Analyn's Pov Nasaan na ba si Adrian? Kanina pa nagdadabog itong binatang pinabantay niya sa akin. Nagpang-abot na ang makakapal na kilay, pati ang mapula nitong nguso nanulis na. "Ano ba yan! May date pa 'ko!" bulong nitong hindi mapakali sa kinauupuan. Pareho kaming nakaupo sa mahabang sofa, pero sa magkabilang dulo nito. Kung saan ako tumatambay, sumusunod siya. Ayaw niya akong ihiwalay sa paningin niya, kahit na nababanas na siya kakabuntot sa akin. "Kung gusto mo nang umalis, pwede ka namang umalis," biglang sabi ko. Napatingin siya sa akin. "Sanay akong mapag-isa. Tsaka, kahit may lagnat ako, kaya ko pa ring magtrabaho." "Tsk. Baka mapano ka, malalagot ako dun kay kuya Adrian." "Hindi nga! Sige na, iwan mo na ako. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya." Napatingin siya

