Puno ng pagkasabik ang nararamdaman ko habang naglalakad ako papuntang eskwelahan ng DRIS. Maaga pa at malamig ang hangin pero dahil sa excitement ay pinagpawisan na agad ako. Nilakad ko lang din kasi mula condominium patungo rito. Kailangan kong magtipid dahil ipapadala ko mamaya lahat ng pera kay inay para sa mga pangangailangan ni ate. Huminto ako sa harap ng gate. Bago ako tumuloy ay napalingon pa muna ako sa katapat na boarding house. Bumuntong-hininga ako nang maalala si Carlos. Kumusta na kaya ang mokong? Dumiretso na ako sa gate ng DRIS at pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay bigla na lang kumabog ang dibdib ko. Para bang may kung ano'ng malakas na pwersang sumalubong sa akin. Kinabahan ako, nasabik at nag-aalala. Naalala ko kasi yung lalaking nakamaskara, ang misteryusong lal

