Natagpuan ko ang sarili na nasa harap na ng condominium kung saan nakatira si Adrian. Hindi ko nga alam kung paano ako napunta rito, eh. Iba naman ang nasa isip ko kanina pero ang mga paa ko, parang may sariling isip at sa ibang direksyon ako dinala. Nasa last choice ko si Adrian pero heto ako ngayon sa harapan ng kanilang building. Hay. Paano ko haharapin yun ngayon pagkatapos ng nangyari kagabi at pagkatapos ko siyang sapakin sa mukha? Magpapanggap na lang siguro ako na isasauli ko yung tsinelas niya. Sa pagmamadali ko kasi na makaalis sa condo niya, itong tsinelas niya ang nasuot ko at nakalimutan nang magsapatos. Nagtuluy-tuloy ako papuntang elevator, medyo kabado dahil hindi ko alam paano i-operate iyon. "Basta, pinindot lang ni Adrian ang up button," bulong ko sa sarili. Pinin

