hospital na s'ya at nakasemento na ang kaliwang binti. Ang masaklap pa ay tinakasan s'ya ng nakabangga. Mabuti na lang at may isang mabait na tricycle driver ang nakakita at nagsugod kaagad sa hospital kay Inay. Kung nagkataon baka kung napa'no na ito.
“Sorry Ate, hindi ko alam na ganito pala ang magiging kahihinatnan ng ginawa ko.” hindi ko na napigilan pang gumaralgal ang boses ko at napahagulhol.
Kaagad naman akong niyakap ni Ate at tahimik kaming nag-iyakan na dalawa sa labas ng tarangkahan ng aming bahay.
“Shienna, Samantha, kayo ba yan!?”
Mabilis kaming naghiwalay ni Ate sa pagkakayakap sa isa't isa at kaagad na pinunasan ang mga luha sa aming mga mata. Bahagya pa naming naitulak ang isa't isa ng marinig ang boses ni Nanay. Sabay pa kaming nagkatawanan ng mapagtanto ang ginawa at makailang ulit pang napasinghot-singhot bago nakangiting naglakad papasok ng bahay.
Naabutan naming nakakunot pa ang noo ni Inay na nakatayo sa labas ng pintuan, habang mataman na nakatingin sa'ming dalawa ni Ate. Muli kaming nagkatinginang dalawa at nakangiting hinarap ito.
“Bakit po nandito kayo sa labas, Nay? Tara na po sa loob. Baka matumba pa po kayo dito sa labas.”
Nakangiting wika ko sa kanya habang inaalalayan naming dalawa ni Ate papasok sa loob at pinaupo sa kawayang upuan sa sala. Palihim kaming nagsusulyapan ni Ate ng patuloy kaming palipat-lipat na tinititigan ni Inay.
“Nasaan yung gamot na pinabili ko sayo Samantha?” nakatitig nitong tanong sa akin.
Tahimik kong kaagad naman inabot dito ang supot na may lamang gamot nito na binili ko sa botika.
“Anong problema at parang tuod kayong dalawa d'yan?”
Maya-maya, nakakunot noo pa ring tanong ulit ni Inay sa'ming dalawa ni Ate. Palipat-lipat kami nitong tinitingnan na dalawa ng kanyang nagtatanong na mga mata.
Sabay pa kaming napangiti at kaagad na naupo sa magkabilaang tagiliran nito. Niyakap namin ito ng mahigpit.
“We love you, Nay. Subra.”
Magkasabay pa naming sabi ni Ate habang pinupupog namin ito ng halik sa magkabilaang pisngi nito. Kaagad naman kami nitong pinagkukurot kaya mabilis na lumayo kami agad rito habang tumatawa.
“Anong nangyayari sa inyong dalawa at ganyan kayo ngayon? Tsaka ikaw Shienna, ba't ang aga mo ngayon? Diba alas singko pa ang uwi mo?”
Napaubo ako bigla sa suno-sunod na tanong nito. Kahit kailan talaga hindi kami makapaglihim rito. Sa galaw at kilos pa lang namin ay alam na nito kung may tinatago kami. Kahit magsinungaling ka pa alam na nila.
“Sinugod--”
“Nagresign na po kasi ako Nay sa trabaho ko. Babalik na lang po ako ulit sa Hacienda. Doon na lang ako magtatrabaho.”
Magkasabay pa naming wika ni Ate at kaagad itong umupo sa tabi ni Inay. Kaagad niyang hinawakan ang isang kamay nito at marahang minasa-masahe. Nalipat ang atensyon nito doon. Pasimple naman akong pinanlakihan ng mata ni Ate na kaagad ko namang kinangiti. Hindi ko akalain na magsisinungaling din siya. At pinagtakpan pa ako!
“Mabuti naman kung ga'nun. Mas mapapanatag ang loob ko 'pag nasa loob ka ng Hacienda. Nando'n ang Itay mo. Mababantayan ka pa no'n.” nakangiting sabi nito at nakakunot noo namang bigla akong binalingan. “Anong sinugod pala ang sinasabi mo Sam?”
Napangiwi ako sa biglang tanong nito sa akin. Tiningnan ko si ate. Pinanlakihan niya muli ako ng mga mata. Nakuha ko naman agad ang ibig n'yang sabihin.
“Sinugod po kasi sa Hospital yung anak nung tindera ng botika kaya po ako natagalan bumalik Nay. Pasensya na po. Kumain na po pala kayo? Sandali lang at maghahain po ako.”
