"Welcome to Don Roman International College, students! I'm Professor Nagamori, and I'll be guiding you through our Constitutional Law class this semester. No expectations of you, just study hard, deep and rough." Eh? Hard, deep and rough? Ako lang ba ang may ibang naiisip sa sinabi niya? Naghahagikhikan sa kilig ang nga babae naming kaklase habang nagsasalita si Adrian sa gitna ng malawak na silid. Para siyang dekorasyon sa maputi't malinis na silid. Siya yung nagbigay ng magandang view sa plain na kulay ng dingding. "So why did you take up law?" biglang tanong niya. "Ah, sir, hindi po ba namin i-entroduce muna ang mga sarili namin?" tanong ng isa. "Oo nga, sir. Hindi pa namin alam ang pangalan ng ibang nandito." "You're paying a high tuition fee here just to memorize your classmat

