"So saan ka nagpunta kanina?" tanong niya habang nilalaro ang hibla ng aking buhok. Magkayakap kami, parehong hubo't hubad habang pilit na pinagkakasya ang mga katawan namin sa mahabang sofa. "Namasyal nga. Parang na-miss ko kasi ang lumabas. Matagal-tagal na rin yung huling silay ko sa labas kaya nag-ikot-ikot na ako." "You sure?" Umismid ako. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala." "Hmm. Fine. Hindi na kita kukulitin about it. How's your day by the way?" "Masama dahil buntot ka nang buntot." "Ayaw mo ba?" "Ayaw." Sinilip niya ang mukha ko. Ipinakita niya talaga kung paano umasim ang mukha niya sa sinabi ko. "Kasi inaalisan mo ako ng privacy at inaalisan ng kalayaang makihakubilo sa mga kaklase ko!" Bumuntong-hininga siya. "Okay. Next time hahayaan na kita." Tumunog ang tiyan ni

