SAMANTHA FAYE RAMOS
MABILIS lumipas ang mga araw, buwan, at taon.
Ngayon nakakapaglakad na ang Inay ng walang gamit na tungkod. Sa tulong ng isang magaling na physiotherapist na kakilala ng mga Del Carpio mas napabilis at napadali ang paggaling nito.
Nakapagtapos na rin ng pag-aaral ang Ate ko. Isa na itong Registered Nurse ngayon. Dalawang taon ng nagtatrabaho sa St. Luke's Medical Center. Pati yung mga kaibigan at kakilala ko nakapagtapos na din at nagsipag-asawa na 'yong iba. 'Yong iba naman lumipat ng skwelahan sa Manila dahil sa libreng pagpapaaral ng mga Del Carpio.
Ngayong pasukan third year college na ako, with BSED major in Science course.
"Labas tayo ngayon, Ate. E-libre mo naman ako ng sine. Hindi pa ako nakakapasok do'n e."
Bakasyon namin ngayon kaya nandito ako sa apartment niya sa Manila. Apat na taon na itong hindi umuuwi. Puro video call lang ang ginagawa. Kisyo busy sa skwelahan at trabaho. Kaya pinayagan akong muli ng aking mga magulang na lumuwas at bisitahin ito.
Ang bilis ng takbo ng mga araw at ng oras. Mag-iisang linggo na ako agad dito pero dalawang beses pa lang akong pinasyal ni Ate. Nababagot ako. Maghapon lang akong nakatunganga sa harap ng laptop nito. Pakiramdam ko parang nagdayo lang ako dito para makinood ng Kdrama sa KissAsean TV.
"Sige--"
"Ayyy..! Magbibihis na ako!"
Nagtitiling kaagad akong tumakbo papasok ng kwarto para magpalit ng damit. Hindi ko na s'ya pinatapos pang magsalita at baka magbago pa ang isip. Mahirap na.
It took me a while to choose what clothes to wear. Then suddenly stumbled with my favorite yellow off shoulder fitted long sleeve crop top and black denim high waisted short. Matching with my white shoes and white shoulder bag. I put some powder in my face and shades of nude lipstick in my lips. Nilugay ko lang ang aking hanggang baywang na itim na itim na buhok. I smiled with my reflection in an oval shape mirror in front of me.
Pagkatapos ni Ate magbihis ay kaagad kaming umalis at nagtungo ng Mall. Sumakay na kami ng tricycle para mabilis. Naasiwa pa ako kanina ng paglabas namin ng bahay ay pagtinginan pa kami ng mga tambay sa tindahan malapit sa luwasan. Naconscious ako bigla sa suot ko ng makarining ako ng mahinang sipol. Napahawak ako kaagad sa braso ni Ate. Tinawanan naman ako nito.
"Anong gusto mong panoorin, Sam?" tanong sa'kin ni Ate habang naglalakad na kami papasok ng Mall.
Araw ng linggo kaya subrang daming tao. Busy masyado. Buhay na buhay ang paligid. Bigla akong naexcite. Parang nakawala ako sa hawla.
"Horror. Gusto ko 'yong mapapasigaw ako. Napapanisan akong laway sa apartment mo."
Napahalakhak ito sa sinabi ko.
Inirapan ko s'ya. Pero kalaunan ay bahagyang natawa na rin ako.
Wala na nga akong makausap sa apartment nito, lagi pa akong iniiwan mag-isa. Ayaw ko naman makipag-chat sa mga kaibigan ko. Nangangalay lang ang mga daliri't kamay ko.
"Sigurado ka ba d'yan?" she pouted a bit.
Hindi ko siya sinagot. Hindi rin naman ako sigurado sa sinabi ko.
Dumaan muna kami ng grocery store. Bibili ng pagkain na pweding mangatngat sa loob ng sinehan. Bitbit nito ang basket. Nang makapasok kami dumeritso ito kaagad sa beverage section. Pumunta naman ako sa kabila. Maghahanap akong chips.
Hindi ako makadecide kung alin ang kukunin ko sa subrang daming pagpipilian. Paroo't parito ako kakatingin.
Alin ba dito ang masarap?
Nakakita akong Nova at Potato chips. Kaagad kong dinampot 'yon. Kumuha akong tig-dalawang malaki. Napangiti ako.
Pagbaling ko sa aking kanan bigla akong napasigaw ng may malakas na bumangga sa akin. Nabitawan ko ang mga hawak ko. Aw! Tumama pa ang isa sa aking mukha. Hindi ko alam kung saan na ito nagsipagtalsikan. Pati 'yong shoulder bag ko natanggal sa balikat ko. Nakataas pa sa ere ang mga kamay ko. Pati 'yong buhok ko sumabog sa aking mukha. Nanlalaki ang aking mga mata sa gulat. I twisted my lips. Oh no! Babagsak ako! Hiyaw ng aking utak.
