CHAPTER 26 BECKY POV Kung may award sa mundo para sa Pinaka-Normal na Tao sa Zombie Apocalypse, sigurado akong hindi ako nominado at proud ako doon. Kasi habang ang iba ay tumatakbo para sa buhay nila, ako… tumatakbo para sa pag-ibig. O at least… imaginary na pag-ibig. Nakatago kami ngayon sa loob ng isang lumang convenience store. Basag ang salamin, amoy lumang noodles, at may mannequin na nakahandusay sa sahig na muntik ko nang yakapin kanina dahil akala ko tao. Oo, ganoon na kalala ang buhay ko. Humihingal pa ako habang nakasandal sa pader, hawak ang dibdib ko na parang may nangyari talagang romantic scene. “Becky…” naririnig ko ang boses ni Tinay, halos mamatay sa kakatawa. “Ano bang… ano bang ginawa mo kanina?!” Huminga ako nang malalim. “Tinay,” sabi ko, seryoso ang tono. “Hi