Mabilis kong paalam. Hindi ko na inantay pang sumagot ito at kaagad na pumasok ng kusina. Hindi ko alam kung ano gagawin ko pagkapasok ko ng kusina. Kumain naman na si Nanay bago ako umalis kanina. Binuksan ko ang pinto na nasa kusina. Dumiretso na lang ako ng labas at naupo sa kawayang upuan na nakapalibot sa puno ng mangga sa likod ng bahay malapit sa kusina.
Ilang minuto pa ang lumipas na tahimik lang akong nakaupo doon ng makita ko ang Ate kong nakatayo sa b****a ng pintuan ng kusina namin. Nakasandal ito sa dingding at pinagkrus pa ang dalawang braso sa harap ng dibdib nito, habang nakataas ang isang kilay na matamang nakatingin sa akin.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin.
Marahan siyang naglakad palapit sa akin at tahimik na umupo sa tabi ko.
“Don't worry about it Sam. Siguro may dahilan kaya nangyari 'yun. Don't blame yourself. I really appreciated your help and your defense on me. You're bravier than I thought.” nakangiting sabi niya sabay pisil ng marahan sa aking balikat. Tiningnan ko ang kamay niya sabay lipat sa kanyang mukha.
I smiled hesitantly at her. “Sorry ate.”
“I said, it's fine.”
Nakangiting wika pa rin niya. Ginagap pa ang aking isang palad at marahang pinisil.
I sighed again. Ano pa bang mahihiling ko? Kahit mahirap kami masaya ang pamilya namin. Subra mang daming pagsubok na yumanig sa pamilya ko, hanggang ngayon buo't matatag pa rin ang aming samahan. Isa lang naman ang ayaw ko sa pagiging mahirap. Ito ang nag-iisang dahilan na saklaw sa aming pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.
Ilang oras pa kaming nanatili doon habang tahimik lang na ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin sa aming mga balat. Nakikinig ng iba't ibang sagutan ng huni ng mga ibon na nasa puno ng malaking mangga na puno ng bunga.
Maya-maya sabay na kaming tumayo at naglakad papasok ng kusina at naghanda para sa aming hapunan.
Tapos na kaming mag-iina kumain ng hapunan ay wala pa rin si Itay. Nakailang beses na ring nagpapabalik-balik ang Inay sa harap ng pintuan para tanawin kung dumating na ito, ngunit bigo itong tahimik na bumabalik rin sa upuan nito. Pati kaming dalawa ni ate kinakabahan at nag-aalala na rin. Mag-aalas otso na ng gabi pero wala pa rin ito.
“Baka napasabit lang po yun Nay ng inuman kina Tay Ising.”
Pagpapakalma ko pa dito. Kanina pa ito hindi mapakali sa kinauupuan. Kahit anong sabihin namin ni Ate dito hindi pa rin ito mapigilan sa kakapabalik-balik sa labas para silipin ang pag dating ni Itay.
“Nagpapaalam ang Itay n'yo kung gagabihin 'yun ng uwi. Ngayon lang nangyari itong gabing-gabi na wala pa rin siya. Baka kung napa'no na 'yun sa daan.” naluluhang wika nito. “Puntahan ko na kaya sa Hacienda.”
“Nay! Baka kung kayo naman po ang mapahamak.”
“Kaysa nakatunganga lang tayo dito. Nag-aantay sa wala.”
“Ako na lang po ang pupunta--”
“Saan ka pupunta Shienna?”
Sabay-sabay pa kaming napalingon sa b****a ng pintuan namin ng may biglang magsalita. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Itay. Nagulat pa kami ng makita naming nakakunot-noong nakatayo ito sa b****a ng pintuan. May bitbit pa itong isang bote na nakakahon na imported na alak. Screaming Eagle. Sa tingin ko red wine iyon. Hindi ako familiar pero sa tingin ko mahal iyon. Natigilan ako sa naisip. Pa'no naman nagkaroon ang Itay ng gano'on?
Ilang minuto din ang lumipas na nakatunganga lang kaming tatlo sa kanya.
Si Nanay ang unang nahimasmasan at kaagad nilapitan ang Itay. Kinurot niya pa ito sa tagiliran na ikinatawa naman ni Itay. Hinalikan naman nito si Inay sa noo. Nangingiti kami ni ate habang nakatingin sa mga ito at kaagad ng tumalima at naghanda ng kape at pagkain sa hapag para sa Itay.
“Bakit ka po pala ginabi na ng uwi Itay?”