Patumba na ako sa lakas ng impact ng pagkakabunggo ng estrangherong bigla na lang sumulpot sa aking daraanan, nang maramdaman ko ang mabilis na paghaklit ng braso nito sa aking baywang. Malakas akong napasubsob na matigas nitong katawan. Ang higpit ng pagkakahawak nito sa akin ng malabakal nitong braso. Nahigit ko ang aking paghinga.
Hindi pa ako makamove-on sa gulat ng pag-angat ko ng aking mukha ay basta na lamang ako nitong hinalikan. Napasinghap ako ng malakas ng maramdaman ko ang mainit nitong mga labi na dumampi sa bahagyang nakabuka pang mga labi ko. Mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko inaasahan. Hindi ako handa. Nanlalaki ang mga matang naitulos ako sa aking kinatatayuan. Nawala ako sa aking sarili. Nanginig bigla ang aking mga tuhod sa kuryenting naramdaman kong nanulay sa aking buong katawan sa paglapat ng labi nito sa aking mga labing wala pang karanasan.
What the f*ck is this? Bakit may ground?
Ilang minuto rin akong napatulala habang magkahinang pa rin ang aming mga labi. Pakiramdam ko huminto ang pag-ikot ng mundo sa subra kong pagkagulat. Nagblurred ang lahat sa aking paligid.
"John Wayne!"
Napakurap-kurap ako bigla. Kaagad akong natauhan. Malakas kong naitulak ang estrangherong lalaki sa kanyang dibdib. Napaatras ito. Kaagad ako nitong nabitawan. Napalingon ako agad sa aking kanan matapos kong marinig ang malakas na sigaw.
I startled. Nanlilisik na mga mata ng isang magandang babae ang sumalubong sa aking paningin. I even looked behind my back and think twice kung sa akin ba talaga siya nagagalit. Nakatayo ito sa dulo ng grocery rack malapit sa cashier. Nakita ko pang pumatak ang luha nito sa mga mata na kaagad ding pinalis habang masamang nakatingin pa rin sa akin. Napamaang ako sa kanya. I saw a sudden pain flashed in her teary eyes. Panibugho ba iyon? Sawi? Isang matalim na tingin pa muli ang binato nito sa akin bago ito tumalikod. Malalaking hakbang na umalis ito. Nasundan ko pa ito ng nagtatakang tingin.
Napahawak ako sa aking dibdib.Teka.. sa akin ba nagagalit ang babaing 'yon? Pero bakit? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
Naalala ko bigla ang lalaking nangahas na humalik sa akin. Naikuyom ko ang aking mga kamay sa galit na biglang umusbong sa aking dibdib. Kaagad ko itong binalingan ngunit likod na lamang nito ang naabutan ko. Kaagad itong lumiko at biglang naglaho sa aking paningin. Hindi ko naramdaman na nilayasan na rin pala ako nito habang tulalang habol ko pa ng tingin ang babaing galit na galit na nakatingin sa akin kani-kanina lang.
Girlfriend n'ya? Boyfriend s'ya? Mag-d'yowa ba sila? May LQ?
Shit. Bakit dinadamay nila ako sa problema nila?
Wala sa sariling napahawak ako bigla sa nanginginig ko pang mga labi.
John Wayne?
S'ya ba iyong tinawag no'ng babae? Pero bakit n'ya naman ako hinalikan? What has just happend?
Gulong-gulo ako sa nangyari. Hindi ko maintindihan. Hirap e-proseso ng aking utak.
Anong nangyari? Anong nangyari?
Paulit-ulit na tanong ko sa aking utak. Shìt. Siraulong lalaki 'yon ah!
"Sam, Ok ka lang?"
Nag-aalalang mukha ni Ate ang pumukaw sa akin. Hindi ko naramdaman ang kanyang paglapit. Nakatayo na s'ya sa harapan ko. Napatitig ako sa kanya.
She held my left arm.
"Are you ok? Anong nangyari? Bakit parang natuklaw ka ng ahas d'yan?"
Hindi ko namalayang napapasabunot na pala ako sa aking buhok. T'ngna, sumakit bigla ang ulo ko.
Isa-isang pinulot n'ya ang apat na malalaking chips na naitapon ko kanina. May tumulong pa sa kanyang ibang mamimili sa pagpulot. Inabot ito kay Ate at linagay naman n'ya sa loob ng kanyang hawak na basket.
Kaagad n'ya akong nilapitan matapos n'yang magpasalamat dito. Hindi n'ya ako hinihiwalayan ng tingin. Animo'y parang may mali sa akin.
Wala sa sariling nagpalinga-linga ako. Napapitlag pa ako ng makita kong halos lahat sila nakatingin sa akin na may mapanuring mga mata. Biglang nag-init ang aking buong mukha. Shìt. Nakakahiya!
Kaagad akong hinatak ni Ate papunta ng cashier. Nagpatangay naman ako. Pasulyap-sulyap s'ya sa akin. Nanatili lang akong nakayuko. Hindi ko alam kung bakit nila ako pinagtitinginan. Dahil ba sa babaing galit na galit sa akin or sa lalaking basta na lang nanghalik sa akin? Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng maruruming mga utak nila. Makatingin sa'kin wagas. Anong akala nila sa akin mang-aagaw? Natigilan ako sa naisip. Hindi kaya.... shìt!
Binayaran na n'ya lahat-lahat ng pinamili ay hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari. Hanggang makapunta na kami ng fourth floor at bumili na ito ng ticket para sa panonoorin naming pelikula.
Ilang minuto ang inantay pa namin bago kami pumasok sa loob ng sinehan. Subrang lamig. Ang dilim sa loob lalo na ang sa bandang duluhan. Muntik pa akong madapa ng matisod ako sa ilang baitang na nand'on, buti na lang at nahawakan ako ni Ate sa aking braso. Nagpalinga-linga pa muna ako bago kami naupo sa gitnang parte ng sinehan. Kapwa magkakapareha ang naaaninag kong mga bulto sa dilim. May ilan pa akong nakitang naghahalikan.
Seryoso? Dito pa talaga? Napailing na lang ako.
Maya-maya nagsimula na ang palabas.
Kumuha akong Nova chips at kaagad itong binuksan. Sunod-sunod akong sumubo. Hindi maalis sa utak ko ang nangyari.
Nakatutok ang mga mata ko sa unahan pero ang utak ko naiwan sa labas ng sinehan. Ilang minuto na ang lumipas na nakaupo kami doon pero wala akong maintindihan sa palabas. Jurassic World Dominion ang napili ni Ate'ng panoorin namin. Ang ganda sana ng pelikula kaso iwan at parang nawalan ako ng gana.
Maya't maya ako nitong kinakalabit. Tahimik lamang ako. Nakakunot noo pa rin itong nakatingin lang sa akin. Panay tanong kung anong nangyari pero hindi ko siya masagot. Umiiling lang ako.
Ano nga ba ang nangyari?
May bagyong lalaki na pagkatapos akong banggain, hinalikan ako, ganun? Bigla na lang din akong linayasan pagkatapos ng ginawa nito. Hindi man lang nagsorry sa'kin ang bastos na lalaking 'yon. Naglalaro ba sila ng truth and sequence at ako ang napiling pagtripan? Nakakairita.
I sighed deeply. Hindi ko man lang maalala ang mukha ng lalaking 'yon. I was so shocked with the unexpected abrupt kiss of that damn stranger. Ninakaw niya ang unang halik ko. Damn.
Natapos ang pelikulang walang pumasok na kahit ano sa aking magulong utak. Para akong lutang.
Gano'n ba talaga ang pakiramdam ng nakaw na halik?
Parang may bubble gum. Pakiramdam ko nakadikit pa rin ang labi ng lalaking 'yon sa nguso ko. Ang mabago n'yang hininga na tumama sa mukha ko kanina. Pati ang mamahaling pabangong gamit nito sadyang nakadikit pa din sa katawan ko. Lalo na sa damit ko. Naaamoy ko pa din 'sya. Though I am pissed with his actions, still I regretted that I can't even noticed his face.
Gwapo kaya s'ya? Macho?
Hindi ko alam. Pero naramdaman kong matigas ang dibdib nito ng lumapat ang mga palad ko sa dibdib ng itulak ko. Mukhang maganda ang katawan. Mamuscle. No'ng nakatalikod s'ya 'di ko masyadong natitigan. Pero mukha s'yang matangkad at malaki. Broad shoulders. Maihahalintulad ko siya sa isang dayuhan.
Is he?
Ang mukha n'ya wala akong maalala. Naduling ako sa ginawa sa akin ng mapangahas na lalaking 'yon. Hindi ko maalala kung napapikit ba ako habang magkalapat ang mga labi namin or dilat. Iwan. Ang utak ko naka-focus sa sakit na maaari kong maramdaman sa pagbagsak ko sa sahig. Pero hindi nangyari. Iba ang nangyari. Mas malala. Mas nakakahiya.
Tsk.. Bakit ko ba iniisip ang walang hiyang 'yon!