Maya-maya't basag ko sa katahimikan habang kumakain ito. Tahimik lang kaming nakaupo sa harapan nito habang pinapanood itong kumakain. Halos hindi nito ginagalaw ang pagkaing nakahain sa harapan nito. Mas pinagtuunan pa nito ng pansin na inumin ang kape.
“Inanyayahan ako ni Fernan sa Mansyon. Hindi ko namalayan yung oras. Napasarap ang usapan naming dalawa kaya ginabi na ako. Pasensya na sainyo... Corz.” nakangiting baling nito naman sa Inay sabay hawak sa kamay nitong nakapatong sa mesa at marahan na pinisil. “Pinag-alala ko pa kayo.”
Nagtaka ako bigla kung sinong Fernan ang taga mansyon na tinutukoy ni Itay. Wala namang nangangalang Fernan na nakatira sa loob ng mansyon maliban sa dalawang binata ng mga Del Carpio. Sa pagkakatanda ko JM at Miguel ang pangalan no'ng dalawa. Si Manang Rosa tsaka si Mang Oscar at ang anak ng mga itong si Jeffrey ang tumatao sa mansyon kapag wala ang mga ito. Yung mag-asawang matandang Del Carpio hindi pa naman namin nakikita ng personal at hindi nagagawi dito sa probinsya.
Nakakunot-noong tiningnan ko si Itay. “Sinong Fernan po Itay? Bagong tauhan po ba ng Mansyon?”
“Hindi. Siya yung kaibigan kong kinupkop namin ng Lola Josie n'yo sa Isla Alona noon. Naaalala mo pa ba siya Corz, si Fernan?”
Baling nitong tanong kay Inay na hanggang ngayon ay natitigilan pa rin. Animo'y inaalala ang nakaraan. Ilang minuto ring lumipas ang katahimikan sa hapag. Maya-maya nakita kong umiling ito.
“Hindi mo na ba siya maalala? Si Fernan, 'yong kasa-kasama ko dati no'ng nag-aakyat pa lang ako sayo ng ligaw na kaagad mo naman akong binasted.” nakatawang sabi nito.
Namula naman bigla ang magkabilaang pisngi ni Inay. Napuno ng tawanan ang loob ng aming bahay ng biglang hampasin nito ng mahina ang braso ng Itay na patuloy namang kinakantyawan si Inay para ipaalala ang nakaraan. Pati aso sa labas nagsipagtahulan sa lakas ng tawanan namin.
Pansamantala kong nakalimutan ang kinakaharap naming problema ni Ate. Ganito kaming pamilya. Masaya kahit puno ng problema. Nakangiti kong pinagmamasdan ang dalawang taong nilalang na napakahalaga sa aking buhay. Animo'y parang mga batang naghaharutan. Nagkatinginan kaming dalawa ni ate. Sabay pa kaming nakangiting umiiling.
“Tama na Corz at masakit pa din pala ang mga pino mong mga kurot.”
Maya-maya'y reklamo ni Itay. Nakatawa pa rin ito habang inaayos ang nalayong upuan palapit sa pwesto ni Inay.
“Naku, 'di lang yan ang aabutin mo sa pagpapaalala mo sa'min ng mga anak mo. Akala nga namin nagkamali ka na ng bahay na inuwian.” nakairap pang sabi nito kay Itay na tinawanan lang naman ng huli.
“Ngayon ka pa ba mag-iisip ng ganyan kung kailan tumanda na tayo't dalaga na ang mga anak natin?”
“Ano po bang ginagawa n'ong Fernan na yun sa mansyon Itay?" singit na tanong ni Ate. "Costumer din po ba siya ng mga Del Carpio?”
“Hindi. Ang kaibigan kong si Fernan at ang may-ari ng pinagtatrabahuhan ko ay iisa.”
“Hah? Pa'no pong nangyari 'yun? Ano po bang ibig n'yong sabihin? Si Don Fernando Del Carpio po ang may-ari ng Hacienda 'di po ba? Pa'no pong naging yung kaibigan n'yo?”
“Kahit nga ako naguguluhan din e. Alam ko kasi Fernan Santiago ang pangalan niya. Pero sabi niya sa'kin kanina, apelyido ng mama niya ang sinabi niya sa'kin noon dahil sa takot niya't hindi kami magkakilala. Nakalimutan niya na din itama pa dahil baka magalit ako sa kanyang pagsisinungaling.” paliwanag nito sa amin.
Natawa pa ito sa aming mga itsura then sighed. “Lilipat na tayo bukas na bukas din sa isang Rest House doon sa loob ng Mansyon. Doon na tayo titira.”